You are on page 1of 4

PAGSUSURI

Sarah Mae Rapsing BSED FILIPINO 2-B

I. Pamagat : Ang hatol ng kuneho

II. Buod

Mayroong panahon sa daigdig na mayroon pang kakayahang magsalita ang mga hayop. Isang araw,
sa kagubatan, naghahanap ng makakain ang gutom na tigre.Ngunit sa kaniyang paglilibot, hindi pagkain
ang nahanap niya kung hindi isang kapahamakan. Nahulog ang tigre sa isang malalim na butas.
Humihingi ng tulong ang tigre. Isang tao ang napadaan at dito siya nanghingi ng tulong. Alangan man
ang tao dahil baka kainin siya ng tigre ay nagbigay ito ng tulong. Ngunit akmang kakainin ng tigre ang tao
kaya naman nanghingi ito ng tulong sa puno. Nanghingi siya ng hatol sa puno kung ano ang dapat gawin
ng tigre. Para sa puno, dapat lamang na kainin ng tigre ang tao dahil ito ang dahilan ng pagkasira ng
kalikasan, kabilang ang pagkaunti ng mga puno. Humingi muli ng hatol ang tao sa baka ngunit
magkatulad ang kanilang naging pasya na dapat ay kainin ng tigre ang tao. Ngunit nang mapadaan na si
kuneho, nanghingi muli ng opinyon at hatol ang tao. Ikinuwento ng tao kay kuneho ang buong
pangyayari. Dahil sa narinig, agad namang nagpasya ang kuneho. Ayon sa kaniya, marapat lamang daw
na bumalik na lamang sa paglalakbay ang tao habang mananatili ang tuso at sakim na tigre sa loob ng
hukay upang walang maging suliranin.

III. Paksa

Ang paksa ng kwentong ito ay tungkol sa matalino at masusing paghatol ng isang kuneho sa kung
ano ang dapat mangyari sa lalaking buong pusong tinulungan ang tigre na makaahon sa hukay sa kabila
ng kanyang pag-aalinlangan. Ngunit, matapos makaahon ang tigre sa hukay, tila bang kinain nito ang
kanyang mga binitawang salita na hindi sasaktan o kakainin ang lalaki. Ang aral sa kwentong ito ay
maging masusi tayo sa mga salitang ating binibitawan dahil maaaring ito rin ang maging hadlang para
tayo ay madala sa kapahamakan.

IV. Bisa

a. Bisa sa isip

Ang pangyayari ay naganap sa isang kagubatan kung saan naroon ang mga tauhan na; ang tigreng
nahulog sa isang hukat, ang lalaking naglalakbay na tumulong sa tigre, ang punong unang humatol, ang
baka na ikalawang humatol sa pangyayari at ang matalinong kuneho na siyang huling humatol sa
pangyayari.

b. Bisa sa damdamin

- matapos ko mabasa ang kwento, sa una ako ay nakaramdam ng kasiyahan dahil sa ipinakitang
kabutihang loob ng lalaki sa tigre sa kabila ng kanyang pag-aalinlangan ay buong puso pa rin siyang
tumulong. Ngunit, matapos maiahon ng lalaki ang tigre, ako ay nakaramdam ng pagka inis dahil sa
pagiging tuso at pag ta-traydor ng tigre sa lalaki na

c. Bisa sa kaasalan

Ang tauhan na tumatak sa akin ay ang lalaking tumulong sa tigre na makaahon mula sa hukay dahil
nagpakita siya ng positibong kaasalan na sa kabila ng kanyang pag-aalinlangan na tumulong sa tigre,
buong puso pa rin siyang tumulong at naghanap ng paraan para maiahon ang tigre. Ang tigre naman ay
nagpakita ng negatibong pag-aasal dahil hindi siya marunong tumanaw ng utang na loob sa lalaking
tumulong sa kanya.

V. Mensahe

Ang mensahe ng kwentong ito ay nararapat na matuto tayong tumanaw ng utang na loob sa mga taong
taos pusong tumutulong sa huwag tayong mangako o magbitaw ng mga salitang hindi natin kayang
panindigan sa huli.

