You are on page 1of 11

Si Pele, Ang Diyosa ng

Apoy at Bulkan

Tahimik na namumuhay sa maganda at


masaganang lupain ng Tahiti ang magasawang sina Haumea, ang diyosa ng
makalumang kalupaan at ni Kane Milohai, ang
diyos ng kalangitan kasama ang kanilang anim
na anak na babae at pitong na lalaki. Subalit
habang lumalaki ang kanilang mga anak ay
unti-unting nawawala ang kapayapaan at
katahahimikan sa kanilang tahanan dahil sa
matinding alitang namamagitan sa mga anak
nilang si Pele, ang diyosa ng apoy at si
Namaka, ang diyosa ng tubig. Nag-ugat ang
matinding awayan ng magkapatid sa
paniniwala ni Namaka na inagaw ng kapatid
na si Pele ang kanyang kabiyak.

Noong unay pilit inaayos ng magulang ang


alitang ito. Katunayan, ninais nilang maging isa
ring diyosa ng tubig si Pele tulad ng kapatid na
si Namaka. Inaakala nilang makatutulong ito
upang magkasundo ang magkakapatid subalit
hindi ito natupad sapagkat nang nadiskubre ni
Pele ang apoy sa kailaliman ng lupa, labis
siyang naakit at wala nang sinumang
makapaglalayo sa kanya at sa apoy.
Napakaganda ng apoy, Ina. Bakit ba ninyo
ako pilit inilalayo rito? ang madalas niyang
sabihin sa ina kapag nahuhuli siyang
nakikipaglaro sa apoy. Mapanganib iyan sa iyo
at sa iyong mga kapatid, ang paalala naman
ng kanilang ina subalit hindi nito nabago ang
pagkaakit ni Pele sa apoy. Hindi nga nagkamali
si diyosang Haumea sa pagpapaalala sa anak.

Isang araw, sa muling pakikipaglaro ni Pele sa


apoy ay aksidenteng nasunog ang kanilang
tirahan, ang buong isla ng Tahiti. Galit na galit si
Namaka nang malaman ang ginawa ni Pele at
nagbantang paahunin ang tubig sa buong isla
upang lumubog ito sa baha. Sa takot ng magasawang Haumea at Kane Milohai para sa
kaligtasan nilang lahat ay agad-agad nilang
isinakay ang kanilang buong pamilya sa isang
bangka. Si Pele ang naatasang gumaod at
magdala sa kanila sa isang isla upang makatakas
sa poot ni Namaka.
Ahhh, hindi kayo makakalayo! Susundan
kita, Pele, kahit saan ka mapunta! ang galit na
galit na pagbabanta ni Nakama.
Subalit naging napakabilis ng paggaod ni Pele

Bukod sa layuning mailayo ang pamilya sa


galit ni Namaka ay mayroon pa siyang isang
mahalagang misyon. Sa kanya ipinagkatiwala
ng magulang ang kanyang bunsong kapatid
na nooy nasa loob pa ng isang itlog at hindi
pa napipisa. Habang mabilis siyang gumaod
ay buong ingat niyang inilagay sa kanyang
kandungan ang itlog upang maiwasang
mabasag at upang ito riy mainitan.
Pagkatapos nang mahaba at napakapagod
napaglalakbay ay sumapit na rin ang maganak sa isang isla. Dito muna tayo titigil,
ama, ina, ang sabi ni Pele. Mainam tirhan
ang lugar na ito dahil kakaunti pa lamang ang
nakatira. Magiging ligtas tayo rito, dugtong
pa niya.

At sa islang iyon nga pansamantalang


nanirahan ang mag-anak. Sa islang ito napisa
mula sa itlog at lumaking isang
napakagandang dalagita na may likas na hilig
sa pag-awit at pagsayaw ang bunsong kapatid
na pinag-ingatan nang labis ni Pele.
Pinangalanan siyang Hiiaka. Dahil sa kanya
nagmula ang bula na isang sagradong sayaw,
si Hiiaka ay itinuring na diyosa ng hula at ng
mga mananayaw.
Ang mga tao sa isla ay labis na humanga
sa kagandahan nina Pele at Hiiaka gayundin
sa husay ni Hiiaka sa pagsasayaw ng hula.
Subalit hindi lahat ay natuwa sapagkat may
apat na diyosa ng niyebeng naninirahan din sa
isla ang naiinis sa magkakapatid dahil sila

