You are on page 1of 3

Si Pele, ang Diyosa ng Apoy at Bulkan

(Mga Tauhan at Pinangyarihan)

Tauhan

Haumea - Diyosa ng makalumang kalupaan at ang asawa ni Kane Milohai.

Kane Milohai - Diyos ng kalangitan at ang asawa ni Haeumea. Sila ay may anim na anak na
babae at pitong anak na lalake. Isa sa mga anak nilang babae ay si Pele.

Pele - Siya ay kinikilala bilang diyosa ng apoy at bulkan. Sa kwento, sinasabi dito na mabilis
siyang magalit at mag selos kapag may inaagaw sakanya. Namatay ito pagkatapos niyang
gumanti sa kanyang kapatid na si Namaka. Ngunit, ang kanyang espiritu ay nanatili at nagawang
baguhin ang kaniyang anyo.

Namaka - Siya ay ang diyosa ng tubig, lubos ang galit at inggit niya kay Pele dahil sa
paniniwala na inagaw nito ang kaniyang kabiyak. Sinundan niya si Pele at ang kaniyang pamilya
para gumanti. Ngunit, natalo rin siya ni Pele sa huli.

Hi’iaka - Siya ay ang bunsong anak nila Haumea at Kane, lubos ang pagmamahal ni Pele
sakanya. Sa kwento, sinasabi dito na siya ay sobrang ganda, mahilig rin ito sumayaw at umawit.
Siya ay kinikilala bilang diyosa ng hula at ng mga mananayaw. Naging kasintahan nito ang
asawa ni Pele kaya naman tumakas sila sa isla ng Kaua’i.

Ohi’a - Ang gwapong lalake na minahal ni Pele, ilang beses ito nilapitan ni Pele ngunit
tinatanggihan siya nito dahil may asawa na siya. Lubos na nagalit ito kaya sinunog niya si Ohi’a
at siya ay naging sunog na puno lamang.
Le Hua - Siya ay ang magandang asawa ni Ohi’a, lubos na nagmakaawa ito na buhayin muli ang
kanyang asawa o gawin siyang halaman na nakadikit sa puno ni Ohi’a. Lumambot naman ang
puso ni Pele at ginawa niya itong magandang bulaklak na nakadikit sa puno ng kanyang asawa.

Lohi’au - Siya ay ang naging kasintahan ng dyosa ng apoy na si Pele. Nung nasugatan siya sa
kanilang paglalakbay, ginamot siya ni Hi’aka. Nagkalapit ang dalawa hanggang sa may nabuong
pagmamahal para sa isa’t isa.

Hopoe - Si Hopoe ay ang matalik na kaibigan ni Hi’aka. Dahil sa selos at galit ni Pele, sumabog
ang bulkan at dito namatay si Hopoe.

Kane-milo - Siya ay ang lalaking kapatid ni Hi’aka at Pele. Ibinalik niya muli ang kaluluwa ni
Lohi’au sa kanyang katawang lupa pagkatapos niyang mamatay.
Pinangyarihan

Tahiti - Isang isla na may maganda at matabang lupain. Nakatira dito ang Dyosa ng makalumang
kalupaan na si Haumea kasama ang kanyang asawa na si Kane Milohai, ang diyos ng kalangitan.
Dito rin naninirahan ang anim nilang anak na babae at ang pito na anak na lalaki. Nasunog ito
pagkatapos mapaglaruan ni Pele ang apoy.

Mauna Loa - Ang bundok sa isang isla na nahanap ni Pele. Dito sila nanirahan upang
makaligtas sa tubig ni Namaka. Nabuo at nabuhay ang bulkan dito pagkatapos gumanti ni Pele
kay Namaka.

Hawai’i or The Big Island - Isang isla na nabuo dahil sa pag putok ng bulkan pagkatapos
gumanti si Pele kay Namaka.

Kaua’i - Ang bagong isla na tinirahan nila Hi’aka at Lohi’au upang makaiwas sa galit at selos ni
Pele. Masaya silang nanirahan dito.

You might also like