You are on page 1of 38

YUNIT III

PANAHON NG
MGA KASTILA
Panahon ng mga
Kastila

Ang isinaalang-alang na unang


pananakop ng mga Kastila sa
ating kapuluan ay ang
pananatili rito ni Miguel Lopez
de Legazpi noong 1565, bilang
kauna-unahang Kastilang
gobernador-heneral.
MGA URI NG
PANITIKAN
PASYON
inaawit tuwing
Kwaresma,hinggil sa buhay ,
sakit at pagdurusa ni Kristo.
KOMEDYA/MORO-MORO

Isang matandang dulang


Kastila na naglalarawan ng
pakikipaglaban ng Kristyano
at sa mga Pilipinong Muslim
noong unang panahon.
Ginagawa ito tuwing pista sa
nayon
Pumapaksa sa hidwaan at pag-
ibig
KOMEDYA/MORO-
MORO

Ayon kay Soller, isang


mananaysay, ang pinakamahabang
Moro-moro ay nasulat sa wikang
Kapampangan. Ito ay may
pamagat na Gonzalo de Cordova
na nalimbag noong 1912. Wala
nang matag- puang orihinal na sipi
ng mga Moro-moro sapagkat
diumano ay hindi naingatan at ang
mga ito ay nakain ng mga anay sa
taguan.
DALIT
ang pag-aalay ng bulaklak
kasabay nang pag-awit bilang
handog sa Birheng Maria.
KARAGATAN
isang larong may paligsahan
sa tula ukol sa singsing ng
isang dalagang nahulog sa
gitna ng dagat at kung
sinong binata ang
makakuha rito ay siyang
pagkakalooban ng pag-ibig
ng dalaga.
- Karagatang ito'y kahit na
malalim pangangahasan kong
KARAGATAN
aking lulusungin hustong bait
ninyo ang titimbulanin na
inaasahang sasagip sa akin.

o kaya ay ganito:

- Karagatang ito'y oo nga't


mababaw, mahirap-lusungin ng
hindi maalam, kaya kung Ang tema samakatwid ng karagatan ay
sakaling ako'y masawi man pagliligawan. Narito ang halimbawa ng
kamay mong sasagip yaong mga saknong na binibigkas ng binata na

hinihintay. lumalahok sa pagsisid sa singsing ng


Prinsesa:
Ang bahaging ito ang kasukdulan ng
larong karagatan sapagkat may
KARAGATAN
pagkakataong bago tanggapin ng
Prinsesa ang singsing mula sa binatang
nakasisid nito ay idinadaan pa ang
binata sa isang pagsubok. Bumibigkas
ang Prinsesa ng mga talinghaga,
bugtong, at may ipinasasagot pang mga
tanong sa binata. Magpipilit ang binata
na masagot ang mga tanong ng Prinsesa.
Ang pagtanggap sa singsing mula sa
binata ay nangangahulugan ng
pagtanggap niya sa pag-ibig ng binata na
karaniwan namang nanliligaw sa
Prinsesa
KARAGATAN
Sinisimulan ang
paglalaro ng karagatan
sa pagpapaikot ng
isang lumbo o tabo na
may krus na puti.
Kung kanino
mapatapat ang krus ay
siyang magsisimula ng Ang tema samakatwid ng karagatan ay
pagliligawan. Narito ang halimbawa ng
paglalaro. mga saknong na binibigkas ng binata na
lumalahok sa pagsisid sa singsing ng
Prinsesa:
DUPLO

larong paligsahan sa
pagbigkas ng tula na
isinasagawa bilang
paglalamay sa patay.
Ito ay isang tulang nagtataglay DUPLO
ng katangiang higit na
pandulaan.
Itinatanghal ito sa pamumuno
ng isang hari o kung tawagin
ay "punong halamanan".
May dalawang pangkat ng
mga manlalaro - pangkat ng
kadalagahan na kung tawagin
ay belyaka at pangkat ng
kabinataan na kung tawagin
naman ay belyako.
DUPLO BELYAKONG NASAKDAL
SAKDAL AT PARUSA
(Titindig at lalapit sa belyaka.)
HARI
(Sa belyaka nakatingin.) Narinig na ninyo ang Ipagpatawad mo ang aking paglapit,
lahat ng sumbong na isang binatang nagsakdal ng pagtupad sa hatol ng punong lumitis sa
layon, ako'y hatol naman ang itatalaga, nagawang sala't utang sa pag-ibig, na di
binayaran ng tapat na dibdib.
magbayad ng utang sa taong may habla.
At kung hindi ninyo ito mabayaran sa
isinusumbong na inyong inutang, ang ihahatol ko: Kung sa bagay, sadyang isang kataksilan na
kayo'y parusahan, papaluin kayo ng dalawang papagdusahin ang iyong kariktan, yaong si
siyam. Kupido'y lumuluhang tunay at dahil sa
hapis ay hinihintay.
(Uutusan ang belyakong nagsakdal.)
Walang paglulanan ang kipkip na habag.
Hayo't tuparin mo hatol kong talaga: belyaka'y habag sa parusang sa iyo ay gawad; ano ang
paluin at bigyang-parusa, sa dalawang siyam at gagawin, ako'y tumutupad nang dibdib ko't
wala nang iba, kulungin ay huwag, huwag
puso ay halos mawalat.
magbabawa...
KARILYO
pagpapagalaw ng mga
anino ng mga pira-
pirasong kartong
hugis tao sa likod ng
isang kumot na puti
na may ilaw.
SENAKULO

