Professional Documents
Culture Documents
Parabula NG Nawawalang Tupa
Parabula NG Nawawalang Tupa
Isang araw ay lumapit kay Jesus ang mga taong makasalanan at mga maniningil ng
buwis upang makinig sa kanyang mga turo.
Nakita ito ng mga Pariseo at mga tagapagturo ng kautusan kaya sila ay nagbulung-
bulungan. Nakikisama at nakikisalo daw umano si Jesus sa mga taong makasalanan.
Nang marinig ito ni Jesus ay kanyang ibinahagi ang talinghaga ng nawawalang tupa.
May isang lalaki na may isandaang tupa ngunit nawala ang isa. Iniwan niya ang
siyamnapu’t siyam at hinanap ang nawalang isa.
Nang makita ang nawawalang tupa ay masaya niya itong pinasan saka umuwi.
Aral:
Sa parabulang ito, meron na dalawang aral ang pwedeng makuha. Ang unang aral na
pwede mong makuha ay huwang maging mapanghusga sa mga tao, mas lalo na kung
hindi mo sila ganoon kakilala, at ika nga “Never judge a book by its cover”. Ang
pangalawang aral na pwedeng isabuhay sa parabulang ito ay, si Hesus ay ang lalaking
nawalan ng tupa, por que na meron siyang isang daang tupa, hindi niya hahayaan ang
isang mawala o maligaw.