You are on page 1of 4

AWIT NG PAGLAYA

UMAWIT AT MAGPURI
SA HAPAG NG PANGINOON
ARAW-ARAW KAY MARÍA (SEPT. 8)

MUNTING ALAY
PAGGUGUNITA
ANG ALAY KO

ANG AKING BUHAY PARA SA AKING KAWAN


PAGBABALIK
PAGHAHANDOG NG SARILI
ABANG MARIA (SEPT. 8)

HUMAYO SA KAPAYAPAAN
PAPURI AT PASASALAMAT
AWITAN SI MARIA

SEPTEMBER 1
Sa UNANG PAGBASA, itinuturo ni Sirak ang isang mahalagang aral sa buhay:ang pagpapakumbaba sa
pagtupad sa tungkulin.

Sa IKALAWANG PAGBASA, nag-aanyaya ang sumulat sa mga Hebreo na lumapit ang lahat sa Diyos, na
kasama ng lahat ng mga anghel at mga banal.

Sa MABUTING BALITA, itinuturo ni Jesus ang nararapat na ugali sa handaan: kapakumbabaan para sa
inaanyayahan, at hindi paghihintay ng kapalit sa nangaanyaya

Isang Araw ng Pamamahinga, si Jesus ay inanyayahang kumain sa bahay ng isang pinuno ng mga
Pariseo; at binabantayan nilang mabuti ang Kanyang mga kilos. Napansin ni Jesus na ang pinipili ng mga
inanyayahan ay ang mga upuang nakalaan sa mga piling panauhin. Kaya't sinabi Niya ang talinghagang
ito: "Kapag inanyayahan ka ninuman sa isang kasalan, huwag mong pipiliin ang tanging upuan. Baka may
inanyayahang lalong tanyag kaysa iyo. At lalapit ang nag-anyaya sa inyong dalawa at sasabihin sa iyo,
'Maaari bang ibigay ninyo ang upuang iyan sa taong ito?' Sa gayo'y mapapahiya ka at doon malalagay sa
pinakaabang upuan. Ang mabuti, kapag naanyayahan ka, doon ka maupo sa pinakaabang upuan,
sapagkat paglapit ng nag-anyaya sa iyo ay kanyang sasabihin, 'Kaibigan, dini ka sa kabisera.' Sa gayon,
nabigyan ka ng malaking karangalan sa harapan ng m g a p a n a u h i n . S a p a g k a t a n g nagpapakataas
ay ibababa, at ang nagpapakababa ay itataas.” Sinabi naman ni Jesus sa naganyaya sa Kanya: "Kapag
naghahanda ka, huwag ang mga kaibigan mo, mga kapatid , mga kamag-anak o mayayamang kapitbahay
ang aanyayahan mo, sapagkat aanyayahan ka rin nila, at sa gayo'y nagantihan ka. Kaya kung ikaw ay
maghahanda ng isang malaking salu-salo, ang mga pulubi, mga pingkaw, mga pilay, at mga bulag ang
anyayahan mo. Hindi sila makagaganti sa iyo at gayo'y magiging mapalad ka. Gagantihan ka ng Diyos sa
muling pagkabuhay ng mga banal."

SEPTEMBER 8

Sa UNANG PAGBASA, inilalahad ang kahalagahan ng Karunungan kung nais ng taong maunawaan ang
mga bagay na makalangit, at makagawa ng maaayos na panukala.

Sa IKALAWANG PAGBASA, ipinauunawa ni Apostol San Pablo kay Filemon na kailangan niyang talikuran ang
pagturing kay Onesimo bilang isang alipin, at tanggapin siya bilang isang minamahal na kapatid.

Sa MABUTING BALITA, inilalahad ni Jesus na ang pagsunod sa Kanya ay nangangahulugan ng masusing


pag-iisip at kahandaang tumalikod sa lahat para sa Kanya.

Noong panahong iyon, sumama kay Jesus ang napakaraming tao; humarap Siya sa kanila at Kanyang
sinabi, "Hindi maaaring maging alagad Ko ang sinumang umiibig sa kanyang ama at ina, asawa at mga
anak, mga kapatid, at maging sa sarili niyang buhay nang higit sa Akin. Ang sinumang hindi magpasan ng
sariling krus at sumunod sa akin ay hindi maaaring maging alagad Ko. Kung ang isa sa inyo'y nagbabalak
magtayo ng tore, hindi ba uupo muna siya at tatayahin ang magugugol para malaman kung may sapat
siyang salaping maipagpapatapos niyon? Baka mailagay ang mga pundasyon ngunit hindi naman
maipatapos-siya'y kukutyain ng lahat ng makakikita nito. Sasabihin nila: 'Nagsimulang magtayo ang taong
ito pero hindi naipatapos.' O sinong hari na makikipagdigma sa kapwa hari ang hindi muna uupo at pag-
aaralang mabuti kung ang sampunglibo niyang kawal ay maisasagupa sa kalaban na may
dalawampunglibong tauhan? At kung hindi niya kaya, malayo pa ang mga kalaban ay magsusugo na siya
ng mga kinatawan upang makipagkasundo. Gayon din naman, hindi maaaring maging alagad Ko ang
sinuman, kung hindi niya tatalikdan ang lahat sa kanyang buhay."

