You are on page 1of 3

Buod 1

May isang pamilya na nakatira sa Tahiti. Ang nanay ay si Haumea, ang diyosa ng makalumang kalupaan.
Ang tatay naman ay si Kane-Milohai, ang diyos ng kalangitan. Mayroon silang anim na anak na babae at
pitong anak na lalaki. Dalawa sa mga ito ay sina Pele at si Namaka. Si pele ay diyosa ng apoy, pero si
Namaka naman ay diyosa ng tubig. Nagkaroon ng matinding alitan na namamagitan sa kanilang dalawa
dahil naniniwala si Namaka na inagaw ni Pele ang kabiyak niya. Hindi naayos ng kanilang mga magulang
ang kanilang alitan. Hindi natupad ang kanilang solusyon dahil naakit si Pele sa apoy na nadiskubre niya
sa kailaliman ng lupa. Binabalaan siya ng kanyang ina na huwag makipag laro sa apoy, pero hindi siya
nakinig. Isang araw aksidenteng nasunog ang buong isla. Kaya umalis ang buong pamilya sa
pamamagitan ng isang Bangka. Nakatakas sila sa isang isla at duon na sila tumira. Dito napisa ang itlog
na naglalaman ng bunsong kapatid ni Pele, na ipinangalang Hi’iaka na itinuring na diyosa ng hula at ng
mga mananayaw. Naging tanyag at labis na humanga ang mga tao kina Pete at Hi’iaka dahil sa kanilang
kagandahan at husay sap ag sayaw na ikinainis ng apat na diyosang naninirahan din sa isla. Nagplano ang
apat na diyosa na paalisin sila sa isla. Kaya naman sa tuwing makapagpapatayo ng tahanan si Pele ay
binubugahan nila ito ng niyebe. Kaya napilitan ang pamilyang magpalipat-lipat ng tahanan. Sa huli ay
nakahanap si Pele ng isang ligtas na lugar, ito’y napakataas na bundok na tinatawag na Mauna Loa.
Ngunit hindi pa rin sumuko si Namaka pilit niyang pinapaabot ang along kanyang pinakakawalan. Hindi
nag patalo si Pele ginamit niya ang apoy upang makaganti kay Namaka. Upang mailigtas ang kanyang
pamilya, pinagliyab niya ang bundok na umabot ang init sa kalaliman at nagging dahilan ng pag putok na
nagging lava na lumabas sa tuktok ng bundok. Nang matuyo ito tinawag itong isla ng Hawaii o “the big
island”. Bagama’t nanalo siya sa laban nila ni Namaka namatay si Pele. Siya ay nagging espiritu at
nagagawa nitong baguhin ang sarili niya. Minsan siyay nagbabalatkayo, minsan ay isang napakagandang
dalaga. Minsan ay inakit nito ang making na si Ohi’a ngunit siya ay may asawa na si Lehua. Labis na
nanibugho si Pele kay Ohi’a kaya nagpakawala ito ng matinding apoy kaya si Ohi’a ay nagging isang
sunog na puno. Nagmakaawa siya kay Pele at dahil sa lumambot ang puso ni Pele ay ginawa niya si
Lehua na halamang may pino at magandang pulang bulaklak. Kaya mula noon hanggang ngayon kapag
may pumutok na bulkan ang nabuong lava unang unang sumisibol sa lupa ang magkadikit na puno at
Ohi’a at ang mga bulaklak ng Lehua. Kaya ang paniniwala sa Hawaii kapag maganda ang panahon
magkadikit ang mga ito ngunit kapag biglang umulan may paniniwala silang may pumipitas sa bulaklak
ng Lehua. Pinaniniwalaan nilang ang ulan ay luha ni Lehua na ayaw mawalay sa kanyang pinakamamahal
na si Ohi’a. ngunit hindi dito natapos ang pagiging selosa ni Pele. Ang naging sunod na biktima niya ay
ang pinakapaborito niyang kapatid na si Hi’iaka. Minsang naglalaro sina Hi’iaka at ang matalik niyang
kaibigang si Hopoe nang inutusan ni Pele na sunduin ni Hi’iaka ang kanyang kasintahang si Lohi’au.
Nagsimulang maglakbay si Hi’iaka sa mahaba at mapanganib na pag lalakbay. Nadatnan niyang halos
patay na dahil sa pagkakasakit si Lohi’au sa pagaakalang nakalimutan na siya ni Pele na balikan.
Tunulungan ni Hi’iaka na gumaling si Lohi’au na naging dalihan upang maging malapit ang loob nila sa
isa’t isa. Bagama’t nakadama ng pag ibig si Hi’iaka kay Lohi’au pinigil niya ito dahil ayaw niyang
masaktan ang kanyang ate Pele. Dahil sa paninibugho, nasunog ni Pele ang hardin na ipinagbilin ni
Hi’iaka na alagaan ni Pele, at maging ang kanyang matalik na kaibigang si Hopoe ay nag mistulang taong
bato. At dahil sag alit ni Hi’iaka hinagkan niya si Lohi’au na ikinamatay nito dahil sa lava na dumaloy
mula kay Pele. Huminge si Hi’iaka ng tulong sa kanyang kuya na si Kane-milo upang buhayin muli si
Lohi’au, at ng magkitang muli sila ni Hi’iaka ay nagpasya silang lumayo sa isla ng Hawaii upang
makaiwas sag alit ni Pele. Pinagsisihan ni Pele ang nagawa niya sa kanyang pinakamamahal na kapatid.
Mula noon, hinayaan na ni Pele ang kanyang kapatid na si Hi’iaka at Lohi’au na mamuhay ng tahimik at
payapa. Upang ipakita ang kanyang pagsisii biniyayaan niya ng masaganang pagsibol ang anumang
itanim sa kanilang lupain bilang pagpapakita ng pagmamahal sa kanyang bunsong kapatid na si Hi’iaka.

