You are on page 1of 3

Sa Luke 15:1-10 nagpapahayag dito ang parabola ng nawawalang tupa at ang

nawawalang barya.

Nagsisilapit nga sa kaniya ang lahat ng mga maniningil ng buwis at makasalanan upang
makinig sa kaniya.

At ang mga Fariseo at gayon din ang mga eskriba ay nangagbubulongbulungan, na


nangagsasabi, Tinatanggap ng taong ito ang mga makasalanan, at sumasalo sa kanila.

At sinalita ni Jesus sa kanila ang talinghagang ito, na sinasabi,

Aling tao sa inyo, na kung mayroong isang daang tupa, at mawala ang isa sa mga yaon
ay hindi iiwan ang siyam na pu't siyam sa ilang, at hahanapin ang nawala, hanggang sa
ito'y kaniyang masumpungan?

At pagka nasumpungan niya, ay pinapasan niya sa kaniyang balikat, na natutuwa.

At paguwi niya sa tahanan, ay titipunin niya ang kaniyang mga kaibigan at ang kaniyang
mga kapitbahay, na sasabihin sa kanila, Makipagkatuwa kayo sa akin, sapagka't
nasumpungan ko ang aking tupang nawala.

Sinasabi ko sa inyo, na gayon din magkakatuwa sa langit dahil sa isang makasalanang


nagsisisi, kay sa siyam na pu't siyam na taong matutuwid na di nangagkakailangang
magsipagsisi.

O aling babae na may sangpung putol na pilak, na kung mawalan siya ng isang putol,
ay hindi baga magpapaningas ng isang ilawan, at wawalisan ang bahay, at hahanaping
masikap hanggang sa ito'y masumpungan niya?

At pagka nasumpungan niya, ay titipunin niya ang kaniyang mga kaibigan at mga
kapitbahay, na sinasabi, Makipagkatuwa kayo sa akin, sapagka't nasumpungan ko ang
isang putol na nawala sa akin.
Gayon din, sinasabi ko sa inyo, na may tuwa sa harapan ng mga anghel ng Dios, dahil
sa isang makasalanang nagsisisi.

Sa parabola na ito ay dito natin matutunan na tayo ay isang mahalaga sa paningin ng


Diyos, Ayon sa
Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Narito, ako, sa makatuwid baga'y ako,
sisiyasat ng aking mga tupa, at aking hahanapin sila.
Kung paanong hinanap ng pastor ang kaniyang kawan sa kaarawan na siya'y nasa
gitna ng kaniyang mga tupa na nangangalat, gayon ko hahanapin ang aking mga tupa;
at ililigtas ko sila sa lahat ng dako na kanilang pinangalatan sa maulap at madilim na
araw.

At aking ilalabas sila sa mga bayan, at pipisanin ko sila mula sa mga lupain, at dadalhin
ko sila sa kanilang sariling lupain; at pasasabsabin ko sila sa mga bundok ng Israel, sa
tabi ng mga daan ng tubig, at sa lahat na tinatahanang dako sa lupain.

Aking pakakanin sila sa mabuting pastulan; at sa mga mataas na bundok ng kataasan


ng Israel ay malalagay ang kanilang kulungan: doon mangahihiga sila sa mabuting
kulungan; at sa matabang pastulan ay manginginain sila sa mga bundok ng Israel.
Ako ay magiging kanilang pastor ng aking mga tupa at aking pahihigain sila, sabi ng
Panginoong Dios.
Aking hahanapin ang nawala, at ibabalik ang iniligaw, at tatalian ang nabalian, at
palalakasin ang may sakit: nguni't aking lilipulin ang mataba at malakas; aking
pakakanin sila sa katuwiran.

Itinuturo nito na dapat nating mahalin ang ating kapwa at kung paano natin dapat
pangalagaan ang iba anuman ang hitsura o kilos nila. Ang nawawalang tupa o barya ay
kumakatawan sa isang nawawalang tao. Gaya ng pagkakatulad ng Mabuting Pastol, si
Jesus ang pastol, kaya ipinakilala ang kanyang sarili sa larawan ng Diyos bilang isang
pastol na naghahanap ng naliligaw na tupa.

You might also like