SEPTEMBER 15

Sa UNANG PAGBASA, sa pamamagitan ng pagsusumamo ni Moises, hindi itinuloy ng Panginoon ang


paglipol sa mga Israelita sa kabila ng kanilang pagpapakasama.

Sa IKALAWANG PAGBASA, inilahad ni Apostol San Pablo na sa kabila ngkanyang pagiging pinakamasama
sa lahat ng mga makasalanan, kinahabagan pa rin siya ng Diyos.

Sa MABUTING BALITA, sa pamamagitan ng mga talinghaga, isinalarawan ni Jesus ang kaligayahan ng


Diyos sa pagbabalik-loob sa Kanya ng sinumang makasalanan.

Noong panahong iyon, ang mga publikano at ang mga makasalanan ay nagsisilapit upang makinig
kay Jesus. Nagbulung-bulungan ang mga Pariseo at ang mga eskriba. Ang sabi nila , “Ang taong
ito'y nakikisalamuha sa mga makasalanan at nakikisalo sa kanila.” Kaya't sinabi ni Jesus ang
talinghagang ito: “Kung ang sinuman sa inyo ay may saandaang tupa, at mawala ang isa, ano ang
gagawin niya? Iiwan ng siyamnapu't siyam sa ilang at hahanapin ang nawawala hanggang sa
matagpuan, hindi ba? Kapag nasumpungan na'y masaya niyang papasanin ito. Pagdating sa bahay,
aanyayahan niya ang kanyang mga kaibigan at mga kapitbahay. Sasabihin niya, 'Makipagsaya kayo
sa akin, sapagkat nasumpungan ko sa wakas ang tupa kong nawawala!' Sinasabi ko sa inyo,
magkakaroon ng higit na kagalakan sa langit dahil sa isang makasalanang nagsisisi't tumatalikod
sa kanyang kasalanan kaysa siyamnapu't siyam na matuwid na hindi nangangailangang magsisi.
“O kaya, kung ang isang babae ay may sampung salaping pilak at mawala ang isa, ano ang gagawin
niya? Sisindihan niya ang ilaw, wawalisan ang bahay at hahanaping mabuti hanggang sa
masumpungan ito, hindi ba? Kapag nasumpungan na niya ito ay aanyayahan niya ang kanyang
mga kaibigan at mga kapit-bahay. Sasabihin niya, 'Makipagsaya kayo sa akin, sapagkat
nasumpungan ko sa wakas ang nawala kong salaping pilak!' Sinasabi Ko sa inyo, gayon din ang
kagalakan ng mga anghel ng Diyos dahil sa isang makasalanang nagsisi't tumalikod sa kanyang
kasalanan.” [ Sinabi pa ni Jesus, “Isang tao ang may dalawang anak na lalaki. Ang wika ng bunso, ‘Ama,
ibigay na po ninyo sa akin ang mamanahin ko.’ At binahagi sa kanila ng ama ang kanyang ari-arian.
Pagkalipas ng ilang araw, ipinagbili ng bunso ang kanyang ari-arian at nagtungo sa malayong lupain, taglay
ang buo niyang kayamanan, at doo’y nilustay na lahat sa di wastong pamumuhay. Nang malustay na niya
ang kanyang kayamanan, nagkaroon ng matinding taggutom sa lupaing yaon, at nagdalita siya. Kaya’t
namasukan siya sa isang mamamayan ng lupaing yaon. Siya’y pinapunta nito sa bukid upang mag-alaga
ng baboy. Ibig sana niyang punan ang kanyang pagkain kahit ng mga bungang-kahoy na ipinakakain sa
mga baboy ngunit walang magbigay sa kanya. Nang mapag-isip-isip niya ang kanyang ginawa, nasabi niya
sa sarili, ‘Ang mga alila ng aking ama ay may sapat na pagkain–at lumalabis pa–samantalang ako’y
namamatay ng gutom dito! Babalik ako sa kanya, at sasabihin ko, “Ama, nagkasala po ako sa Diyos at sa
inyo. Hindi na po ako karapat-dapat na tawagin ninyong anak; ibilang na lamang ninyo akong isa sa inyong
mga alila.”’ At tumindig siya at pumaroon sa kanyang ama. “Malayo pa’y natanawan na siya ng ama at ito’y
labis na nahabag sa kanya, kaya’t patakbo siyang sinalubong, niyakap at hinagkan. Sinabi ng anak, ‘Ama,
nagkasala po ako sa Diyos at sa inyo. Hindi na po ako karapat-dapat na tawagin ninyong anak.’ Ngunit
tinawag ng ama ang kanyang mga alila, ‘Madali! Dalhin ninyo rito ang pinakamahusay na damit at isuot sa
kanya. Suutan siya ng singsing at panyapak. Kunin ang pinatabang guya at patayin; kumain tayo at
magsaya! Sapagkat namatay na ang anak kong ito, ngunit muling nabuhay; nawala, ngunit nasumpungan.’
At sila’y nagsaya. “Nasa bukid noon ang anak na panganay. Umuwi siya, at nang malapit na sa bahay ay
narinig niya ang tugtugan at sayawan. Tinawag niya ang isa sa mga alila at tinatong: ‘Bakit? May ano sa
atin?’ ‘Dumating po ang inyong kapatid!’ tugon ng alila. ‘Ipinapatay ng inyong ama ang pinatabang guya,
sapagkat nagbalik siyang buhay at walang sakit.’ Nagalit ang panganay at ayaw itong pumasok sa bahay.
Kaya’t lumabas ang kanyang ama at inamu-amo siya. Ngunit sinabi nito, ‘Pinaglingkuran ko po kayo sa
loob ng maraming taon, at kailanma’y hindi ko kayo sinuway. Ngunit ni minsa’y hindi ninyo ako binigyan ng
kahit isang bisirong kambing para magkatuwaan kami ng aking mga kaibigan. Subalit nang dumating ang
anak ninyong lumustay ng inyong kabuhayan sa masasamang babae, ipinagpatay pa ninyo ng pinatabang
guya!’ Sumagot ang ama, ‘Anak, lagi kitang kapiling. Ang lahat ng ari-arian ko’y sa iyo. Ngunit dapat tayong
magsaya at magalak, sapagkat namatay na ang kapatid mo, ngunit muling nabuhay, nawala, ngunit
nasumpungan.]

