You are on page 1of 2

“ANG PITONG MYSTERYOSONG DIWATA NG PITONG

TALON”
FILIPINO 10
Submitted by: Quize M. Fernandez St. Philip
Submitted to: Ms. Maryjoy P. Mangalao

Paksa: Diyos at mga Diwata


Tema: Pagdudurusa, Kapangyarihan at Pagmamahal
TAUHAN DISKRIPSYON NG TAUHAN
SURU Isang binatang palaging bigo
pagdating sa pag-ibig.
DRAOL Isang diyos na hiningihan ni suru
ng tsansa sa pag-ibig
Ang Pitong Dalagitang Diwata Mga diwatang ubod ng kagandahan

Sa isang kabundukan naninirahan ang binatang si Suru. Siya ay


walang kinakasama sapagkat siya ay laging bigo sa pag-ibig. Kung
hindi man siya gusto ng gusto niya, sadyang hindi lang talaga
sila nakatadhana para sa isa't isa. Isang araw, sobrang desperado
na siyang magkaroon ng kasintahan na magiging asawa niya kaya
humingi siya ng tulong sa isang diyos na si Draol. "Draol, lagi
na lang akong sawi sa pag-ibig. Sa lahat ng mga aking inibig,
wala ni isa sa kanila ang nagkagusto sa akin. Tulungan niyo po
ako." "Nakita ko ang mga paghihirap mo. At siguro ngayon na ang
panahon para bigyan kita ng pagkakataon na lumigaya."
Galak na galak si Suru sa narinig.
"Sa lugar kung saan ka naninirahan, may isang tagong pook kung
saan matatagpuan ang Pitong Talon. Sa bawat talon, may isang
babaeng naninirahan at nagbabantay. Habang pataas ng pataas ang
talon, paganda rin ng paganda ang mga babaeng naninirahan doon.
Ngunit, may nais lamang akong ipaalala sa iyo Suru. Sa oras na
marating mo na ang susunod na talon, hindi ka na pwedeng bumalik
sa pinanggalingan mo. Sana'y gamitin mo ng maayos ang
pagkakataong ito. Sana magtagumpay ka." Bago pa man makapagsalita
ulit si Suru, nawala na si Draol. Naghanda agad si Suru para sa
gagawing paghahanap sa Pitong Talon. Naririnig niya sa mga usap-
usapan dati ang tungkol sa talon at kung saan ito matatagpuan.
Kaya hindi nagtagal, nahanap niya rin ang misteryosong pook na
ito. "Sa wakas, nahanap din kita. Oras na para wakasan ang
pagiging sawi ko sa pag-ibig dahil makikita ko na rin ang babaeng
magiging asawa ko." Sabi ni Suru sa kanyang sarili.
Pero hindi inakala ni Suru na ganoon kahirap ang mapagdadaanan
niya bago makarating sa bawat talon. Dumaan siya sa madawag na
kagubatan, madilim na mga sulok at nakaharap ang mga iba't ibang
klase ng halimaw na hindi niya inakalang nabubuhay pala sa lugar
nila. Habang pataas ng pataas ang talon, pahirap naman ng pahirap
ang mga pagsubok na kailangan niyang harapin. Hindi nawalan ng
pag-asa si Suru. Nilakasan niya ang loob niya dahil determinado
siyang makita ang babaeng mapapangasawa niya. Naisip niya,
pagkakataon na niya ito kaya hindi niya dapat ito sayangin. Nang
sa wakas narating na niya ang unang talon, hindi maipaliwanag ang
kagalakan niya dahil naramdaman niya ang pagkagaan ng loob dahil
natapos niya ang unang pagsubok, at dahil na rin sa kagandahang
bumungad sa kanya. Ngunit naisip niya na kung ganito kaganda ang
nasa unang talon, siyempre 'di hamak na mas maganda ang nasa
ikapitong talon.
Umaakyat pa ulit si Suru sa mga susunod na mga talon, pinagdaanan
ang mga iba't ibang pagsubok ngunit pahirap ng pahirap. Pero
hindi siya nagpadala sa pagod at hirap na pinagdadaanan at mas
nagpursiging marating ang pinakamataas na talon. Nang nasa
ikaanim na talon na siya, halos hindi siya makagalaw at
makapagsalita dahil sobrang ganda ng diwata na kaharap niya.
Naisip niya na sa kabila ng lahat ng hirap na dinanas niya, hindi
alintana ang pagod kung ganito ang makukuha niya sa huli. Hindi
pa nakuntento, inakyat ni Suru ang pinakahuli at ang pinakamataas
na talon, ang ikapitong talon. Mas mahirap ang mga pinagdaanan
niya, sa bawat sulok ay may nakabantay na mga nakakatakot na
nilalang at habang palapit siya ng palapit sa pinakatuktok ng
talon, padami ng padami ang mga halimaw na kailangan niyang
labanan. Pero dahil sa lakas at kakayanang taglay ni Suru, hindi
naging imposible na marating ang bawat talon lalo na ang ikapito.
"Sa wakas, nandito na ako. Magiging kumpleto na ang buhay ko.
Hindi na ako hahangad ng ano pa dahil makikita ko na ang babaeng
susuklian din ang pagmamahal ko." Ngunit sobrang tagal na siyang
naghihintay, wala pa rin siyang makitang magandang nilalang, wala
pa ring lumilitaw na diwata. Noong halos tuluyan na siyang
mawalan ng pag-asa dahil wala talagang diwata na nagbabantay
doon, nag-ipon ulit siya ng lakas ng loob at lakas ng katawan
upang bigyan ng hustisya ang lahat ng mga hirap na pinagdaanan
niya. Binagtas niya ang daan na dinaanan niya kanina at
napagdesisyunang bumalik sa ikaanim na talon. Ngunit ilang
pasikot-sikot na ang nadaanan niya, napagtanto niyang pabalik-
balik lamang siya sa iisang lugar. At naalala niya ang sinabi sa
kanya ni Draol na hindi na siya makakabalik sa naunang talon.
Mas naging malumbay si Suru dahil pakiramdam niya wala na
talagang pag-asa. "Draol, ang sabi mo, makikita ko na ang babaeng
magiging asawa ko kapag narating ko ang ikapitong talon. Ngunit
nasaan na siya? Bakit hindi ko siya mahanap?" Tawag ni Suru sa
diyos na si Draol. Makalipas ang ilang sandali, may narinig
siyang boses. "Suru, hindi ko sinabi na ang nasa ikapitong talon
ang para sa iyo. Sa umpisa pa lang, noong sinabi ko sayo ang
tungkol dito, nasa iyo na ang desisyon kung sino ang gugustuhin
mong asawa sa mga babaeng naninirahan dito sa talon. Nagtagumpay
ka nga sa mga hamon pero inabuso mo ang pagkakataong ibinigay ko
sa iyo. Wala talagang babaeng naninirahan sa ikapitong talon
dahil ang pinakamaganda sa kanila ay nasa ikaanim. Ngunit hindi
ka nakuntento at pinagpatuloy mo pa hanggang sa ikapitong talon.
Nagustuhan ko ang lakas ng loob at determinasyon mo pero sana
marunong ka ring makuntento at magpahalaga kung ano ang nasa
harapan mo. Ito ang aral sa kwento."

You might also like