You are on page 1of 8

Pamagat

Saka ko Lamang Namalamang Ako’y Nakapatay


ni: Maria luisa F. Torres

Ang pamagat ng tulang ito ay Saka ko Lamang Nalamang Ako’y Nakapatay na isinulat ni
Maria Luisa F. Torres. Kung pakatitingnan ng mabuti ang pamagat ng tula ay papasok sa
ating isipan ang isang karumaldumal na pangyayari. Nang mabasa namin ang pamagat naisip
naming patungkol sa isang krimen ang tulang ito. Siya nga, ito ay isang krimen sa pagitan ng
pamilya. Ang kapabayaan ay nakikipaglaban sa kahirapan. Nais ng Ina na huwag makain ang
kendi ng kaniyang anak ngunit ito ay napakialaman ng daga kung kaya ay napatay niya ito sa
sobrang galit.

Introduksiyon
Ang tulang ito ay tungkol sa mag-ina na may daga sa loob ng kanilang bahay at ang dagang
nagpapahirap sa kanilang buhay. Ang tulang ito ni Maria Luisa F. Torres ay konektado sa isa
niyang tula na pinamagatang “Sa Anak na Nahihimbing”. Makikita sa tula na ang isang
dagang pinatay ay sumasalamin sa pabayang ama at ang tanging Ina lamang ang naghahanap-
buhay sa kaniyang pamilya.

Nilalaman
Ang tulang ito ay maihahalintulad sa isang pamilya. Ang daga ang nagsisilbing
katauhan ng isang ama na pabaya at pabigat sa tanahan. Sinsalamin ng daga ang pag-uugali
ng isang lalaki sa baay lamang, walang trabaho at nakaasa lamang sa asawa nito. Ang akdang
ito ay isang tulang pasalaysay kung saan ay magkakasunod-sunod ang pangyayari. Ito ay
isang maikling tula na mayroong iisang tagpo na nangyayari sa buhay ng tauhan. Ang tulang
ito ay maaaring pabula dahil parte ng tauhan ang isang hayop (daga).

a. Anyo
Ito ay isang akdang pampanitikan na ginawa sa anyong patula na kung saan ay
binubuo saknong at taludtod. Ang tulang ito ay walang tiyak na bilang ng pantig at sukat sa
bawat taludtod.

b. Anyo ng Tula
Ang tulang ito ay isang tulang may malayang taludturan. Makikita sa bawat saknong
na tula na walang tiyak na sukat at tugma ang bawat taludtod. Hindi istrikto ang may akda sa
bilang ng taludtod bawat saknong.
c. Saknong (pagpapakahulugan sa bawat saknong)

sa bahay
may isang dagang
kay tagal nang
naghahanap-buhay
Makikita sa unang saknong na sa isang tahanan ay kadalasang mayroong daga na
nakatira at sa tahanang ito ay iisa lamang ang dagang naroon.

niihan nito
ang mga pinggan
sa paminggalan
inuubos
ang tinapay
nginangatngat
ang mga librong
nakasalansan
binubutas
ang mga damit
sa labahan
Sa ikalawang saknong makikita ang pinsalang dala ng daga sa bahay. Tanging
problema lamang ang dala ng daga sa pamilya at wala itong ibang naitutulong.

kaisa-isang daga
ito sa bahay
kaya hinayaan
na lamang
Sa ikatlong saknong makikitang ang dagang nakatira sa tahanang yaon ay iisa lamang
kung kaya’t mas pinili ng may-ari ng bahay na huwag itong patayin sa halip ay hayaan na
lamang na doon manirahan.
nang kainin nito
ang kendi
ng anak ko
naubos
ang aking pasensiya
Sa ika-apat na saknong, ang yaong dagang nakatira sa tahanan ay pinakialaman at
kinanain ang kendi ng anak ng may-ari at dahil doon hindi ito nakapagtimpi. Makikita sa
saknong ito na ang pagsasawalang bahala ng Ina na hayaang tumira ang daga sa kaniyang
tahanan ay maaaring makapagdulot ng pinsala sa mismong pamamahay nito.

isang gabi
binantayan ko
ang daga
hinintay
lumabas
sa lungga
pinukpok ko
ng batuta
Sa ika-limang saknong na ito, dahil naputol na ang litid ng pasensya ng Ina ay
inabangan niya ang daga na lumabas sa lungga nito. Nang makalabas ang daga ay walang
awa itong pinagpupukpok ng Ina gamit ang batuta.

pinukpok ko
muli
muli’t muli
Sa ika-anim saknong ay makikitang paulit-ulit na pinalo ng Ina ang daga dahil sa
nagawa nito. Makikitang marahas ang sinapit ng daga sa kamay ng Ina.

nahilo
nangisay,
namatay
Sa ika-pitong saknong na ito ay makikita kung ano ang nangyari sa daga matapos
itong pagpupukpukin ng Ina hanggang sa nawalan ito ng buhay.

