You are on page 1of 13

7 Last Words (Testimonies)

1. Ang unang salita: “Ama, patawarin mo sila; sapagka't hindi nila nalalaman ang kanilang ginagawa."

Ang mabuting balita ng Panginoon ayon kay San Lucas:

"At nang dumating sa dakong tinatawag na Bungo, ay kanilang ipinako roon siya sa krus, at ang
mga tampalasan, isa sa kanan at isa sa kaliwa. At sinabi ni Jesus, Ama, patawarin mo sila; sapagka't hindi
nila nalalaman ang kanilang ginagawa" (Lucas 23:33-34).

-Silence (30 seconds)-

Nanalangin si Hesus, “Ama, patawarin mo sila,” habang Siya'y nakabitin sa Krus. Sinagot ng Diyos ang
Kanyang panalangin. Bawat tao na may pagtitiwala kay Hesus ay napapatawad. Atin pong pakinggan ang
patotoo ng ating kapatid na si ___________________ sa temang kapatawaran.

2. Ang pangalawang salita: “Ngayon ay kakasamahin kita sa Paraiso"

Ang mabuting balita ng Panginoon ayon kay San Lucas:

"At siya'y inalipusta ng isa sa mga tampalasang [kriminal] nabibitin, na sinasabi, Hindi baga ikaw
ang Cristo? iligtas mo ang iyong sarili at kami. Datapuwa't sumagot ang isa, at pagsaway sa kaniya'y
sinabi, Hindi ka pa baga natatakot sa Dios, yamang ikaw ay nasa gayon ding kaparusahan? At tayo sa
katotohanan ay ayon sa katuwiran; sapagka't tinanggap natin ang nararapat na kabayaran sa ating mga
gawa; datapuwa't ang taong ito'y hindi gumagawa ng anomang masama. At sinabi niya, Jesus, alalahanin
mo ako, pagdating mo sa iyong kaharian. At sinabi niya sa kaniya, Katotohanang sinasabi ko sa iyo,
Ngayon ay kakasamahin kita sa Paraiso" (Lucas 23:39-43).

-Silence (30 seconds)-

Maniwala ng buong puso kay Hesus, at ililigtas ka Niya sa pamamagitan ng Kanyang Dugo at katuwiran,
gaya ng pagkaligtas Niya sa naipako sa krus na magnanakaw. Atin pong pakinggan ang patotoo ng ating
kapatid na si __________________sa temang kaligtasan.
3. Ang pangatlong salita: “Babae, narito, ang iyong anak!...Alagad, Narito, ang iyong ina!”

Ang mabuting balita ng Panginoon ayon kay San Juan:

"Ang mga bagay ngang ito ay ginawa ng mga kawal. Datapuwa't nangakatayo sa piling
ng krus ni Jesus ang kaniyang ina, at ang kapatid ng kaniyang ina, na si Maria na asawa ni
Cleopas, at si Maria Magdalena. Pagkakita nga ni Jesus sa kanyang ina, at sa nakatayong alagad
na kaniyang iniibig, ay sinabi niya sa kaniyang ina, Babae, narito, ang iyong anak! Nang
magkagayo'y sinabi niya sa alagad, Narito, ang iyong ina! At buhat nang oras na yaon ay
tinanggap siya ng alagad sa kaniyang sariling tahanan" (Juan 19:25-27).

-Silence (30 seconds)-

Atin pong pakinggan ang patotoo ng ating kapatid na si ________________sa temang pagmamahal.

4. Ang pang-apat na salita: “Dios ko, Dios ko bakit mo ako pinabayaan?"

Ang mabuting balita ng Panginoon ayon kay San Mateo:

"Mula nga nang oras na ikaanim ay nagdilim sa ibabaw ng buong sangkalupaan hanggang sa oras
na ikasiyam. At nang malapit na ang oras na ikasiyam ay sumigaw si Jesus ng malakas na tinig, na
sinasabi: Eli, Eli, lama sabachthani? sa makatuwid baga'y, Dios ko, Dios ko bakit mo ako pinabayaan?"
(Mateo 27:45-46).

