You are on page 1of 29

FILIPINO 10

G. JOHN RAY B. OBINA


2:30PM-3:10PM
CLASS RULES
 Kung ayaw making, UMALIS sa klase at HUWAG na pong pumasok.
 Pagpapasa ng mga gawain.
 Isang-linggo ang palugit para sa mga hahabol.
 Kung nais pumasa, magpasa.
 Google Classroom
 Group Chat –Filipino 10
PAKIKINIG at panunuod
PAGBIBIGAY
SALITA
Magbigay ng mga salita o grupo ng
mga salita na may kinalaman sa
pinanuod na maikling bidyo ng
Moana.
ANG MITOLOHIYA NG HAWAII
Si pele, ang dyosa
ng apoy at bulkan
PANIMULANG GAWAIN
A. Isama ang salita sa Hanay A sa isa sa mga salitang nasa Hanay B upang mabuo ang kahulugan ng mga
salitang nasa bawat bilang (p. 167).

1. bangkero
2. magbalatkayo
3. payapa
4. poot
5. tumanggi

HANAY A HANAY B
baguhin ang bangka
hindi anyo
matinding galit
tagagayod ng pamumuhay
tahimik na pumayag
PANIMULANG GAWAIN
Kilalanin ang kasingkahulugan ng salitang nakasalungguhit mula sa iba pang salita sa ikalawang
pangungusap. Bilugan ang salitang ito (p. 167).

1. Isang matinding alitan ang namagitan sa magkapatid na Pele at Namaka.


Ang kanilang awayan ay naging dahilan ng kawalang kapayapaan sa
kanilang tahanan.
2. Ang labis na paninibugho ni Namaka ay nagbunga ng pagdurusa para sa
kanilang pamilya. Matindi ang naidulot ng kanyang pagseselos nang walang
batayan.
3. Napagtanto ni Pele na mali ang kanyang ginawa. Dahil sa kanyang nalaman
ay gumawa siya ng paraan upang makabawi sa kapatid.
4. Nanirahan na lang sa ibang isla ang magsing-irog. Nais ng mag kasintahang
mapalayo sa galit ng diyosang si Pele.
5. Ipinagdamdam ni Hi'iaka ang ginawa ni Pele sa kanyang hardin.
Ikinalungkot rin niya ang pagkamatay ng kaibigan niyang si Hopoe.
Si pele, ang dyosa ng apoy at
ANG MITOLOHIYA NG HAWAII

bulkan

MAHALAGANG TANONG
Paano mapapanatili ang magandang samahan at
pagkakasundo ng mga magkakapatid? Bakit mahalagang
maayos ang relasyon ng mga magkakapatid?
ANG MITOLOHIYA NG HAWAII
Si pele, ang dyosa
ng apoy at bulkan
Takdang aralin
1. Basahing muli ang mitolohiya ng Hawaii na “Si Pele, ang Diyosa ng
Apoy at Bulkan” sa pahina 167-173.
2. Sagutan ang mga sumusunod:
a. PAYABUNGIN MO PA! sa pahina 173
b. SAGUTAN NATIN! Sa pahina 174-176 (Letrang A, B at C)

PAALALA: Sa walang aklat ay kopyahin at sagutan ang gawain. Hindi


makakapasok sa susunod na pagkikita ang walang sagot (Google
Classroom).
Ikalawang-araw
Talakayan at pagsasagot sa aklat.
PAGBABALIK-TANAW
Magbahagi kayo ng mga natatandaan ninyo
na pinagusapn natin noong nakaraang araw.
Mahalagang
Ano ang kadalasang
tanong
hindi niyo
pinagkakasunduan ng iyong kapatid?
Payabungin mo pa!
Isulat sa unang hanay ang mga salitang ikinahon mo sa akda. Ibigay ang kasing-kahulugan nito
gamit ang diksyunaryo o sa tulong konteksto sa pangungusap kung saan ito ginamit. Gamitin ito sa
makabuluhang pangungusap.

Salita Kahulugan Makabuluhang Pangungusap

Pahina 173
ANG MITOLOHIYA NG HAWAII
SI PELE, ANG DYOSA NG APOY AT BULKAN

Mga tauhan

HAUMEA KANE MILOHAI PELE NAMAKA


Dyosa ng Sinaunang Dyos ng Kalangitan
Kalupaan Dyosa ng Apoy Dyosa ng
at Bulkan Katubigan
ANG MITOLOHIYA NG HAWAII
SI PELE, ANG DYOSA NG APOY AT BULKAN

Mga tauhan

HI’IAKA OHI’A at LEHUA HOPOE LOHI’AU


Lalaking kinahumalingan
Dyosa ng Hula at ni Pele; Lehua na asawa ni Isang mortal na Bagong kasintahan ni
Mananayaw Ohi’a kaibigan ni Hi’iaka Pele na may lihim na
pagtingin kay Hi’iaka

KANE-MILO
Kapatid nila Pele na may kakayanang bumuhay
ng namatay sa pamamagitan ng agkuha ng
kaluluwa sa kailalaliman ng lupa.
Pagtalakay sa nabasang kwento
Paano mailalarawan ang pamilya nina diyosang Haumea
at diyos Kane Milohai noong una? Ano ang naging
kaugnayan nina Pele at Namaka sa pagbabago ng
kalagayan ng kanilang pamilya?
Pagtalakay sa nabasang kwento
Bakit kinailangang lisanin ni Pele at ng kanilang buong
pamilya ang kinagisnang tahanan?
Pagtalakay sa nabasang kwento
Maliban sa paggaod sa bangka, anong mahalagang bagay
pa ang ipinagkatiwala ng mga magulang kay Pele? Ano
ang pinatunayan ng pagtitiwalang ito sa pagkatao ni
Pele?
Pagtalakay sa nabasang kwento
Saan napadpad ang pamilya ni Pele? Ano-ano ang mga
pinagdaanan nila bago narating ang tirahan sa bundok ng
Mauna Loa?
Pagtalakay sa nabasang kwento
Paano ipinakita ni Pele ang labis na pagmamahal at
pagtatanggol sa kanyang pamilya?
Pagtalakay sa nabasang kwento
Paano nabuo ang kalupaan sa palibot ng Mauna Loa na
kalauna'y naging Isla ng Hawaii o tinatawag ding "The
Big Island"?
Pagtalakay sa nabasang kwento
Saan nagmula ang halamang ohi a lehua? Ano ang
kinalaman ni Pele sa pangyayaring ito?
Pagtalakay sa nabasang kwento
Sa paanong paraan pa nakaapekto sa iba ang labis na
pagiging mainitin ang ulo at selosa ni Pele?
Pagtalakay sa nabasang kwento
Ano sa palagay mo ang naramdaman ng magulang nina
Pele at Namaka sa nangyari sa relasyon nilang
magkapatid na nakaapekto na rin sa buong pamilya?
Kung ikaw ang magulang nila, ano ang gagawin mo sa
una pa lang upang hindi na umabot sa ganito ang mga
pangyayari?
MAHALAGANG
TANONG:
Paano mapapanatili ang magandang samahan at
pagkakasundo ng mga magkakapatid? Bakit mahalagang
maayos ang relasyon ng mga magkakapatid?
mitolohiya
Mythos (Griyego) = pabula o alamat
Ang mitolohiya ay ang sinaunang kwentong may
kaugnayan sa paniniwala o pananampalataya at nagtataglay
ng tauhang karaniwang diyos at diyosa na may
kapangyarihang hindi taglay mortal.
mitolohiya

Hapon
Griyego
Ehipto
Mitolohiyang Pilipino

You might also like