VI. Teoryang gamit

Teoryang Naturalismo
PAGSUSURI

Sarah Mae Rapsing BSED FILIPINO 2-B

I. Pamagat: Alamat ni Tungkong Langit

II. Buod

Si Tungkung Langit at Alunsina ay ang unang lalake at babae sa daigdig at ang pinag-ugatan ng
buhay. Nabighani silang dalawa sa kanilang kakisigan at kagandahan at sa bawat pagsikat at paglubog ng
araw ay natutuhan nilang mahalin ang isa't-isa. Nagkaisang dibdib sila at nagsama bilang magkabiyak. Si
Tungkung Langit bilang lalake, siya ang nagtatrabaho at gumagawa ng mga mabibigat na gawain. At si
Alunsina bilang babae, siya ang naiiwan sa kanilang tahanan. At kaya hindi niya maiwasan na mainip na
nagdulot naman sa pagtatalo nila dahil ayaw siyang payagan ni Tungkung Langit na tumulong kahit na
magkaparehas lang silang bathala na may kapangyarihan. Ngunit umiral parin ang pagmamahalan nila sa
isa't -isa.Isang araw nagpaalam si Tungkung Langit kay Alunsina na matagal siyang mamawala at meron
lang siyang tatapusin. Nagmamadaling umalis siTungkung Langit na parang mas importante pa sa kanya
ang pupuntahan niya kaya nahinala si Alunsina at sinundan niya ito. Natunugan siya ni Tungkung Langit
at nagalit sa kanya. At sa sobrang galit, inagaw niya ang kanyang kapangyarihan at pinagtabuyan palabas
sa kanilang tahanan.Nilisan ni Alunsina ang kanilang tahanan ng walang anumang mahalagang bagay.
Hubad siya nang una silang magkita at hubad rin siya ng sila’y maghiwalay. At ng matagal na siyang hindi
nagbalik sa kanilang tahanan ay nabalitaan niya ang pangungulila ni Tungkung Langit sa kanyang yakap
at halik at sa bawat sandali na magkasama sila. Ginawa lahat ni Tungkung Langit ang makakaya ng
kanyang kapangyarihan upang mapabalik siya sa kanyang piling ngunit kahit anong pagsuyo niya ay
tinatanggihan at hindi pinapansin. Nagdalamhati si Tungkung Langit sa nadama niyang pangungulila at
namuhay nang mag-isa na hindi kasama si Alunsina.Lumuha nang lumuha si Tungkung Langit, at ang
kaniyang pagluha ay nagdulot sa unang pagkakataon ng pag-ulan. Kapag siya’y humahagulgol,
nagbubunga iyon ng malalakas na pagkulog at pagkidlat. Hindi man lang nalaman at nasilayan ni
Tungkung Langit ang magiging supling nila niAlunsina at ang pagiging isang pamilya nila.

III. PAKSA

Ang paksa ng kwentong ito ay patungkol sa pag-iibigan ng dalawang tao na sina Tungkong Langit
at Alunsina kung saan, masaya silang namumuhay at nagmamahalan sa una ngunit dahil sa kanilang pag-
aaway o pagtatalo, pinagtabuyan ni Tungkong Langit ang kanyang asawa na naging dahilan ng tuluyang
pagkawalay nito sa kanya.

IV. BISA

a. Bisa sa isip

Ang tauhan sa kwento ay ang mag-asawang sina Tungkong Langit at Alunsina. Sila ay parehong
bathala ay nagtataglay ng kapangyarihan. Si Tungkong Langit ay isang responsableng asawa dahil
ginagawa nya ang kanyang responsibilidad na mag trabaho at gumawa ng mga mabibigat na gawain. Si
Alunsina naman ay palaging naiiwan sa kanilang tahanan. Siya rin ay isang mapagmahal na asawa
b. Bisa sa damdamin

Matapos mabasa ang kwento, ako ay nakaramdam ng halo halong emosyon. Nang pasimula pa
lamang kwento, ako ay nakaramda ng saya at kagalakan dahil sa pinakitang pagmamahalan ng mag-
asawa. Ngunit matapos ang kanilang pagtatalo, ako ay nakaramdan ng lungkot dahil sa ipinakita ni
Tungkong Langit sa kanyang asawa. Ipinagtabuyan nya ito at tuluyan namang lumisan at nawala saanya
ang kanyang asawa.

c. Bisa sa kaasalan

Ang kaasalan na tumatak o nagbigay sa akin ng aral ay ang negatibo o hindi magandang asal o pag-
uugali na ipinakita ni Tungkong Langit. Dahil sa nagpadala sya sa kanyang galit at emosyon, nakagawa
sya ng desisyon na kanya ring pinagsisihan habangbuhay, - ang pinagtabuyan nya ang kanyang asawa.

V. MENSAHE

Ang mensahe o aral na aking napulot sa kwento ay, huwag tayong magpadala sa galit o emosyon na
ating nararamdaman dahil maaari tayong makagawa ng mga maling desisyon na maaari nating
pagsisihan habangbuhay. Kung maaari, kapag tayo ay nakakaramdam ng galit o mas nangingibabaw ang
ating emosyon, hayaan muna natin kumalma ang ating sarili para mas makapag-isip ng tama, nang sa
ganon, hindi tayo makagawa ng mga maling desisyon.

VI. Teoryang ginamit: Teoryang Romantisismo

You might also like