-Silence (30 seconds)-

Ang dalamhating sigaw ni Hesus ay nagpapakita ng katotohanan ng Trinidad, ang punong Diyos. Atin
pong pakinggan ang patotoo ng ating kapatid na si _________________sa temang dalamhati.

5. Ang panlimang salita: "Nauuhaw ako." Ang mabuting balita ng Panginoon ayon kay San Juan:

"Pagkatapos nito, pagkaalam ni Jesus na ang lahat ng mga bagay ay naganap na nga, upang matupad ang
kasulatan, ay sinabi, Nauuhaw ako. Mayroon doong isang sisidlang puno ng suka: kaya't naglagay sila ng
isang esponghang basa ng suka sa isang tukod na isopo, at kanilang inilagay sa kaniyang bibig" (Juan
19:28-29).

-Silence (30 seconds)-

Ipinapakita ng bersong ito ang matinding pagdurusa na pinagdaanan ni Hesus upang magbayad para sa
iyong mga kasalanan. Atin pong pakinggan ang patotoo ng ating kapatid na si ___________sa temang
pagdurusa.

6. Pang-anim na salita: “Naganap na❞

Ang mabuting balita ng Panginoon ayon kay San Juan:


"Nang matanggap nga ni Jesus ang suka, ay sinabi niya, Naganap na" (Juan 19:30).

-Silence (30 seconds)-

Binayaran ni Hesus ng buo ang pagbabayad para sa ating mga kasalanan, minsan at sa buong panahon,
sa Krus. Atin pong pakinggan ang patotoo ng ating kapatid na si __________sa temang pagbabayad ng
kasalanan.

7. Pampitong salita: “Ama, sa mga kamay mo ay ipinagtatagubilin ko ang aking espiritu."

Ang mabuting balita ng Panginoon ayon kay San Lucas:

"At si Jesus, na sumigaw ng malakas na tinig, ay nagsabi, Ama, sa mga kamay mo ay


ipinagtatagubilin ko ang aking espiritu: at pagkasabi nito, ay nalagot ang hininga" (Lucas 23:46).

-Silence (30 seconds)-

Ipinakita ni Hesus ang Kanyang ganap na pagsusuko sa Diyos ang Ama sa Kanyang huling salaysay bago
ng kamatayan. Mula sa una hanggang sa huli, ginawa ni Hesus ang kagustuhan ng Diyos. Atin pong
pakinggan ang patotoo ng ating kapatid na si ________sa temang pagsusuko sa Diyos.
7 Last Words (Sharing)

1. Ang unang salita: “Ama, patawarin mo sila; sapagka't hindi nila nalalaman ang kanilang ginagawa."

Tema: Kapatawaran.

2. Ang pangalawang salita: “Ngayon ay kakasamahin kita sa Paraiso"

Tema: Kaligtasan.

3. Ang pangatlong salita: “Babae, narito, ang iyong anak!...Alagad, Narito, ang iyong ina!”

Tema: Pagmamahal.

4. Ang pang-apat na salita: “Dios ko, Dios ko bakit mo ako pinabayaan?"

Tema: Dalamhati.

5. Ang panlimang salita: "Nauuhaw ako."

Tema: Pagdurusa.

6. Pang-anim na salita: “Naganap na❞

Tema: Pagbabayad ng kasalanan.

7. Pampitong salita: “Ama, sa mga kamay mo ay ipinagtatagubilin ko ang aking espiritu."

Tema: Pagsusuko sa Diyos.


Ang Huling Pitong Wika ni Hesus o Siete Palabras (Seven Last Words sa Ingles) ay isang tradisyon kung
saan ginugunita at pinagninilayan ng mga Pilipino ang mga winika ni Hesus habang nakabayubay sa krus
bago siya bawian ng buhay. Ginaganap ito tuwing Biyernes Santo mula ikalabindalawa ng tanghali
hanggang ikatlo ng hapon.

Isinasagawa na ang paggunita sa Huling Pitong Wika mula pa noong ikalabing anim na siglo. Dala rin ng
mga Kastila sa Pilipinas, isinagawa rin ang mga ritwal at paniniwalang Katoliko pagdating nila sa bansa.

