You are on page 1of 1

PARABULA:

ANG NAWAWALANG TUPA (LUCAS 15:4-7)

May 100 tupa ang isang mabuting pasol. Isa sa mga ito
ang nawala.

Iniwan ng pastol ang 99 na tupa para hanapin ang


nawawala. Nang matagpuan niya ito, siya ay masayang-
masaya. Pinasan ng pastol ang tupa pauwi. Pinapunta
niya ang lahat ng kaibigan at kapitbahay niya para
magdiwang. Natagpuan niya ang nawalang tupa.

Sinabi ni Jesucristo sa mga Fariseo ang kahulugan ng


talinghaga. Sinabi Niya na yaong mga nagkakasala ay
gaya ng nawawalang tupa.

Tulad ng pastol na gustong iligtas ang nawawalang tupa,


gusto rin ni Jesus mailigtas ang mga taong nagkasala.
Sinabi ni Jesus na ito ang dahilan kaya Niya kinakausap
ang mga makasalanan. At tulad ng pastol na masayang-
masaya nang matagpuan ang nawawalang tupa,
masayang-masaya rin si Jesus kapag nagsisisi tayo.

You might also like