You are on page 1of 11

PANAHON NG KASTILA

Ang unang pananahanan ng mga Kastila ay


nagsimula sa pagtatayo ng unang bayan ni
Gobernador Heneral Miguel Lopez de Legaspi noong
1565 kung saan siya ang naging gobernador-
heneral. Dito natin pasisimulan ng tingin ang
kasaysayan ng panitikan ng panahong ito na
sumasaklaw sa tatlong daang taon.
MGA HALIMBAWA NG TULA

Tugma
Pasyon
Dalit
Awit at Korido
TUGMA
Ang tugma ayon sa depinisyon ay ang huling saknong ng tulang ito ay
magkakatugma. Ang dapat na nilalaman o paksa ay ayon sa bagong pananampalataya
sa Panginoong Jesukristo.

Sa paghahanap ko nitong katarungan,


Baka makarating sa kinabibilangan,
Nitong mga pigtas ang hingang nilalang,
Na naghihintay doon sa krus na daan.

Kung sa lupa’y kinang ay sadyang mailap,


Nitong katarungang ibig na malasap
Hayaang lumuha’t dugo ay pumatak,
Pagkat nasa langit ang tunay na galak.
PASYON
Ang pasyon ay marahil ang pinaka-tanyag na anyong tula noong panahon
ng ,mga Kastila dahil dito sinasalaysay ang buod ng buhay ng Panginoong
HesuCristo. Ito ay ikinakanta at nagsasalaysay ng kaniyang buhay mula
noong siya ay ipinanganak, dakpin, ipinako sa krus hanggang sa kaniyang
muling pagkabuhay. Ito ay may limang saknong na may walong pantig.

Matay na niyang isipin


Ang kabuntisan ng Birhen
Anopa’t babaling-baling
Walang matutuhang gawin,
Ang loob niya’t panimdim.
ANG DALIT
Ang dalit gaya ng pasyon ay inaawit din
ngunit ito’y nagsasalaysay sa buhay ni Birheng
Maria. Dahil ang Birheng Maria ay simbolo ng
kalinisan ng puri siya ay hinahandugan tuwing
buwan ng Mayo.
FLORES DE MAYO
Matamis na Birhen pinaghahandugan
Kami’y nangangako naman pong mag-alay
Ng mga girnalda bawat araw
At ang magdudulot yaring murang kamay.

Tuhog na mga bulaklak sadyang salit-salit


Sa mahal mong noo’y aming ikakapit,
Lubos ang pag-asa’t sa iyo’y pananalig
Na tatanggapin mo handog ng pag-ibig.
AWIT

May kabagalan ang bigkas


May labindalawang pantig at inaawit na mabagal sa
saliw ng gitara o bandurya “allegro”
ikinaganda ng awit ay sa mga aral na ipinahihiwatig
ISANG PUNONG KAHOY
NI: JOSE CORAZON DE JESUS
I
Kung tatanawin mo sa malayong pook,
ako’y tila isang nakadipang kurus,
sa napakatagal na pagkakaluhod,
parang hinahagkan ang paa ng Diyos.
II
Organong sa loob ng isang simbahan
ay nananalangin sa kapighatian
habang ang kandila ng sariling buhay,
magdamag na tanod sa aking libingan.
FLORANTE AT LAURA
NI: FRANCISCO BALAGTAS
I
Sa isang madilim,gubat na mapanglaw,
dawag na matinik ay walang pagitan;
halos naghihirap ang kay Febong Silang
dumalaw sa loob ng lubhang masukal.
II
Malaking kahoy ang inihahandog,
pawang dalamhati, kahapisa’t lungkot;
huni pa ng ibon ay nakalulunos
sa lalong matimpi’t nagsasayang loob.
KORIDO

Ang Korido ay mga tulang pasalaysay na may


sukat na walong pantig sa taludtod at nagtataglay ng
mga paksang kababalaghan at malaalamat na
karamihaý hiram at halaw sa paksang europeo na
dala rito ng mga Espanyol.
HALIMBAWA
I
Oh, Birheng kaibig-ibig
Ina naming nasa langit,
liwanagin yaring isip
nang sa layon, di malihis
II
Ako’y isang hamak lamang
taong lupa ang katawan,
mahina ang kaisipan
at maulap ang pananaw.

You might also like