You are on page 1of 6

SURING PELIKULA

(Moana)

Alvis-Jo V. Fallurin
8-Poplar
Proyekto sa Filipino
Moana

I.Panimula:
Ang palabas na Moana ay isang makalumang Polynesia na dahil kay demigod Maui ay
nagkaroon ang sumpa sa buong isla kasama ng islang Motonui, na isla ni Moana, na
ang babaeng mag-aayos ng problemang ito.

II.Kuwento/Banghay/Buod:
Si Tala (lola ni Moana) ay nagkukwento ng mga nangyare dati bago mabuo ang daigdig
at kinuwento niya rin ang pagkahulog ng fish hook ni Maui at ang puso ni Te Fiti sa
karagatan ng maglaban sina Te Ka at Maui. Ipinaalam niya rin sa mga batang nakikinig
(kasama si Moana at bata pa lang siya) na naging sumpa ang pag-alis ng puso ni Te
Fiti sa kanyang katawan at nagsilabasan ang mga halimaw. Kaya naman nagsitakutan
ang mga bata maliban kay Moana. Sinabi pa ni Tala na mayroong tao na pipiliin para
hikayatin sa Maui na ibalik ang puso ni Te Fiti. Biglang dumating si Hepeng Tui (tatay ni
Moana) sinasabing hindi totoo ng mga halimaw basta hindi lalampas at pupunta malapit
sa bahura ang mga tao. Hanggang sa naging dalaga si Moana at tinanyagan siya ng
tatay niya bilang hepe sa islang Motunui.

Naging maayos ang pamumuno ni Moana, pero nagkataon na nabulok ang mga
pananim ng mga buko at walang makuhang isda ang mga tao. Ang sinabi naman ni
Moana ay pumunta lampas sa bahura na ikinagalit ng kanyang tatay dahil dilikado sa
lugar na iyon. Nagalit naman si Moana dahil inisip niya na para lang naman iyo sa
ikabubuti ng buong isla. Ipinaliwanag ni Sina (Nanay ni Moana) na ang kaibigan ng
tatay ni Moana ay namatay dahil pumunta sila sa karagatan. Pero dahil gustong
malaman ni Moana kung totoo iyon ay pumunta siya kasama ang kanyang baboy na si
Pua ,lagpas sa bahura at masyado malakas ang agos ng tubig at nawala ng balanse
ang bangka ni Moana kung kaya’t bumalik siya sa islang Motonui at nalaman ni Tala.
Hindi sinabi ni Tala ang tungkol sa ginawa ni Moana at sinamahan ni Tala si Moana sa
kuweba kung saan malalaman ni Moana ang katotohanan. Sinabi ni Moana ang tungkol
sa nakita niya sa kuweba sa buong village at siya ang makakapagbalik ng puso ni Te
Fiti. Nagalit ang tatay ni Moana dahil baka may mangyaring masama kay Moana. Bigla
na lang napatawag ang isang mandirigma ng isla at sinabing nasa kubo si tala at
parang mamamatay na. Pumunta si Moana at binigay ulit ng lola niya sa kanya ang
kuwintas nito na naglalaman ng puso ni Te Fiti at sinabing umalis na siya at iligtas ang
isla. Nag-ayos ng mga kagamitan si Moana at tumulong din ang kanyang nanay.
Pagkatapos, umalis na si Moana at nagulat na kasama niya pala ang alagang tandang
na si Hei Hei. Dahil pinili si Moana ng karagatan para ibalik ang puso ni Te Fiti ay
timutulungan siya nito para mapuntahan ang mga lugar na kanyang mga lalakbayin.
Pero bigla na lang lumakas ang alon ng tubig sa karagatan at tuluyang natumba ang
bangka ni Moana at nalunod. Kinabukasan, nagising siya na nasa isang isla at kasama
niya si Hei Hei. Tiningnan niyang mabuti ang lugar kung saan siya dumako at nalamang
nasa isla pala siya ni Maui (isang demigod na magaling na maglayag sa karagatan).
Sinalubungan siya ng kanta ni Maui pero niloko siya nito at kinulong siya sa isang
kuweba na hinarangan ng mga bato at tumakas si Maui gamit ang bangka ni Moana.
Nakatakas si Moana at hinabol si Maui at nakaabot naman. Ang puso ni Te Fiti ay na
kay Maui na kinamumuhian niya dahil sa pusong iyon, nahulog sa karagatan ang fish
hook at madaming masasamang bagay na nangyare sa buhay niya katulad ngayon,
may mga dumating na mga small coconut creatures/Kakamora at sinalakay ang
kanilang bangka. Lumaban sina Maui at Moana dahil kinuha si Hei Hei ng mga malilit
na mga pirata. Nailigtas niya si Hei Hei. Dahil pasaway si Maui, ang tirang pana ay
tinusok kay Maui at hindi na makatayo ito at sinabi na lang kay Moana ang daan para
makuha ang fish hook ni Maui. Nakarating na sila sa Lalotai na kung saan matatagpuan
ang mga halimaw at lokasyon ng kanyang fish hook.