bumulwak
ang dugo
Sa ika-walong saknong na ito nilabasan ng dugo ang daga dahil sa labis na
pagkakabugbog ng katawan at ang dugong dumanak sa kaniyang katawan ay malubha dahil
namatay na ito dahil sa rahas ng pagkakapalo.

kinabukasan
inilibing ito
ng anak kong
nagluksa
sa pagkamatay
ng kaisa-isang
daga
sa bahay
Sa ika-siyam at panghuling saknong na ito ang bata ay labis na nalungkot dahil sa
pagkawala ng daga at siya mismo ang naglibing ng kaisa-isang daga sa kanilang bahay.

d. Talinghaga
Ang ibig sabihin ng "Isang dagang kay tagal nang naghahanap-buhay" isang dagang
naghahanap ng kaniyang makakain sa pang araw-araw. Kagaya ng isang tao ang hayop ay
mayroon din responsibilidad sa buhay at kasama na roon ang makapagbigay o matustusan
ang pangangailangan ng pamilya. Ngunit sa tulang ito ang dagang tinutukoy na naghahap
buhay ay kumakayod lamang para sa kaniyang sarili at ang lahat ng kaniyang nakukuha ay
nanggaling pa rin sa Ina.
Sa taludtod na “pinukpok ko muli, muli’t muli” makikita ang walang tigil na pag-
abuso o pananakit sa walang-awang daga. Bawat tao ay may hangganan sa pagpapasensya at
base sa napakitang asal ng daga sa tula ay nasakatan ito ng Ina ng walang pagdadalawang-
isip. Kagaya sa mga mag-aasawa, may mga pagkakataong nagiging pabaya ang ama walang
ginawa kundi ang umasa na lamang sa asawa kuya’t ito ang nagiging dahilan ng kanilang
pagtatalo.
Sa taludtod na “bumulwak ang dugo” makikita na marahas na dumanak ang dugo
galing sa katawan ng daga. Kapag ang katawan ng buhay ay nakakaranas ng masidhing sakit
o pagkakasugat ay hindi maiiwasang dumugo ito. At dahil sa lubhang pagkakahataw ng Ina
sa daga gamit ang batuta ay nagkalat ang dugo nito sa sahig.
Sa taludtod na “inilibing ito ng anak kong nagluksa sa pagkamatay ng kaisa-isang
daga sa bahay” matapos mapatay ng Ina ng bata ang daga ay inilibing niya ito at siya ay
nalulungkot sapagkat kaiisa Isang daga lamang ito sa kaniyang bahay. Ang koneksyon ng
hayop at tao ay may malalalim na pinanggalingan at kung minsan ay masasabi pang “mas tao
pa ang hayop sa tao” hindi lamang bastang daga para sa bata ang dagang napatay ng kaniyang
Ina. Nag-iisa lamang ito sa kanilang bahay kung kaya ay minsay nakakatuwaan niya ito at
nasanay na siyang makita ito sa kanilang bahay. Ngunit ang dagang yaon ay sumasalamin sa
isang pabayang ama, ipinapakita sa tulang ito na mas masahol pa sa hayop ang pag-uugali ng
isang ama dahil sa kapabayaan nito.

Larawang diwa
1. Visual
 sa bahay may isang daga
 kaisa-isang daga
ito sa bahay
 isang gabi
binantayan ko
ang daga
hinitay na lumabas sa lungga
 bumulwak
ang dugo

2. Olfactory
 inubos ang tinapay
nginatngat ang mga libro
 nang kinain nito
ang kendi
ng anak ko

3. Tactile
 pinukpok ko
muli
muli’t muli
Simbolo
Maraming simbolo ang ginamit sa akdang ito.
Ang daga ay sumisimbolo sa isang walang kwentang ama na nagpapahirap sa
kanilang buhay.
Ang bahay ay sumisimbolo sa isang Ina na tinatawag na "may bahay" at " ilaw ng
tahanan."
Ang lungga ay sumisimbolo sa tahanan ng daga.
Ang batuta ay sumisimbolo sa dahas dahil ito ang kasangkapang ginamit upang
patayin ang daga.

Tayutay

 Pararelismo
nahilo
nangisay,
namatay

 Pagmamalabis
bumulwak
ang dugo
Teorya
Ang Teoryang Realismo makikita sa akdang ito dahil ang tulang ito ay tumatalakay sa
pangyayaring maiuugnay hanggang sa kasalukuyan. Pinapakita sa tulang ito ang kahirapan ng
isang pamilya. Makikita rin ang karanasan ng isa Ina sa akdang ito, katulad sa totoong buhay
kadalasan ang mga Ina ang naghahanap-buhay kaysa sa kalalakihan.
Ang Teoryang Romantisismo ay umusbong din sa tulang ito. Makikita sa tulang ito
ang pagmamahal ng isang magulang sa kaniyang anak.