Unang binulalas ni Hesus ang mga sugnay sa wikang Arameik subalit't isa lamang sa pitong ito ang
nanatili sa orihinal na wika, ang “Eli, Eli, lama sabacthani” o “Diyos ko, Diyos ko, bakit mo ako
pinabayaan,” siya ring panimulang berso ng Salmo 22.

Mababasa sa apat na ebanghelyo ng Bagong Tipan ang tungkol sa mga pangyayari nang hindi sunud-
sunod ayon sa una o huli. Tatlong wika ang binabanggit sa Ebanghelyo ni San Lucas, tatlo rin kay San
Juan at tig-iisa naman sina San Mateo at San Marcos.

Narito ang tradisyunal na pagkakasunud-sunod ng pitong wika:

1. "AMA, PATAWARIN MO SILA, SAPAGKAT HINDI NILA NALALAMAN ANG KANILANG GINAGAWA”

“May dalawa pang kriminal na inilabas ng mga kawal upang pataying kasama ni Hesus. Nang dumating
sila sa isang bundok na tinatawag na Bungo, ipinako nila si Hesus sa krus. Ipinako rin ang dalawang
kriminal, isa sa kanyang kanan at isa sa kaliwa. Sinabi ni Hesus, "Ama, patawarin mo sila sapagkat hindi
nila nalalaman ang kanilang ginagawa."” (Lucas 23:32-34)

Ito ang wika ng pagpapatawad. Sinasabing ito ang panalangin ng pagpapatawad ni Hesus sa mga taong
nagpako sa kanya sa krus.

2. "SINASABI KO SA IYO: NGAYON DIN AY ISASAMA KITA SA PARAISO"

“Tinuya rin siya ng isa sa mga salaring nakapako sa tabi niya, "Hindi ba ikaw ang Kristo? Iligtas mo ang
iyong sarili at pati na rin kami." Ngunit pinagsabihan naman ito ng kanyang kasama, "Wala ka na bang
takot sa Diyos? Ikaw ay pinaparusahan ding tulad niya! Tama lamang na tayo'y parusahan nang ganito
dahil sa ating mga ginawa; ngunit ang taong ito'y walang ginawang masama." At sinabi pa nito, "Hesus,
alalahanin mo ako kapag naghahari ka na." Sumagot si Hesus, "Sinasabi ko sa iyo, isasama kita ngayon sa
Paraiso."” (Lucas 23:39-43)

Ito ang salita ng kaligtasan. Ipinangako ni Jesus sa magnanakaw na si Dimas na kahit sa gitna ng
paghihirap ay naniwala kay Jesus bilang tagapagligtas ng sanlibutan.

3. "BABAE, NARITO ANG IYONG ANAK. . . . NARITO ANG IYONG INA!"

“Nakatayo sa tabi ng krus ni Hesus ang kanyang ina at ang kapatid nitong babae, si Maria na asawa ni
Cleopas, at si Maria Magdalena. Nang makita ni Jesus ang kanyang ina at ang minamahal niyang alagad
na nasa tabi nito, sinabi niya, Babae, narito ang iyong anak! At sinabi niya sa alagad, Narito ang iyong
ina! Mula noon, sa bahay na ng alagad na ito tumira ang ina ni Jesus.” (Juan 19:25-27).

Ito ang wika ng pakikipag-ugnayan. Inihabilin ni Jesus si Maria kay Juan sa pagtatangi sa isang kapatid at
ina, bilang isang halimbawa ng pagtanggap ng tao sa bawat isa.

4. "DIYOS KO, DIYOS KO, BAKIT MO AKO PINABAYAAN?"


“Mula sa tanghaling tapat hanggang sa ikatlo ng hapon ay nagdilim sa buong lupain. Nang mag-aalas tres
na ng hapon, sumigaw si Hesus, "Eli, Eli, lema sabachthani ?" na ang ibig sabihi'y "Diyos ko, Diyos ko,
bakit mo ako pinabayaan?"” (Mateo 27:45-46)

Ito ang wika ng pag-iwan. Ito ang sinabi ni Jesus na hindi lang sa iisang ebanghelyo mababasa. Sa
dalawang berso ng dalawang ebanghelyo matapos ang salita, inakala ng mga nakarinig kay Jesus na
tinatawag niya si Elias para humingi ng tulong.

