You are on page 1of 2

1.

Magbahagi ng isang kwentong nakapagtuturo, nakapagbibigay-liwanag, nakapagdudulot


ng inspirasyon sa buhay o nakapagpapatalas ng isipan at nakapag aalis ng pagod sa pang
araw araw na gawain. Pamagat : Sariling pili.
Isang masakit na Paglisan

Naglalakad sa tabi ng dalampasigan, ninanamnam ang malamig na simoy ng hangin,


inaabangan ang dahan dahang paglubog ng haring araw. Iyan ang nakasanayang gawin ni Luna
sa loob ng tatlong buwan. Tatlong buwan na malayo sa lugar na kanyang kinamulatan. Lugar na
walng ibang tao ang nakakakilala sa kaniya. Lugar kung saan walang bakas ng mga masasakit na
alaala ng kahapon.
Sariwa pa rin sa isipan ni Luna ang mga nangyari tatlong buwan ng nakalipas. Masaya
siya, masaya sila, iyong tipong wala ng bukas pa. ganiyan sila kung magmahalan ng kanyang
nobyong si Dark. Bawat araw, punong puno ng saya, kahit pagod man sa kani-kanilang mga
trabaho, nakaggawa pa rin sila ng paraan upang magkaroon ng oras sa isa’t isa. Isang gabi,
nakatanggap ng mensahe sa kanyang telepono si Luna. Mensahe mmula kay Dark na
nagsasabing, “Kaya mob a akong hindi makasama ng isang araw?” Sa nabasang iyon ay
mahinang napatawa si Luna dahil sa isiping mayroon na naman kalokohang bumabalot sa
kanyang nobyo. Agad ding nagtipa ng mensahe si Luna para kay Dark upang sabihing “Oo
naman no!” Kinaumagahan, sa paggising pa lamang ni Luna ay agad din niyang tinignan ang
telepono niya upang tignan ang naging sagot ng kanyang nobyo. “Mahal kita. Gawin mo iyang
sinabi mo hah, bawal ang madaya at hindi tutupad sa usapan haha”, ang tugon sakanya ni Dark.
Buong araw na itunuon ni Luna ang kanyang oras sa pagtatrabaho na kada oras naman ay siyang
pag iisip niya kung ano na bang ginagawa ni Dark sa bawat oras na iyon.
Kinagabihan, sa pag uwi ni Luna sa kanilang bahay ay agad din niyang tinawagan si Dark
upang sabihing tapos na ang kanilang munting laro. Tila nagulat si Luna ng ibang boses ang
bumungad sa kanya sa kabilang linya, isang pamilyar na boses, boses ito ng ina ni Dark na tila
hirap makapagsalita at umiiyak pa habang binabanggit ang pangalan ng ospital kung saan sila
naroroon. Sa kaba ay agadan ding nagpunta si Luna sa nasabing lokasyon. Habang papunta sa
ospital ay kung ano anong senaryo na ang mga nasa isipan ni Luna, mga senaryong hindi niya
kakanin kung sakali. Humahangos na binuksan ni Luna ang silid kung saan nakaratay ang
knayang minamahal na tila ba sa kabila ng ngiting binitawan nito para sakaniya ay mababakas pa
rin ang sakit at pagkalungkot. Ang taong nagpadama sa kaniya ng iba’t ibang klase ng emosyon,
ang taong hindi niya kayang mawala pa sa buhay niya ay namamaalam na sakanyang harapan.
Cancer, stage 4, tila gumuho ang mundo ni Luna ng mga oras na iyon. Bakit? Bakit ikaw pa?
bakit mo’ko iiwan? Akala ko hanggang dulo? Bakit mauuna ka, akala ko ba sabay tayo?
Panginoon bakit siya pa? Iilan sa labis na pighating nais sabihin nila sa mga oras na iyon, ngunit
hindi niya na ginawa at lumapit na lamang siya kay Dark at hinawakan ang kamay nito habang
siyang lumuluhang nakangiti. Hinaplos ni Dark ang buhok ni Luna at pinahid ang luhang
pumapatak sa mata nito. “Mahal kita Luna, ngunit patawad hanggang ditto nalang ako, hindi ba
ay nakaya mong mag isa na wala ako? Gusto kong iyon ang gawin mo sa mga susunod na araw,
buwan at ilang taon, Ayokokng nalulungkot ka Mahal. Hanggang sa muli nating pagkikita”, ang
mga huling katagang narinig ni Luna bago tuluyang gumunaw ang kaniyang mundo.

“Umiiyak ka na naman iha, alam mong makasasama iyan sa bata”, boses mula sa
kanyang likuran ang narinig ni Luna, isang matandang babae na nagmistulang kanyang nanay
nanayan sa bagong lugar na kanyang tinutuluyan. Nasa tabing dalampasigan pa rin sila at
mahamog na sa mga oras na iyon ngunit tila ba nawala na ito sa isipan ni Luna sapagkat siya’y
nalunod na naman sa alaalang kahit kalian ay hindi niya malilimutan, alaalang dadalhin niya
hanggang sa kanyang huling buhay. Kung mayroon mang nawala, mayroon ding darating, at ang
anghel sa kanyang sinapupunan ang dumating na iyon.

You might also like