You are on page 1of 2

1.

Pangunahing Tauhan:
Pele – Diyosa ng apoy at bulkan
2. Ibang tauhan:
 Haumea – Nanay ni Pele at diyosa ng makalumang kalupaan.
 Kane Milohai – Ama ni Pele at diyos ng kalangitan.
 Namaka – Kapatid ni Pele at diyosa ng tubig
 Hi’iaka – Bunsong kapatid ni Pele at itinuturing na diyosa ng húla at mga mananayaw.
 Ohi’a – Lalaking nakita ni Pele sa pamamasyal niya sa paligid ng bulkan, ginawang isang
sunog na puno ni Pele, at asawa ni Lehua.
 Lehua – Asawa ni Ohi’a at ang ginawang halamang may pino at magagandang pulang
bulaklak na itinabi sa puno ng ohi’a.
 Lohi’au – Isang makisig na kasintahan noon ni Pele ngunit naging kasintahan sa huli ng
kaniyang bunsong kapatid na si Hi’iaka
 Kane-milo – Panganay na kapatid na lalaki nina Pele at Hi’iaka.
 Hopoe – Matilik na kaibigan ni Hi’iaka
3. Tagpuan:
Saan:
 Tahiti – Orihinal na tahanan nina Pele at Namaka.
 Bundok na Mauna Loa - Bundok na pinasabog ni Pele sa laban nila ni Namaka at ang lugar
na nilipatan ng pamilya ni Pele
 Isla ng Hawaii o “The Big Island” - Islang nagmula sa natuyong makapal na lava mula sa
pagsabog ng Mauna Loa
 Isla ng Kaua’I - Nilipatan nina Lohi’au at Hi’iaka matapos ang ginawa ni Pele sa kanila at sa
isla ng Hawaii
 Kilauea National Park(Kasalukuyan)
Kailan:
1986 – Kasalukuyan at ang nag-iisang araw o datos sa libro patungkol kung kailan. Ito ang
taon kung saan maraming gusali o estruktura ang nasira ng pagsabog ng bulkan noong taong ito at
higit pa. Ito ay kasalukuyang datos.