SEPTEMBER 22

Sa UNANG PAGBASA, ipinahayag ni Propeta Amos na hindi mapapatawad ng Panginoon ang kawalang-
loob ng mayayaman sa Araw ng Pamamahinga upang makapagbili na ng kanilang ani at makapandaya sa
mga namimili.

Sa IKALAWANG PAGBASA, ninanais ni Apostol San Pablong ang lahat ay makapanalangin at makapaglingkod
sa Diyos nang may kabanalan.

Sa MABUTING BALITA, itinuturo ni Jesus na hindi maaaring makapaglingkod tayo sa dalawang panginoon
nang sabay at nang may pantay na sigasig o katapatan.

Noong panahong iyon, sinabi ni Jesus sa Kanyang mga alagad, [“May isang mayaman na may isang
katiwala. Isinumbong sa kanya na nilulustay nito ang kanyang ari-arian. Kaya't ipinatawag niya at tinanong:
'Ano ba itong naririnig ko tungkol sa iyo? Isulit mo sa akin ng buo ang pangangasiwa mo sa aking ari-arian
pagkat mula ngayon ay hindi na ikaw ang katiwala ko.' Nawika ng katiwala sa sarili, 'Aalisin na ako ng aking
panginoon sa pangangasiwa. Ano ang gagawin ko? Hindi ko kayang magbungkal ng lupa; nahihiya naman
akong magpalimos. A,alam ko na ang aking gagawin! Maalis man ako sa pangangasiwa, may tatanggap
din sa akin sa kanilang tahanan.' Isa-isa niya ngayong tinawag ang mga may-utang sa kanyang panginoon.
Tinanong niya ang una, 'Gaano ang utang mo sa aking panginoon?' Sumagot ito 'Sandaang tapayang
langis po.' 'Heto ang kasulatan ng iyong pagkakautang. Dali! Maupo ka't gawin mong limampu,' sabi ng
katiwala. At tinanong naman niya ang isa, 'Ikaw gaano ang utang mo?' Sumagot ito, 'Sandaang kabang
trigo po.' Heto ang kasulatan ng iyong pagkakautang,' wika niya. 'Isulat mo walumpu.' Pinuri ng panginoon
ang magdarayang katiwala dahil sa katalinuhang ipinamalas nito. Sapagkat ang mga makasanlibutan ay
mas mahusay gumawa ng paraan kaysa mga maka-Diyos.” At nagpatuloy si Jesus ng pagsasalita, Kaya't
sinasabi Ko sa inyo: gamitin ninyo sa pakikipagkaibigan ang kayamanan ng sanlibutang ito. Maubos man
ito'y may tatanggap naman sa inyo sa tahanang walang hanggan. ] Ang mapagkakatiwalaan sa maliit na
bagay ay mapagkakatiwalaan din sa malaking bagay; ang magdaraya sa maliit na bagay ay
magdaraya din sa malaking bagay. Kung hindi kayo mapagkatiwalaan sa mga kayamanan ng
sanlibutang ito, sino ang magtitiwala sa inyo ng tunay na kayamanan? At kung hindi kayo
mapagkatiwalaan sa kayamanan ng iba, sino ang magbibigay sa inyo ng talagang para sa inyo?
“Walang makapaglilingkod nang sabay sa dalawang panginoon. Sapagkat kapopootan niya ang isa