Pumunta na sila sa tirahan ng Tamatoa (isang nilalang na mahilig kumuha ng mga


kumikinang na mga bagay). Ginamit ni Maui si Moana para guluhin si Tamatoa. Habang
ginugulo naman ni Moana si Tamatoa ay kinukuha ni Maui ang kanyang fish hook na
nasa tuktok ng talupan ng Tamatoa. Mahorap na sitwasyon ang kinaharap nila dahil
nahihirapan na kuhanin ni Maui ang hook niya. Sa kabutihang palad, naghagis ng
makinang na bagay si Moana na ikinaagaw ng atensyon ni Tamatoa at nakuha ang fish
hook ni Maui. Nakumbinsi na ni Moana si Maui para ibalik ang puso kay Te Fiti, kaya
pumunta na sila sa islang kakalabanin si Te Ka. May babala lamang si Maui na hindi
niya mtatalo si Te Ka gamit ang kanyang hook. Pero tumuloy sila sa paglalakbay at
binigay ni Moana ang puso kay Maui para ibalik. Katulad nga ng sabi ay natalo sila at
medyo nasira ang fish hook ni Maui dahil nakipaglaban pa siya kay Te Ka. Nagalit si
Maui kay Moana dahil hindi siya nakikinig sa kanya. Nagkatawang agila si Maui at
umalis mag-isa si Moana. Nalungkot si Moana at sinisi ang karagatan na kung bakit
siya ang pinili bilang tagapagbalik ng puso ni Te Fiti at hindi na lang ibang tao. Tinapon
niya ang puso sa karagatan at nanlumo. Bigla na lang nagpakita ang kaluluwa ng
kanyang lola at sinabi sa kanya na kaya niyang gawin iyon at palaging kasama niya ang
kanyang lola sa bawat lakbay niya. Nagpakita din ang mga kaluluwa ng kanyang mga
ninuno at hinihikayat si Moana na kuhanin ang puso sa ilalim ng karagatan. Bumalik
ang lakas ng loob ni Moana at kinuha ang puso. Bumalik si Moana sa isla ni Te Fiti at
nakipaglaban kay Te Ka. Pero pagdating niya sa isla ni Te Fiti ay ang Nakita niya ay
bakat ni Te Fiti. Pero napansin niya ang pilipit na simbolo na nasa dibdib ni Te Ka at
kinausap ang karagatan na bigyang daan si Te Ka at alisin ang mga tubig na
nakapalibot. Pero bago yun ay biglang dumating si Maui at kinalaban si Te Ka at
tuluyang nasira ang fish hook nito. Pero ng nakipag-usap ng masinsinan kay Te Ka na
hindi siya ang inaakala sa kanyang sari at nawala ang mga nagbubughang mga apoy
sa katawan at nilagay ni Moana ang puso pabalik sa kanya. Nawala ang pagkabato ni
Te Ka at siya ang diyos na si Te Fiti. Kaya naman bumalik ang pagkaberde ng buong
isla at nagsilaguhan ang mga pananim at mga halaman. Nagpasalamat si Te Fiti at
humingi ng kapatawaran si Maui sa kanyang ginawa at binigyan ng gantimpala ng
panibagong fish hook at lahat naging maayos. Pagkatapos ng mga nangyareng iyon ay
nakatulog na ng maayos Te Fiti para sa kanyang kamatayan. Bumalik na si Moana sa
islang Motunui at lahat ng mga isla ay naging berde at lumago ang mga halaman at
nagkaroon ng mga malulusog na mga pananim.

