You are on page 1of 1

Pinagaling ni Jesus ang Sampung Ketongin

Ang kwento sa Bibliya na “Pinagaling ni Jesus ang Sampung Ketongin” ay hango sa Bibliya na
matatagpuan sa aklat ng Lucas kabanata 17 talata 11 hanggang 37 (Lucas 17:11-37).

Sa paglalakbay ni Jesus patungong Jerusalem ay dumaan siya sa gitna ng


Samaria at Galilea.
Nang papasok na siya sa isang nayon ay sinalubong siya ng sampung lalaki na
may ketong.
Nakatayo sa malayo ang sampu at sumigaw ng, “Jesus! Panginoon! Mahabag
po kayo sa amin!”
Nang makita sila ni Jesus ay sinabi nitong, “Humayo kayo at pakita sa mga
saserdote.”
Sa kanilang paglalakad ay napansin ng isa sa sampung ketongin na sila ay
gumaling. Siya ay bumalik at sumisigaw ng pagpupuri sa Diyos.
Ang lalaking bumalik ay isang Samaritano. Tinanong ni Jesus kung nasaan ang
iba pa niyang kasama.
“Nasaan ang siyam? Wala bang nagbalik at nagpuri sa Diyos kundi ang
dayuhang ito?”
Pagkaraan ay sinabi ni Jesus sa lalaki, “Tumindig ka’t humayo sa iyong lakad!
Pinagaling ka dahil sa iyong pananalig.”
Aral:
• Ang nais ng Diyos ay matuto tayong magpasalamat sa lahat ng pagpapalang
natatanggap natin. Ito man ay maliit o malaking pagpapala, nalulugod ang
Diyos sa taong marunong magpasalamat.
• Kung may bagay kang nais mong gawin ng Diyos sa buhay mo, sabihin mo sa
kanya kung ano ito at dapat ay magkaroon ka ng malaking pananalig sa Diyos
na magagawa niya iyon.

You might also like