at iibigin ang ikalawa, paglilingkuran ng tapat ang isa at hahamakin ang ikalawa. Hindi ninyo
mapaglilingkuran nang sabay ang Diyos at ang kayamanan.

SEPTEMBER 29

Sa UNANG PAGBASA, ipinahahayag ni Propeta Amos ang nakaambang kapighatian sa mga namumuhay
nang maginhawa

Sa IKALAWANG PAGBASA, hinihimok ni Apostol San Pablo si Timoteo na mamuhay sa kabanalan at katuwiran.

Sa MABUTING BALITA, isinasalarawan ni Jesus, sa talinghaga tungkol sa mayaman at kay Lazaro, na ang sinumang
may kakayahan ngunit hindi tumutulong sa nangangailangan ay magdurusa sa kabilang buhay.

Noong panahong iyon, sinabi ni Jesus sa mga Pariseo: “May isang mayamang nagdaramit nang mamahalin
at saganang-sagana sa pagkain araw-araw. At may isa naming pulubing nagngangalang Lazaro, tadtad ng
sugat, na nakalupasay sa may pintuan ng mayaman upang mamulot kahit mumong nahuhulog mula sa
hapag ng mayaman. At doo'y nilalapitan siya ng aso at dinidilaan ang kanyang mga sugat. Namatay ang
pulubi, at dinala ng mga anghel sa piling ni Abraham. Namatay rin ang mayaman, at inilibing. Sa gitna ng
kanyang pagdurusa sa Hades, tumingala ang mayaman at kanyang natanaw sa malayo si Abraham,
kapiling si Lazaro. At sumigaw siya: 'Amang Abraham, mahabag po kayo sa akin. Utusan ninyo si Lazaro
na isawsaw sa tubig ang dulo ng kanyang daliri at palamigin sa aking dila, sapagkat naghihirap ako sa apoy
na ito.' Ngunit sinabi sa kanya ni Abraham, 'Anak, alalahanin mong nagpasasa ka sa buhay sa ibabaw ng
lupa, at si Lazaro'y nagtiis ng kahirapan.Ngunit ngayo'y inaaliw siya rito, samantalang ikaw nama'y
nagdurusa. Higit sa lahat, inilagay sa pagitan natin ang isang malaking bangin upang ang mga narini ay
hindi makapariyan at ang mga nariyan ay hindi makaparini.' At sinabi ng mayaman, 'Kung gayon po Amang
Abraham, ipinamamanhik ko sa inyong papuntahin si Lazaro sa bahay ng aking ama, sapagkat ako'y may
limang kapatid na lalaki. Paparoonin nga ninyo siya upang babalaan sila at nang hindi sila humantong sa
dakong ito ng pagdurusa.' Ngunit sinabi sa kanya ni Abraham, 'Nasa kanila ang mga sinulat ni Moises at
ng mga propeta; pakinggan nila ang mga iyon.' 'Hindi po sapat ang mga iyon,' tugon niya, 'ngunit kung
pumunta sa kanila ang isang patay na muling nabuhay, tatalikdan nila ang kanilang mga kasalanan.' Sinabi
sa kanya ni Abraham, “Kung ayaw nilang pakinggan ang mga sinulat ni Moises at ng mga propeta, hindi
rin nila paniniwalaan kahit ang isang patay na muling nabuhay.'

You might also like