Konklusyon
Ang tulang ito ay sumasalamin sa buhay ng isang pamilya. Makikita rito ang
pagmamahal ng isang Ina at kapabayaan ng isang Ama. Bawat ginagawa ng daga ay may
kahulugan. “iniihan nito ang mga pinggan inuubos ang tinpay” na sinasabi na ang walang
kwentang ama ay kumakain lamang atang Ina ay gumagawa ang lahat ng trabaho para sa
kanilang anak. “kaisa-isang daga ito sa bahay kaya hinayaan na lamang” ibig sabihin ay siya
lang ang ama na mayroon ang kanyang anak kaya wala siyang pagpipilian dahil kailangan ng
kanyang anak ng ama nito. Ngunit may ginawang masama ang ama sa kanyang anak, naubos
ang pasensya ng Ina kaya kapag natutulog ang kanyang anak sa gabi ay hinintay ng ina ang
paglabas ng walang kwentang ama at hinampas ito ng pamalo hanggang sa ito ay mamatay.
Nang sumunod na umaga ay inilibing ng kanyang anak ang kanyang nag-iisang ama na
umiiyak.

Implikasyong Pampersonal
Isang implikasyong pampersonal rin ang napagtanto naming katulad ng ng bata,
musmos at walang alam sa paligid ay nangangailangan ng kalinga ng isang ama. Makikita sa
tula na lahat ng bagay handang isakripisyo ng Ina para sa kaniyang anak ngunit hindi naglaon
ay nilamon ito ng emosyon ay napatay ang daga. Napagtanto rin naming na ang dagang yaon
ay maaari pang makapagbago. Ang isang ama ay kadalasang may matigas na puso ngunit
kung mamumulat sa katotohanan ay pipiliin na lamang ang maiyak. Ngunit sa kalunos-lunos
pangyayari ay napagtanto naming hindi sa lahat ng panahon ay may purong puso na kayang
magpasensya at magpatawad lalo na kapag labis na itong nasaktan.

Implikasyong Panlipunan
Maraming isyu sa lipunan ang makikita sa tulang ito. Ang pagkakaroon ng isang
wasak na pamilya ay hindi nabago sa pamayanang Pilipino na nagbubunga ng kahirapan sa
isang tahanan. Ang pagiging isang huwarang Ina, ang mismong kakainin na lang ay ibibigay
pa sa anak. Kabataang walang kompletong pamilya at napapabayaan. Kababaihan naabuso
ang pagbibigay ng pasesnya at pagpapatawad. Mga magulang na handing magsakrispisyo
para sa kanilang mga minamahal. Mga kalalakihang batugan at pabigat sa pamilya.
Napagtanto naming na katulad ng Ina na kahit magbigay ka ng ilang pang pagkakataon sa
isang tao na parte ng iyong buhay ay may mga pagkakataong masasagad ang iyong pasesnya
lalo na kapag ang sariling laman at dugo mo mismo ang pinag-uusapan. Napagtanto rin
naming hindi madali ang magkaroon ng hindi buong pamilya dahil ito ang pundasyon ng
ating buhay at nagsisilbing gabay natin sa pang araw-araw. Maituturing na isang
mapanghimok ang tulang ito lalo na sa mga Pilipino na huwag pabayan ang kani-kanilang
pamilya at maging responsible sa lahat ng pagkakataon.

Reaksyon
Nagulat kami pagkatapos naming malaman at mapagtanto kung ano ang kahulugan ng
tula. Naaawa kami sa anak ng ina dahil ang kanyang anak ay lumaki na walang ama. Ang
pagiging ay isang napakahirap na hamon para sa isang magulang at ang makitang malungkot
ang iyong anak dahil hindi buo ang inyong pamilya. Maaaring tama ang ginawa ng ina,
ngunit hindi man lang niya sinubukang bigyan ng pagkakataon ang ama. Sabi nga sa isang
sikat na sipi “Every person deserves a second chances” at ito’y nakabase na sa kanila kung
itutuloy nila ang hindi magandang ginagawa nila o magbabago sila para sa kapakanan ng
pamilya nila para mapasaya ang anak at mas tumibay ang relasyon nila sa isa't isa kaysa dati.
Kaya ang moral ng kwento ay kung inaabuso ka nito at hindi na kayang panghawakan
pa, hayaan mo na. Masasabi natin na sa maikling tula, ang ina ay nababagabag at naiinis sa
daga na nanggugulo sa halos lahat ng bagay sa bahay ngunit hinahayaan lang niya ang
ginagawa nito dahil ayaw niyang patayin ang nag-iisang daga sa bahay bilang basta wala
itong ginagawang masama sa anak niya. Ngunit ang maliit na daga ay kinain ang kendi ng
bata na ikinagalit ng ina at nabitawan ang lahat ng kanyang pasensya sa daga. Kaya't
nagpasya siyang patayin ang daga, sa takot na baka magdulot ito ng higit na pinsala sa
kanyang anak kung hahayaan pa rin nilang mawala ito. Maaaring nagdalamhati ang kaniyang
anak sa ginawa niya sa daga ngunit naisip pa rin niya na ito ang pinakamagandang gawin.
May mga bagay sa buhay na maaaring mahirap mawala ngunit kung minsan ito ay para sa
ikabubuti.

You might also like