You are on page 1of 3

Ang akdang "Ang Parabula Ng Sampung Dalaga" ay mayroong apat na elemento, eto ay ang

tauhan, tagpuan, banghay, at estilo ng pagsulat.

Tauhan

Ang tauhan sa akdang "Ang Parabula Ng Sampung Dalaga" ay ang limang matatalinong
babae, limang hangal na babae at ang lalaking ikakasal. Base sa akda, ang limang
matatalinong babae ay binansagang "matatalino" dahil agad nilang naisip ang posibleng
mangyari kaya naging handa sila. Samantalang yung limang babaeng hangal, sila ay
binansagang “hangal“dahil hindi agad nila naisip ang posibleng mangyari at di naging handa.
Ang lalaking ikakasal naman ay sinisimbolo si hesukristo.

Tagpuan
Dito natin makikita ang paghahalintulad ng limang hangal na babae at limang matatalinong babae.
Ang limang matatalinong babae ay nagdala ng lampara at sobrang langis para sa kanilang lampara
upang magamit nila doon sa tagpuan dalawang ikakasal. Ngunit ang limang hangal na babae ay hindi
nagdala ng kanilang reserba sa tagpuan. Dumating ang oras na natagalan ang lalaking ikakasal sa
tagpuan. Kaya ang limang babaeng hangal ay naubos ang langis ng lampara kaya naisipan nila na
bumili ng langis kaya't sila'y umalis sa tagpuan. Sa kanilang pagalis ay dumating ang lalaking ikakasal
kaya't isinara ang pintuan ng lalaki kung kaya't hindi na nakapasok ang limang hangal na babae.

Banghay
Ito'y tumutukoy sa pagpapahalaga ng iyong sarili o natin lahat na huwag magaksaya ng panahon, at
laging pahalagahan ang bagay na kapakipakinabang at panatilihin natin na malinis ang ating sarili o
pagkatao, at kung dumating ang hindi inaasahang problema, tayo ay laging handa at kaya natin
harapin ang anumang pagsubok sa buhay.

Estilo ng pagsulat

Base sa istorya, may maayos at angkop na estilo ng pagsulat ng kwento, dahil tuloy-tuloy
ang daloy ng kwento at ito ay madaling maintindihan ng mambabasa.
Pagpapakilala sa akda
Madaming nagtataka kung sino ba ang may akda nito at kung sino ba talaga siya? Si San
Mateo ay anak ni Alphaeus. Naninirahan noon sa Capenaum sa lawa ng Genesareth/ sa
Antioch, Syria. Siya ay taga kolekta ng buwis. Ipinaliwanag niyang hinirang siya hindi para
tawagin ang mga mabubuti, gayundin ang mga makasalanan. Isinulat niya ang kanyang
ebanghelyo sa wikang Aramaic at isinalin sa wikang Griyego. Nagtungo siya ng Ethiopia
upang magpalaganap ng mabuting salita. Siya ay naging obispo pagkatapos mamatay ni
obispo Platon. Ang ebanghelyo ni Mateo ay kaugnay ito ng sagisag na “tao” dahil
nagsisimula ang aklat ni San Mateo sa pagtunton ng mga pangalan ng ninuno si Hesus ayon
sa laman. Ang ebanghelyo ni Mateo ay binubuo ng apat na pangunahing mga bahagi;
kamusmusan ni Hesus (1-2), pangangaral ni Hesus sa Galilea (3-20), pangangaral ni
Herusalem (21 25), paghihirap at muling pagkabuhay ni Hesukristo.

Nilalaman ng critique
Ang kwentong ito ay tumutukoy sa ating pagkatao o pag uugali. Kinakailangan bilang tayo ay
kumikilala sa ating panginoong diyos tayo ay gumawa ng tama sa ating pamilya, kapwa, sa
kapaligiran. Tayo'y magsikap na sumunod sa kalooban ng diyos. Iwasan natin gumawa ng anumang
masama, mahalay na gawain laban sa kapwa. Mag impok ng kabutihan na kagigiliwan ng diyos at
pagdating ng takdang panahon sa ating kamatayan tayo'y makakapasok sa kaharian ng Diyos at hindi
tayo pagsasarahan ng pinto ng langit tulad m

Buod

Nikuwento ni Hesus ang tungkol sa lipon ng mga dalaga o abay na kasali sa isang
magaganap na kasalan. Sa paghihintay sa lalaking ikakasal, ang sampung dalaga ay -may
dala-dalang lampara. Lima sa kanila ang matatalino sapagkat sila ay naghanda ng ekstrang
langis kung sakali sila ay maubusan. Ang natitirang lima naman ay masasabing hangal dahil
hindi sila naghanda ng ekstrang langis. Pagsapit ng madaling araw, narinig nila na parating
na ang lalaking ikakasal. Inihanda nila ang kanilang lampara ngunit naubusan ng langis ang
lampara ng mga hangal. Sinubukan nilang humingi sa matatalino ngunit sila'y hindi
nabigyan. Sila ay umalis upang bumili ng langis. Nang dumating ang lalaking ikakasal, wala
sila. Pagka-dating ay nakita nila na ang pintuan ay sarado na. Sila'y nagmaka-awa upang
sila'y pagbuksan ngunit huli na ang lahat.

Paglalagom
Ang akdang “Ang Parabula Ng Sampung Dalaga” ay magandang basahin ng mga kabataan
ngayon dahil ito ay nagbibigay ng mabubuting aral tulad ng pagiging handa sa anumang
maaring mangyari, ito ay magandang aral para isa puso ng mga kabataan dahil sa ating
henerasyon ngayon ay marami ng mga bagay na hindi natin inaasahan na mangyayari. Ang
ang mensahe ng akdang “ Ang Parabula Ng Sampung Dalaga” ay maaring ipinapahiwatig nito
na tayo ay maghanda sa susunod na pagdating ni Cristo

You might also like