You are on page 1of 6

Ang Alamat ng Lunar Eclipse

Sa isang liblib na lugar, namumuhay ang isang maliit na komunidad kung saan
nabibilang sina Luna at Clipso. Sila ay magkaibigang tunay simula pa lamang noong
sila ay mga bata pa hanggang sa umabot sila sa tamang edad at naging
magkasintahan.

Halos dalawang linggo rin ang ginawang panliligaw ni Clipso kay Luna at sa pamilya
nito na nag-udyok kay Luna na sagutin na ang binata.

Kinagabihan, magkasamang naglalakad ang dalawa upang umuwi sa kanilang mga


tahanan. Tahimik at payapa ang kapaligiran na nabasag sa pagtawag ni Luna kay
Clipso.

Clipso! panimula niya,

Kaya agarang napatingin sa kaniya ang binata ng may ngiti sa labi.

“Salamat sa pagpapasaya sa’kin ngayong araw, natuwa ako ng sobra! masaya nitong
sambit at nginitian pabalik si Clipso.

“Basta ikaw Luna, hindi ako mapapagod masilayan ko lamang ang matatamis mong
mga ngiti” masiglang saad ni Clipso.

Huminto sa ilalim ng bilog na buwan ang dalawa, unang bumasag muli sa katahimikan
si Luna.

“Clipso, sa dalawang linggo mong panliligaw sa akin nasilayan ko kung ano ang tunay
na ikaw. Hindi ka nagpakitang tao sa akin, naging totoo ka lang sa nararamdaman mo
at higit sa lahat, napatunayan mo sa akin at sa aking pamilya na mahal mo talaga ako.
Dahil sa mga ginawa mong ‘yon…’’ bitin na paliwanag niya.

“Wal..” naputol ang pagsasalita ni Clipso ng bigla siyang halikan ni Luna sabay bigkas
sa mga katagang “ Sinasagot na kita Clipso, Mahal din kita” na nagbigay ng gulat at
saya sa damdamin ni Clipso.

“Luna naman, pinapaiyak mo ako. Mahal na mahal din kita, nag-iisa kong Luna.
Pinapangako ko sayo na hindi kita iiwanan hanggang sa habang buhay. Mahal kita
Luna ko” mangiyak-ngiyak na sambit naman nito kay Luna sabay yakap ng mahigpit.
Ang gabing iyon ay napuno ng pagmamahalan at matamis na lambingan. Iyon din ang
gabing ipinakilala na ni Luna si Clipso bilang isang ganap na niyang nobyo.

Hindi rin tumagal, ipinakilala na rin ni Clipso sa kanyang pamilya ang ipinagmamalaki
niyang si Luna na tila ba’y kinakabahan dahil sa mangyayaring pagpapakilala sa kaniya
nito sa angkan ni Clipso.

“Irog, wag kang kabahan kasama mo naman ako hindi kita iiwan, kailanman”
pagpapakalma niya sa dalaga at hinawakan ang kamay sabay halik sa noo nito.

Sa paghakbang niya sa bahay ng kanyang nobyo, hindi pa rin nawala ang kaba na
kanyang nadarama at agad itong napansin ni Clipso kaya mas lalo pa nitong hinigpitan
ang kapit sa kamay ng nobya.

“Magandang Tanghali po Ginang at Ginoo” magalang na bati ni Luna na may kasamang


magandang ngiti sa labi.

“Kay gandang bata, halina kayo at maupo rito sa hapag nang makilala ko rin yang si
Luna” interesadong aya naman ng Tatay ni Clipso.

Habang sila ay kumakain at nagkukwentuhan, napansin ni Luna ang hindi pag-imik ng


Ina ni Clipso. Kaya naisipan niyang abutan ito ng tsaa ngunit hindi ito nagbunga ng
maganda dahil sa marahang pagtanggi ng Ina ni Clipso sa inumin.
“Ina, may problema ba tayo?” mahinahong tanong ni Clipso na nagulat din sa
pangyayari at tanging tingin lamang ang natanggap nitong sagot.

Ilang oras pa ang lumipas, napag desisyunan ng umalis ng magkasintahan. Ngunit


bago sila umalis tinawag muna ng Ina ni Clipso si Luna at saka ito sinabihan..

“Hindi kita gusto para maging kabiyak ng anak kong si Clipso, kaya hiwalayan mo na
siya hangga’t maaga pa” babala nito kay Luna at saka iniwang nakatulala ang binibini.

Labis na iniisip ni Luna ang ginawang babala ng ina ng kanyang nobyo. Hindi nito pina
tahimik ang konsensya ni Luna sa buong araw na iyon. Maging sa pagtulog ay inaalala
niya ito.

Lumipas ang mga araw, linggo, at buwan, napagdesisyunan ng dalawang


magkasintahan na magka-isang dibdib.
Nang marinig lamang ni Luna ang salitang “kasal” ay kumakabog na naman ng mabilis
ang kanyang dibdib.

