You are on page 1of 2

POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES

United Bayanihan, City of San Pedro, Province of Laguna

PAGTATAYA BLG. 1

Gumawa ng isang malikhaing tula na may kaukulang pamagat. Mula sa tulang


nagawa ay ipaliwanag ang mga bahagi nito ayon sa kaniyang ELEMENTO, URI at
BALANGKAS:

Buhay ko. Halika’t pakinggan mo

Jessel Tagalog, Ito’y aking pangalan


Masbate, Ang lugar syang sinilangan
Bata pa lamang nangarap na sa buhay
Paghihirap ay nakikita sa bahay

Accountancy, Ang kursong kinuha ko


Kuya ko ang naging inspirasyon ko dito
Simula pagkabata sya na ang idolo
Sa takdang aralin sya ang katulong ko

Sa umaga ako ay nagtatrabaho


Sa gabi paga-aral ginagawa ko
Ito ay gawain na nakakapagod
Kung minsan gusto ko na lamang matulog
Ngunit ako’y may pangarap nais matupad
Hindi ako maaari na maging tamad
Alam kong ang pagsasakripisyong ito,
Magdudulot ng kaginhawahan sa dulo

Hanggang dito na lamang ang aking tula


Patawarin mo kung mabibitin kita
Hanggang dito na lang ang kayang itala
Mayroong di kayang ibahagi sa iba

B. Ang tulang aking ginawa ay may anyong Tradisyonal, ako may sinusunod na sukat
kada taludtod at pinipilit ko na magkaroon ng tugma sa bawal dulong salita. Ang
elementong kariktan ay hindi ko masasagutan sapagkat ang mambabasa lamang ang
kayang o maaaring manghusga ng aking gawa siya lamang ang makakapagsabi kung
naging manlinaw ba sa kanya ang tulang aking ginawa. Ang persona sa aking tula ay ako
mismo dahil ibinahagi ko ang aking buhay. Ang aking tula ay may limang saknong
tinatawag itong Quintet. Ang sukat naman nito ay lalabindalawahin dahil bawat taludtod
ay mayroong labing dalawa na pantig. Wala kang makikitang talinhaga sa aking tula dahil
ito ay bagay na hindi ko pa kayang gawin sa aking tula nawa’y sa mga susunod na araw
ay matutunan ko ang paggawa gamit ito. Ang uri ng tula na aking ginawa ay Tulang
Pasalaysay dahil ako ay naglarawan ng mga bagay na nangyayari sa aking buhay. Ito rin
ang ginamit ko dahil sa aking palagay ay mas madali itong gawin kaysa sa iba pang uri
ng tula.

You might also like