III. Karakter/Gampanin:
Moana Waialiki - anak nina Sina at hepeng Tui; nagboses: Auli’I Cravalho (Bida)
Demigod Maui - nagboses: Dwayne Johnson (Kontrabida na naging mabait sa
dulo ng storya)
Hei Hei – isang tandang na sumama kay Moana sa paglalakbay; nagboses: Alan
Tudyk
Tamatoa – isang halimaw na mahilig sa mga makikinang na mga bagay;
nagboses: Jemaine Clement
Lola Tala – lola ni Moana na may alam ng mga nangyare bago umitim ang islang
Te Fiti; nagboses: Rachel House
Taga-nayon – nagboses: Philipa Soo
Fisherman – nagboses: Oscar Kightly
Kakamora – mga maliliit bukong nilalang
Te Fiti – goddess who made all islands
Te Ka – goddess of fire

IV. Lunan at Panahon:


Ang storyang Moana ginanap sa sa isla ng Motunui, isla ni Te Fiti at karagatan. Ang
panahon na pinangyarihan ng storya ay noong unang panahong Polynesia. Panahon
din ng tag-araw.

V. Sinematograpiya:
Ang pagkakagawa ng animasyon ay astigin at ang bawat detalye ng lugar ay
pinapakita. Organisado rin at ang ilaw na pinapakita sa palabas ay nasa eksaktong
posisyon sa mga mukha ng mga tauhan, katulad ng kapag gabi ay medyo madilim ang
pagkalagay ng manlilikha. Kahit maaraw at gumabi sa eksena ay kitang-kita ang lugar
na pinangyayarihan ng istorya.
Direktor: Ron Clement, John Musker
Sinematograpiya: Rob Dressel, Adolph Lusinsky
Producer: Osnat Shurer
Screenplay ni: Jared Bush
Production companies: Walt Disney Pictures, Walt Disney Animation Studios
Distributed by: Walt Disney Studios Motion Pictures

VI. Iskoring sa Musika:


Mga magagandang kanta ang mga nilahad sa palabas at organisado ang pagkakaayos
sa mga tunog na mangyayare bawat eksena. Pangmodernong paraan ang bawat
musika na maitutugtog sa palabas. Mararamdaman mo ang iba’t ibang emosyon sa
musika na kinakanta ng bawat tauhan. Kung nakakaenganyo, masaya ang itutugtog,
pagmalungkot naman ay mararamdaman sa musika na nakakalungkot talaga ang
nangyayare sa eksena.
Kanta ginawa nina: Lin-Manuel Miranda, Opetaia Foa’i
Iniskoring ni: Mark Mancina

VII. Pag-eedit:
Napakaganda ng pagkakaedit dahil ang bawat kilos at galaw ng mga tauhan ay nasa
maayos na paraan. Hindi nahuhuli ang musika sa bawat mga pangyayari. Tamang oras
at panahon ang mga ipinapakita sa palabas. Naging sulit ang ginamit na oras para
paghirapan na guhitan ang mga eksena at nakayanan na i-edit ang boses ng mga
nagsiganapang artista sa mga tauhan para maisalita ang mga diyalogo ng maganda.
Nag-edit: Jeff Draheim

VIII. Kabuuang Direksiyon/Kahusayan ng Direktor:


Nailahad ang mga eksena ng may dating at hindi magulong tingnan. Madaling intindihin
ang mga sumusunod na mga pangyayari. Nasa tamang oras ang bawat pagkanta ng
mga tauhan sa mga nangyayari. Marunong at alam na alam ang istoryang kalalabasan.
Naging astigin ang pakikipaglaban ng bida sa mga kalaban. Ang pagkakasunod ng mga
pangyayari ay nagbigay aliw sa mga manonood.

IX. Tema:
Ang pinakatema ng storya ay mas lalong mapalawak ang pagkakadiskubre sa mga isla
at malaman tungkol sa kanila.

Pamantayan sa Pagmamarka ng Suring Pelikula:


Nilalaman: 10 pts
Pagsusuri: 10 pts
Pagkakaayosng pagsusuri at pagsunod sa balangkas na ibigay: 5 pts
Malikhain: 5 pts

You might also like