Hindi pa kasi nito nasasabi kay Clipso ang babala ng Ina nito, kaya labis na lamang ang
takot na nadama niya ng malamang nais na ni Clipso na sila ay magka-isang dibdib.

Lumipas pa ang mga araw, planado na ang lahat para sa kanilang kasal, maayos na
ang lugar, pagkain, damit, at higit sa lahat ang singsing at kwintas para kay Luna at
Clipso.

Dalawang araw bago ang pinakahihintay nilang dalawa, ang kasal. Gabi na at ilang
oras na lang ay sasapit na ang umaga at malapit na ang kasal. Hindi maipaliwanag ni
Luna ang kanyang nadarama, kaya habang tulog si Clipso ay nagpasya siyang lumabas
upang magpahangin.

Paglabas niya pa lamang sa pintuan, saktong pagpatak ng alas-dose ay ang pagkawala


ng buhay ni Luna. Namatay si Luna sa pag-itak ng isang hindi kilalang tao, saktong ika-
anim na buwan ng pagsasama ni Luna at Clipso ang kanyang pagkamatay sa ilalim ng
maliwanag na buwan at makukulay na mga tala.

Kinaumagahan, ang oras ng kasalan, walang kamuwang-muwang si Clipso sa marahas


at brutal na nangyari sa kanyang mapapangasawa. Hindi niya alam ang nangyari, wala
siyang kaalam alam. At ang tanging bumungad lang sakaniya ay blankong paligid at
wala roon si Luna, wala ang pakakasalan niya.

“Luna ko? Mahal? Irog? Sinta? Nasaan ka?”mangiyak-ngiyak na tanong ni Clipso.

Tumakbo siya palabas, inaasahang naroon si Luna, ngunit bigo at nawasak siya ng
walang makitang imahe ni Luna ang lumitaw. Tanging sikat lamang ng araw at ang
malakas na hampas ng alon ang mayroon ng mga oras na iyon.

“Sinta ko! Hindi ito magandang biro, magpakita ka naman na! Mahal, kasal na natin
nasaan kana ba? Hinihintay na nila tayo, mahal” malungkot niyang sigaw habang
patuloy sa paghahanap sa kaniyang Luna.

Sumapit ang ika-siyam ng umaga, ang oras na kung saan handa na ang lahat ngunit
walang sumipot na Luna. Lumitaw lamang ang mukha ng umiiyak at basag na basag na
itsura ni Clipso na mag-isang lumalakad sa altar habang hawak ang damit na dapat ay
suot ng pinakamamahal niyang si Luna.
Tanging iwas-tingin lamang ang nagawa ng mga tao sa paligid, habang bahagyang
naka ngiti naman ng nakakaloko ang Ina ni Clipso na siyang dahilan sa biglaang
pagkamatay ni Luna.

Natapos ang araw ng nasirang kasal sa malungkot at masakit na paraan.

“Wala kana ba talaga Luna ko? Ang daya mo naman mahal ko, nasayang lahat oh
labas kana naman na. Pakita ka na mahal, inaabangan pa rin kita, halika na sa altar.
Magpakasal na tayo irog ko, pangako ko sa’yo hindi ba? Na hindi kita iiwan? Mahal na
mahal kita Luna ko, magpakita kana” umiiyak niyang sabi habang parang tangang
kinakausap ang buwan at mga tala sa kalangitan.

Hanggang sa taon na ang lumipas, hindi pa rin nababaon sa lupa ang alaala ni Clipso
tungkol sa patuloy niyang minamahal na si Luna. Namatay na lamang din siya ng hindi
alam ang katotohanan sa pagkawala ni Luna. Naniwala siyang hindi ito umalis at
nakapaligid lang lagi sa kanya. At higit sa lahat tinupad niya ang pangakong hindi niya
iiwan si Luna, dahil namatay din siyang mag-isa at hindi na muling binuksan ang puso
na magmahal ng iba. Sapagkat para sa kanya tanging si Luna lamang ang mahal niya
sa kahit na sino pa man.

Kaya simula noon, kapag nagkakaroon ng Lunar Eclipse iyon ang oras na
nirerepresenta nito ang pagmamahalan nina Luna at Clipso. Pagmamahalang naudlot
at tulad ng pagkamatay ni Luna, nangyayari ito isang beses lamang sa loob ng anim na
buwan.

Ngayon na tapos na ang istorya o ang alamat ng Lunar Eclipse, makikita nating si
Clipso ang nagsilbing araw dahil sa pagbibigay niya ng liwanag sa umaga ni Luna na
may kasamang maliwanag at masiglang ngiti tulad ng araw.

Habang si Luna naman ang nagsisilbing buwan dahil sa kanyang bilog na bilog na mata
at nagniningning niyang kagandahan. Sinasabi rin ng mga tao na ito ang oras kung
saan tinutuloy ng dalawa ang naudlot na kasal noong nabubuhay pa sila.

You might also like