Kailangang mapaalis natin sila, ang sa sabi


ng pinakapangulo ng apat na diyosa. Kaya
naman sa tuwing makapagpapatayo ng
tahanan si Pele para sa kanyang pamilya ay
binubugahan nila ng niyebe ang tahanan.
Napilitan tuloy ang pamilyang magpalipatlipat tirahan sa mga kalapit na isla. Subalit sa
pagpapalipat-lipat nilay hindi rin naman sila
naligtas sa matataas na along ipinadadala ni
Namaka na nag-aabang lang pala sa dagat.
Sa huliy nakahanap din si Pele ng isang
ligtas na lugar para sa kanyang pamilya. Itoy
sa isang napakataas na bundok na tinatawag
na Mauna Loa. Ito ang pinakamataas na
bundok sa buong mundo kung susukatin ang
taas mula sa bahaging nakalubog sa

Pilit niyang pinaabot sa tuktok ng bundok ang


mga along kanyang pinakawalan. Hindi naman
nagpatalo si Pele. Sa wakas, nagamit niya ang
apoy upang makaganti kay Namaka. Sa
kagustuhan na rin niyang mailigtas ang
kanyang pamilya ay pinagliyab niya ang apoy
sa usod ng bundok. Ang init ng apoy mula sa
kailaliman ng bundok ay naging dahilan ng
pagputok nito. Ang lumabas na lava sa tuktok
ng bundok ay gumulong pababa at tumabonsa
malaking bahagi ng dagat na nasa ibaba nito.
Nang matuyo ang makapal na lava ay naging
kalupaan ang paligid ng sumabog na bundok
at tinawag na ngayong isla ng Hawaii o The
Big Island.
Bagamat nanalo siya sa matinding labanan

Subalit ang kanyang espirito ay nanatili at


nagagawa nitong baguhin ang kanyang anyo
sa anumang itsurang nais niya. Minsay
nakakita siya bilang isang magandang
babaeng may mahabaat nakalugay na buhok,
minsa;y isang maliit na asong puti, at iba pa.
Minsan sa kanyang pamamasyal sa paligid ng
bulkan, siyay nagbalatkayo bilang isang
napakagandang dalaga. Doon niya nakita ang
isang makisig na lalaking nagngangalang
Ohia. Agad inakit ni Pele ang lalaki subalit
buong galang siya nitong tinanggihan
sapagkat siyay may asawa nang mahal na
mahalniya. Nakita nga ni Pele si Lehua,
dumating ito upang dalhan ng tanghalian ang
asawang si Ohia. Kitang-kita rin ni Pele kung
paanong niyakap at hinagkan nang buong

Kumawala kay Pele ang matinding apoy na


tumama ka Ohia kayat itoy nagin g isang
sunog na puno.
Nang makita ni Lehua ang nangyari sa
asawa ay buong pait na niyakap niya puno
habang lumuluha at nagmamakaawa kay Pele.
Maawa ka diyosang Pele, ang pakiusap niya.
Buhain mo po ang asawa ko o gawin mo rin
sa akong isang halaman upang magkasama
na kami habambuhay. Hindi ko kakayaning
mapawalay sa kanya, mahal ko po siya, ang
pagmamakaawa nito habang patuloy ang
walang katapusang pagluha.
Sa walang tigil na pagluha at pakikiusap ng
babae ay lumabas ang puso ni Pele at
pinagsisisihan ang kanyang nagawa. Ginawa

Naging espesyal sa kanya ang puno ohia


lehua kayat ang mga ito ang unang-unang
sumisibol sa nabubuong lupa mula sa lava ng
pumuputok na bulkan. Mula noon hanggang
ngayon, lagi nang magkadikit ang puno ng
ohia at ang mga bulaklak ng lehua. Katuayan,
may paniniwala sa Hawaii na habang
magkadikit ang ohia at lehua ay maganda
ang panahon subalit kapag biglang umulan
nang malakas ay naniniwala silangmay
pumitas sa bulaklak ng lehua. Pinaniniwalaang
ang ulan ay dala ng mga luha ni Lehua na
ayaw mawalay sa kanyang pinakamamahal na
si Ohia. Subalit

You might also like