isang dulang
nagsasalaysay ng buhay
at kamatayan ng Poong
Hesuskristo.
TIBAG
isang pagtatanghal kung
buwan ng Mayo, ng
paghahanap ni Santa Elena
sa krus na pinagpakuan kay
Kristo.
SARSUWELA
isang komedya o melodramang
may kasamang awit at tugtog,
may kantahan at sayawan, may
tatlong (3)yugto, at nauukol sa
mga masisidhing damdamin
tulad ng pag-ibig, paghihiganti,
Hal. panibugho, pagkasuklam at iba
-Walang Sugat ni Severino Reyes pa ngunit lagi namang
-Dalagang bukid ni Hermohenes Ilagan nagtatapos sa kasiyahaan ang
dula
-Tanikalang Ginto ni Juan K. Abaad

Kahapon, Ngayon at Bukas ni Aurelio


Tolentino
MGA UNANG
AKLAT SA
PANAHON NG
KASTILA
1. DOCTRINA CRISTIANA-
kauna-unahang aklat na
nalimbag sa Pilipinas noon
1593, sa pamamagitan ng
silograpiko. Aklat ito nina
padre Juan de Placencia at
padre Domingo Nieva.
Nasusulat ang aklat sa Tagalog
at Kastila. Naglalaman ito ng
mga dasal, sampung utos,
pitong sakramento, pitong
kasalanang mortal,
pangungumpisal at katesismo.
May 87 pahina lamang.
2. NUESTRA SENORA DEL
ROSARIO – ikalawang
aklat na nalimbag sa
Pilipinas. Akda ito ni Padre
Blancas de San Jose noong
1602 at nalimbag sa
Imprenta ng Pamantasan
ng Sto. Tomas sa tulong ni
Juan de Vera, isang
mestisong Intsik.
Naglalaman ito ng mga
talambuhay ng mga santo,
nobena, at mga tanong at
sagot sa relihiyon.
3. BARLAAN AT
JOSAPHAT – ikatlong
aklat na nalimbag sa
Pilipinas. Akda ito sa
Tagalog ni Padre Antonio
de Borja. Orihinal na
nasa wikang Griyego.
Ipinalalagay itong kauna-
unahang nobelang
nalimbag sa Pilipinas.
4. PASYON – aklat na nauukol sa buhay
at pagpapakasakit ni Kristo. Binabasa
ito tuwing Mahal na Araw. Nagkaroon
ng apat (4) na bersyon sa Tagalog ang
akdang ito, at ang bawat bersyon ay
ayon na rin sa pangalan ng mga
nagsisulat. Ang mga ito ay ang Version
de Pilapil ( Padre Mariano Pilapil);
Version de Belen (Gaspar Aquino de
Belen); Version dela Merced ( Aniceto
dela Merced); at Version de Guia (Luis
de Guia ). Isinaalang-alang na
pinakapopular ang Version de Pilapil.
Si Gaspar Aquino de Belen ng Rosario
Batangas ay hindi lamang dapat matandaan
sa pagkakasulat ng pasyon sa Tagalog. Siya pa
rin ang kauna-unahang umawit ng pasyon sa
Tagalog.
Ang iba pang nagsisulat ng pasyon ay sina
Don Luis Guian, si Pari Jose Seque at Pari
Manuel Grijalba.
Noong 1814 si Padre Mariano Pilapil ng
Tondo ay sumulat ng pasyon at ang kanyang
pasyon ay nakilala at tinawag na Pasion ni
Pilapil.
Naiiba ang pasyong Pilapil sapagkat ito ay
nagtataglay ng mga larawan at sermon sa
katapusan ng bawat kabanata.
Si Padre Aniceto dela Merced ng Baliwag,
Bulacan ay sumulat din ng pasyon at ito ay
nakilalang La Pasion de Nuestra Jesucristo.
Ipinalagay ni Epifanio delos Reyes na ang
pasyong ito ni Dela Merced ay isa sa mga naging
pundasyon ng panulaang Tagalog
Si Leona delos Reyes ay sumulat din ng pasyon
sa wikang Ilokano.
Sa wikang Kapampangan naman ay nakasulat ng
pasyon sina Felix Galaura at Cornelio Pabalan
Birion.
Kaugnay ng pasyon ay nalinang at nag-ugat ang
dalawang kaugalian sa Pilipinas ang pabasa o
pag-awit ng pasyon kung Semana Santa at ang
cenaculo o ang pagtatanghal ng pasyon sa
entablado.
5. URBANA AT FELISA – aklat na
sinulat ni Modesto de Castro, ang
tinaguriang “Ama ng Klasikong
Tuluyan sa Tagalog”.Naglalaman ito
ng pagsusulatan ng magkapatid na
sina Urbana at Felisa. Pawang
nauukol sa kabutihang-asal ang
nilalaman ng aklat na ito, kaya’t
malaki ang nagawang impluwensya
nito sa kaugaliang panlipunan ng mga
Pilipino.
DA N G
G A A K
M I K A
PA N G W
1. ARTE Y REGALAS DE LA
LENGUA TAGALA
sinulat ni Padre Blancas de San
Jose at isinalin sa Tagalog ni
Tomas Pinpin noong 1610.

