You are on page 1of 3

Pangalan: _________________________________________ Petsa: ________________________________

Baitang at seksyon: __________________________________ Guro: ________________________________

FILIPINO 10 (Ikalawang Markahan)


PAGSASANAY Blg. 1 (Mitolohiya ng Kanluran)
Panuto: Basahin at unawain ang Mitolohiya. Suriin ang akda at sagutin ang mga gabay na tanong sa huling bahagi.

Si Pele, ang Diyosa ng Apoy at Bulkan.


Mitolohiya mula sa Hawaii

Noong unang panahon, may naninirahan sa Tahiti ang mag-asawang si Haumea, ang diyosa ng
makalumang kalupaan at si Kana-Milohai, ang diyos ng kalangitan. Mayroon silang anim na anak na babae, at
pitong anak na lalaki. Dalawa sa mga ito ay sina Pele at Namaka. Si Pele ay diyosa ng “Apoy” at si Namaka
naman ay diyosa ng “Tubig”. Nagkaroon ng matinding alitan ang dalawa. Dahil naniniwala si Namaka na inagaw
ni Pele ang kabiyak niya. Hindi rin maayos ng mga magulang yung alitan nila. Hindi natupad ang kanilang
solusyon, dahil naakit si Pele sa apoy. Na nadiskubre niya sa ilalim ng lupa.“Napakaganda ng apoy, Ina. Bakit ba
ninyo ako pilit inilalayo?” Binalaan siya ng kaniyang ina na wag makipaglaro sa apoy, pero di siya nakinig.
“Mapanganib iyan sa iyo at sa iyong mga kapatid.” Isang araw,aksidenteng nasunog ang buong Isla ng Tahiti ng
dahil kay Pele. Kaya nagalit nang husto si Namaka at binalak na ilubog ang buong isla sa tubig. “Ah, hindi kayo
makalalayo! Susundan kita, Pele, kahit saan ka magpunta!”

Galit na galit na pagbabanta ni Namaka. Kaya umalis ang buong pamilya sa pamamagitan ng isang bangka.
Nakatakas sila sa islang iyon, at naghanap ng ibang islang matitirahan. Binigyan ng itlog ng magulang si Pele at
ito ang kaniyang kapatid. Ang itlog ay napisa at pinangalanang Hi’iaka, dahil sa kaniya nagmula ang hula na
isang sagradong sayaw. Na itinuturing na diyosa ng hula ang mga mananayaw. Naging tanyag at humanga ang
mga tao kina Pele at Hi’aka. Dahil sa kanilang kagandahan at husay sa pagsayaw. At ikinainis ito ng apat na
diyosa ng niyebe. At naisipan ng apat na paalisin sila sa isla. Kaya tuwing makapagpapatayo ng tahanan si Pele
ay binubugahan nila ito ng niyebe. Kaya napilitan ang pamilya na magpalipat-lipat ng tahanan. At sa huli,
nakahanap sila ng isang ligtas na lugar, may napakataas na bundok na tinatawag na Mauna Loa. Upang mailigtas
ang kaniyang pamilya, pinagliyab niya ang bundok na umabot ang init sa kailaliman at naging dahilan ng
pagputok, na naging lava na lumalabas sa tuktok ng bundok. Nang matuyo ito, tinatawag itong isla ng Hawaii o
“The Big Island” Nanalo man si Pele sa laban nila ni Namaka, namatay pa rin si Pele. Pero ang espiritu niya ay
nanatiling buhay. At nagagawa nitong baguhin ang sarili niya. Minsan siya’y nagbabalatkayo na isang
napakagandang dalaga.
Kaya inakit nito ang makisig na si Ohi’a, ngunit siya’y may asawa na nagngangalang si Lehua. Labis na
nanibugho si Pele kay Ohi’a kaya nagpakawala ito ng matindig apoy, kaya si Oh’ia ay naging isang sunog na
puno. Lubhang nagmakaawa si Lehua kay Pele “Maawa ka diyosang Pele, buhayin mo po ang asawa ko o gawin
mo na rin akong isang halaman upang magkasama na kami habambuhay. Hindi ko kakayaning mapawalay sa
kaniya, mahal namahal ko po siya” at dahil lumambot ang puso ni Pele, ay ginawa niya si Lehua na halamang
may magagandang bulaklak. Kaya mula noon hanggang ngayon, kapag may pumutok na bulkan at may nabuong
lava. Ang unang- unang sumisibol sa lupa ay ang magkadikit na puno ni Ohi’a at ang mga bulaklak ni Lehua.
Kaya ang paniniwala sa Hawaii, kapag maganda ang panahon nananatiling magkadikit si Ohi’a at Lehua. Ngunit
kapag umulan, may paniniwalang may pumitas sa bulaklak ng Lehua. At sinasabing ang ulan ay ang mga luha ni
Lehua na ayaw mawalay sa kaniyang pinakamamahal na si Ohi’a. Hindi nagtatapos ang pagiging selosa ni Pele.
Ang naging sunod na biktima niya ay ang pinakapaboritong kapatid.

Minsan naglalaro sina Hi’iaka at ang kaibigang si Hopoe, nang inutusan siya ni Pele na sunduin ang
kasintahan ni Pele na si Lohi’au. Pumayag si Hi’iaka, “Masusunod po, Ate Pele basta’t aalagaan mo lang aking
hardin.” Nagsimulang maglakbay si Hi’iaka sa mahaba at mapanganib na paglalakbay. Nang makita si Lohi’au,
ito’y halos patay na dahil sa sakit, sa pag-aakalang nakalimutang na siya ni Pele na balikan. Tinulungan ni Hi’iaka
na gumaling si Lohi’au, na naging dahilan upang maging malapit ang loob nila sa isa’t isa. Bagama’t nakadama
ng pag-ibig si Hi’aka kay Lohi’au, ay pinigil niya ito dahil ayaw niyang masaktan ang kanyang ate Pele. At dahil
sa tindi ng selos at galit, nasunog ni Pele ang hardin na ipinagbilin ni Hi’iaka. At maging ang kaniyang kaibigang
si Hopoe, ay nagmistulang taong bato. At dahil sa galit ni Hi’iaka, hinagkan niya si Lohi’au. Ngunit namatay rin
ito dahil sa lava na dumaloy mula kay Pele. Humingi ng tulong si Hi’iaka sa kaniyang kuya na si Kane-Milo
upang buhayin si Lohi’au. “Kuya, tulungan mo akong makuha ang kaluluwa ni Lohi’au sa kailaliman ng lupa”

At nang magkita silang muli, ay nagpasya silang lumayo sa isla ng Hawaii, upang makaiwas sa galit ni
Pele. Pinagsisihan naman ni Pele ang nagawa niya sa kaniyang kapatid. Mula noon, hinayaan na lamang ni Pele
ang kaniyang kapatid at si Lohi’au na mamuhay ng tahimik at payapa. Upang ipakita ang kaniyang pagsisisi
biniyayaan niya ng masaganang pagsibol ang anumang itanim sa kanilang lupain. Bilang pagpapakita ng
pagmamahal sa kaniyang bunsong kapatid na si Hi’iaka.
Mga Gabay na tanong:
1. Ano ang pangunahing paksa ng mitolohiya?
__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________

2. Sino ang mga tauhan sa akda?


__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________

3. Ano ang tunggalian na ipinakita sa akda at anong uri ng tunggalian ang nanaig?
__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________

4. Paano nasolusyunan ang suliranin sa akda?


__________________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________________

5. Bakit kinailangang lisanin ni Pele at ng kanilang buong pamilya ang kinagisnang tahanan?
__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________

You might also like