5. "NAUUHAW AKO!"

“Alam ni Jesus na naganap na ang lahat ng bagay. Kaya't upang matupad ang kasulatan ay sinabi niya,
Nauuhaw ako!” (Juan 19:28)

Ito ang salita ng dalamhati. Ipinakikita rito ang pagiging tao ni Jesus na marunong makaramdam ng sakit,
pagod, gutom at pagkauhaw. Subali't mas nauuhaw siya sa pag-unawa ng tao at pagmamahal ng kapwa.
Tinalikuran siya ng mga taong nakinig at sumunod sa kanya dahil sa takot.

6. “NAGANAP NA!”

“May isang mangkok doon na puno ng maasim na alak. Inilubog nila rito ang isang espongha, ikinabit
iyon sa isang tangkay ng hisopo at idiniit sa kanyang bibig. Nang masipsip na ni Jesus ang alak, sinabi
niya, Naganap na! Iniyuko niya ang kanyang ulo at nalagot ang kanyang hininga.” (Juan 19:29-30)

Ito ang wika ng tagumpay. Ito ang deklarasyon ng pagwawakas ng buhay ni Kristo sa mundo at ang
katuparan ng mga isinulat ng mga propeta tungkol sa Mesiyas.

7. "AMA, SA MGA KAMAY MO'Y IPINAGTATAGUBILIN KO ANG AKING ESPIRITU!"

“Nang magtatanghaling-tapat na, hanggang sa ikatlo ng hapon, nagdilim sa buong lupain. Nawalan ng
liwanag ang araw at ang tabing ng Templo'y napunit sa gitna. Sumigaw nang malakas si Jesus, "Ama, sa
mga kamay mo'y ipinagtatagubilin ko ang aking espiritu!" At pagkasabi nito, nalagot ang kanyang
hininga.” (Lucas 23:44-46)

Ito ang salita ng muling pag-iisa ng Diyos at ni Jesus. Sa pagtatapos ng kanyang misyon sa daigdig, muli
siyang aakyat sa langit upang maupo sa kaharian ng Diyos.

Matapos ang Pitong Huling Wika sa ganap na ikatlo ng hapon, ang pinaniniwalaang oras ng pagkamatay
ni Kristo, ibababa ang imahe ni Hesus sa krus—tatanggalin ang mga pako, ang koronang tinik at tabla
kung saan nakasulat ang “Hari ng mga Hudyo.” Matapos nito, magkakaroon ng Pahalik sa Krus kung saan
nagsisilapitan ang mangiyak-ngiyak at tumatangis na mga deboto para makahalik sa krus na
pinanggalingan ng imahe ni Jesus

Sa ganap na alas sais, isinasagawa naman ang prusisyon ng paglilibing kay Hesus. Umiikot ito sa bayan
pabalik ng simbahan. Mananatiling walang misa hanggang sabado ng gabi para sa Muling Pagkabuhay ni
Jesus.
Ang Pitong Huling
Wika ni Hesus o
Siete Palabras ay
ang paggunita at
pagninilay sa mga
winika ni Hesus
habang sya ay
nakabayubay sa krus
bago siya bawian ng
buhay. Masasabi na
ahat tayo ay may
kanya-kanyang
kwento at patotoo
kung pano kumilos at
patuloy na kumiikilos
ang Panginoon sa
ating buhay.

At Bilang pakikiisa sa
dakilang pagdiriwang
ng Misteryo ng
Paskuwal Ngayon ay
sama sama nating
pakinngan ang 7
kabataan ng
Archdiocesan Shrine
of Our Lady of
Caysasay na
magbabahagi at
pinagnilayan ang 7
huling wika na
sinambit ng ating
Panginoon bago sya
malagutan ng
hininga. Mga salita na
namutawi sa bibig ni
Hesus na may tigib at
malalim na
pagpapakahulugan.
Amg pitong huling
wika ng diyos na may
maliwanang na
patunay na hanggang
kamatayan at walang
hanggan ang
kanyang pag-ibig sa
atin.

You might also like