Buod 2
Sa isang masaganang lupain ng Tahiti, mayroong mag asawang nakatira kasama ang 6 na anak na babae
at 7 anak na lalaki, si Haumea na diyosa ng makalumang lupain at ina ng magkakapatid, at ang kanyang
asawa na si Kane Milohai na siyang diyos naman ng kalangitan.

Mayroong problemang kinakaharap ang mga anak ng mag asawa dahil habang tumatagal ay nawawala na
ang kapayapaan at katahimikan sa kanilang pamilya, ang sanhi nito ay ang alitan sa 2 anak na babae ng
mag asawa na si Pele, ang diyosa ng apoy at kanyang kapatid na si Namaka na siyang diyosa naman ng
tubig dahil sa paniniwala ni Namaka na inagaw ni Pele ang kanyang kabiyak.

Pilitin mang ayusin ng kanilang mga magulang ang alitan sa pagitan ng dalawa ay mas lalo lamang itong
napalala lalo na noong matuklasan at maakit si Pele sa apoy na siyang naging sanhi ng pagkasunog ng
kanilang tirahan, ang isla ng Tahiti na siyang lubos na ikinagalit ni Namaka kaya naman siya’y nagbanta
na papaalunin ang tubig sa buong isla upang lumubog ito. Sa takot ng kanilang mga magulang ay
nagpakalayo ang kanilang pamilya mula kay Namaka at isa pa sa misyon ni Pele na panatilihing ligtas
ang bunsong kapatid na noo’y nasa loob pa ng itlog.

Sa isang isla tumigil ang mag anak kung saan sila ay pansamantalang nanirahan, dito din napisa ang
bunsong anak na pinangalanang Hi`iaka na siyang diyosa ng hula at ng mga mananayaw. Labis na
hinahangaan ang dalawang magkapatid sa islang ito na siyang naging sanhi ng pagkainis sa kanila ng apat
na diyosa ng niyebe na nagbubuga ng nyebe sa tahanan ng pamilya kaya palipat lipat sila ng tahanan at
hindi rin sila nakatakas sa matataas na alon na pinadala ni Namaka. Kalaunan ay nakahanap rin si Pele ng
ligtas na lugar para sa pamilya, ito ay isang napakataas na bundok na tinatawag na Mauna Loa. ito’y pilit
parin inabot ni Namaka gamit ang mataas na alon at dito na nagamit ni Pele ang apoy upang makaganti
kay Namaka, dito ay nabuo ang Hawaii o “the big island”. Nanalo man ngunit dito din ay namatay si Pele
subalit ang kanyang espiritu ay nanatili at siya’y nagiiba-ibang anyo

Isang beses siya’y nagbalat kayo bilang isnag magandang dalaga kung saan ay nakakita siya ng isang
makisig na lalaki na nagngangalang Ohi`a at sinubukang akitin ito ngunit magalang na tumanggi ang
lalaki dahil mayroon na itong asawa na si Lehua at sa sobrang galit ay pinatamaan niya ng apoy si Ohi`a
na naging dahilan kaya naging puno ito at nagmakaawa naman ang asawa nitong si Lehua kay Pele na
gawin nalamang siyang halaman at ginawa naman ito ni Pele dala ng awa.
Hindi pa dito natapos ang pagiging selosa ni Pele, isa ang kaniyang kapatid na si Hi`iaka sa
napagbuntungan ng kanyang pagseselos at galit noong inutusan niyang sunduin ni Hi`iaka ang kanyang
bagong kasintahan na si Lohi`au na halos patay na nang matagpuan ni Hi`iaka. Habang hinihintay na
gumaling nang lubusan si Lohi`au ay unti-unting nagkalapit ang loob ng dalawa sa isa’t isa. Dahil sa tagal
ng pagbabalik ng dalawa ay hindi mapakali si Pele sa kinaroroonan niya at dahil sa selos ay galit ay
muling sumabog ang lava mula sa bulkan na siyang sumira sa hardin na binilin ni Hi`iaka kay Pele at
natabunan din ang kanyang matalik na kaibigan na si Hopoe. Malayo palamang ay tanaw na ni Hi`iaka
ang lupain kaya naman nang makita ang ginawa ni Pele ay niyakap at niyapos niya si Lohi`au bilang
paghihiganti sa galit na nararamdaman niya kay Pele. Namatay si Lohi`au dahil sa lavang nakaabot sa
kanya ngunit hindi namatay si Hi`iaka kaya naman humingi siya ng tulong sa panganay na kapatid na si
Kane-milo, isa ring diyos, upang ibalik ang kaluluwa ni Lohi`au sa katawan nito. Tinulungan naman siya
nito at pagkatapos ay nagpakalayo sila sa isla ng Hawaii at magkasamang pumunta sa isla ng Kaua`i at
doon magkasamang naninirahan upang magpakalayo kay Pele.

Labis na nagsisi si Pele sa kanyang mga nagawa sa kapatid na si Hi`iaka kaya naman hinayaan nalamang
niyang masaya at mapayapang manirahan ng magkasama si Lohi`au at Hi`iaka. Si Pele din ang may
kagagawan ng masaganang pagsibol ng pananim sa kanilang lupain bilang pagpapakita ng pagsisisi at
pagmamahal sa kapatid at walang kaalam alam si Hi`iaka tungkol dito.

- Maging mapag-pasensya
- Mahalin at pagkatiwalaan ang iyong pamilya at mga taong malapit sa'yo
- Huwag magisip ng masama sa kapwa.
- Matutong magpatawad at magpakita ng pagsisisi

You might also like