4. Maikling buod:
Si Pele ay aksidenteng nasunog ang isla na tinirahan nila at tumakas sila ng hindi kasama si Namaka
sa ibang isla ngunit napilitan silang umalis dahil sa apat na diyosa. Nang makarating sila sa Mauna
Loa ay pinsabog niya ito upang maprotektahan ang pamilya kay Namaka. Siya’y nanalo sa laban
ngunit namatay. Siya’y nabuhay muli at namasyal sa paligid ng lugar at nakita niya si Ohi’a at Lehua
at ginawa niya silang puno at halaman na magkasama dahil sag alit at sa paglambot ng puso ni Pele.
Inutusan ni Pele si Hi’iaka na sunduin si Lohi’au ngunit ito’y nagtagal ng apatnapung araw at dahil
dito ay nagselos at nagalit si Pele at napatay niya si Hopoe at nasira ang hardin ni Hi’iaka. Napatay
niya si Lohi’au matapos nilang makabalik ni Hi’iaka ngunit nabuhay muli dahil kay Kane-milo na
kinuha ang kaniyang kaluluwa sa kailaliman ng lupa. Umalis sina Lohi’au at Hi’iaka at namuhay ng
payapa sa huli habang si Pele ay pinagsisihan ang lahat at sinusubukang tulungan ang bunsong
kapatid.
Mahaba:
Si Pele ay ang diyosa ng apoy at bulkan at dahil dito ay siya ay labis na naaakit sa mga apoy lalo na
sa apoy na nasa kailaliman ng lupa. Dahil sa kaniyang akit ay madalas niyang nilalaro ang apoy at
dahil dito ay siya’y pinagsasabihan at pilit na inilalayo ng ina. Kahit na ilang beses siya pagsabihan
ay pinaglalaruhan niya pa rin ang apoy at dahil dito, isang araw ay aksidente niyang nasunog ang
kanilang tahanan at ang isla ng Tahiti. Dahil sa aksidenteng ito si Namaka ay nagalit nang malaman
niya ang ginawa ni Pele at nagbantang paaahunin ang tubig sa buong isla upang lumubog ito sa
baha. Dahil dito ay agad na umalis sina Pele at ang kaniyang pamilya na hindi kasama si Namaka sa
isla ng Tahiti papunta sa ibang mga isla na malayo kay Namaka upang mailigtas ang kanilang
pamilya sa galit nito. Si Hi’iaka ay lumabas na sa itlog habang sila’y nasa isang isla at nakakuha ng
malaking atensyon kasama ni Pele silang dalawa sa isla at sa mga naninirahan dito. May apat na ng
niyebe ang naninirahan din sa isla at may galit sa magkapatid dahil sa atensyon na nakuha ng
dalawang ito. Sinira nila ang mga ginagawang tahanan ni Pele para sa pamilya upang sila’y mapa alis
sa isla. Sila Pele ay naghahanap ng ligtas na lugar ngunit kahit na anong gawin nila ay hindi sila ligtas
dahil sa mga alon na pinapadala ni Namaka. Nang makarating sila sa Mauna Loa, dahil sa
kagustuhan ni Pele na protektahan ang kaniyang pamilya ay napasabog niya ang bulkan at
maraming makakapal na lava ang lumabas dito at natuyo ito at naging isla ng Hawaii. Nanalo si Pele
sa laban ngunit hindi nanghina siya at namatay. Ang kaniyang espiritu ay nanatili at nagawa nitong
baguhin ang kanyang anyo sa anumang itsurang nais niya. Siya ay namamasiyal sa paligid ng bulkan
ng makita niya si Ohi’a at agad niya itong inakit ngunit tinaggihan nito si Pele dahil siya’y may asawa
na. Dumating ang asawa niyang si Lehua at nainis si Pele nang makita niya ang dalawang
nagmamahalan at agad niyang ginawang sunog nap uno si Ohi’a. Nagmakaawa si Lehua na ibalik
niya sa dati si Ohi’a o gawin niya nalang siyang isang halaman upang magkasama silang dalawa
muli. Ang puso ni Pele ay lumambot at ginawa na lamang niya ang kaniyang hiling nag awing
halaman siya. Isang araw ay si Hi’iaka ay naglalaro sa hardin kasama ang kaniyang matalik na
kaibigan na si Hopoe ay may inutos si Pele sa kaniya na sunduin niya si Lohi’au pero kailangan ni
Pele na alagaan ang kaniyang hardin habang wala siya. Nang makalipas ang apatnapung araw ay
nainis at nagselos si Pele at nasira niya ang hardin at napatay niya si Hopoe. Nang makabalik na sina
Hi’iaka at Lohi’au ay nakita nila ang ginawa ni Pele. Si Pele ay napatay si Lohi’au dahil hindi ito diyos
ngunit nakaligtas si Hi’iaka dahil siya’y isang diyosa. Si Hi’iaka ay nagmakaawa sa nakatatandang
kapatid na lalaki na si Kane-milo na kunin ang kaluluwa ni Lohi’au sa kailaliman ng lupa. Nang
mabuhay muli si Lohi’au ay umalis sila sa isla ng Hawaii upang manirahan ng payapa sa isla ng
Kauia’I. Pinabayaan at tinulungan ni Pele sina Hi’iaka dahil sa kasamaan na kaniyang naramdaman
sa mga ginawa niya sa kanila at sa isla ngunit hindi alam ni Hi’iaka ang pagtulong ni Pele sa kanilang
mga tanim. Sa kasalukuyan ay si Pele ay sinasambahan pa rin at ayon sa mga datos ay lumaki lalo
ang isla ng Hawaii dahl sa mga pagsabog ng bulkan at pagtuyo ng Lava.

5. Aral
Wag tayo magselos sa iba dahil na mayroon silang isang bagay na wala tayo.
Wag tayo maiinis sa mga walang puntong bagay na maaaring pagsisihan natin sa huli.
Sumunod tayo sa ating mga magulang at ito ay nakabubuti sa ating mga kapakanan upang tayo’y
mabuhay ng payapa.

You might also like