2. COMPENDIO DE LA LENGUA
TAGALA
inakda ni Padre Gaspar de San
Agustin noong 1703.
3. VOCABULARIO DE LA LENGUA
TAGALA
kauna-unahang talasalitaan sa Tagalog na
sinulat ni Padre Pedro de San Buenaventura
noong 1613.
4. VOCABULARIO DE LA LENGUA
PAMPANGO
unang aklat na pangwika sa Kapampangan
na sinulat ni Padre Diego Bergano noong
1732.
5. VOCABULARIO DE LA LENGUA BISAYA
Pinakamahusay na aklat pangwika sa Bisaya
na sinulat ni Mateo Sanchez noong 1711.
6. ARTE DE LA LENGUA
BICOLANA
unang aklat pangwika sa Bikol na
sinulat ni Padre Marcos Lisboa
noong 1754.

7. ARTE DE LA ILOKA
kauna-unahang balarilang Iloko na
sinulat ni Francisco Lopez.
MGA
PAGBABAGON
G NAGANAP SA
BUHAY NG
MGA PILIPINO:
*Tinangkilik ang relihiyong
Katoliko
*Nagpalit sila ng pangalan at
nagpabinyag
*Nagbago ang anyo ng
kanilang pamamahay
*Nagkaroon ng mga bahay na
tisa at bato
*Magagandang kasangkapan
tulad ng piyano, muwebles at
mga kagamitang pangkusina
*Nagkaroon ng mga
sasakyang tulad ng
karwahe, tren at bapor
*Natuto silang magdiwang
ng mga
kapistahan bilang parangal
sa mga santo at Papa
*Bilang libangan, nagkaroon
ng mga sabong, karera ng
kabayo at teatro
MGA
IMPLUWENSYA
NG KASTILA SA
PANITIKANG
FILIPINO
1. Ang pagkakaturo ng Doctrina Cristiana
na kinasasaligan ng mga gawang
makarelihiyon.
2. Ang wikang Kastila na naging wika ng
Pantikan nang panahong yaon. Marami sa
mga salitang ito ang naging bahagi ng
wikang Filipino.
3. Ang pagkakadala ng mga alamat ng
Europa at tradisyong Europeo rito na
naging bahagi ng Panitikang Filipino tulad
ng awit, kurido, moro-moro at iba pa.
4. Ang pagkakasinop at pagkakasalin
ng makalumang panitikan sa Tagalog
at sa ibang wikain.
5. Ang pagkakalathala ng iba't ibang
aklat na pambalarila sa wikaing
Filipino tulad sa Tagalog, Ilokano at
Bisaya.
6. Ang pagkakaroon ng
makarelihiyong himig ng mga lathalain
ng mga panahong yaon.
May Katanungan ba?
Maram
i ng
Salamat
!

You might also like