You are on page 1of 2

Magmula nang nakawin mula kay Te Fiti, ang dyosa ng isla, ang isang pounamu stone na nagsisilbi nitong

puso ay hindi

na naging maganda ang turing ng dagat sa mga mamamayan nito.

Ilang taon ang lumipas na ganito ang naging pamumuhay ng mga nananahan sa isla. Ngunit ang lahat ng ito ay

nakatakdang magbago sa pagdating ni Moana (Auli'i Cravalho), ang kaisa-isang anak ng lider ng Motunui. Si Moana ang

napili ng dagat na siyang magsauli sa puso ni Te Fiti upang manumbalik na sa dati ang lahat. Ngunit hindi pabor dito ang

kaniyang amang si Tui (Temuera Morrison) na umaasa na sana'y ang anak ang papalit sa kaniyang iiwanang puwesto

katulad ng nakaugalian ng kanilang angkan.

Sa paglala ng problemang kinakaharap ng kanilang isla ay wala nang ibang maisip si Moana na solusyon dito kundi

sundin ang nais ng dagat. Sa tulong ng demigod na si Maui (Dwayne Johnson) na siyang dahilan ng lahat ay susuungin ng

dalawa ang bangis ng karagatan maibalik lamang ang puso ng karagatan kay Te Fiti.

Cute at kaaya-aya ang animation ng Moana. Refreshing sa mata dahil sa paggamit nito ng mga kulay na kumakatawan sa

kalikasan. Maganda rin ang soundtrack ng pelikula, nandoon parin ang pagiging magical nito tuwing napapakinggan,

mapapa-indak ka at pagagandahin nito ang mood ng bawat makakarinig ng mga kantang ginamit dito.

Pagdating sa kuwento, maihahalintulad ko ang naging adventure nila Moana at Maui sa naging adventure ni Kubo sa

Kubo and the Two Strings (2016), may mangilan-ngilang pagkakapareho ang tinahak na istorya ng dalawang palabas. Ang

kaibahan nga lang ay mas makulit si Moana, at mas may puso ang kuwento nito kahit na minsan ay mabu-buwisit ka kay

Maui.

Maraming epic moments ang Moana na talaga ikaka-enjoy ng mga nanonood bata man o matanda. Katulad ng mga

nagdaang Disney movies ay makukuha parin nito ang pulso ng madla dahil sa magandang visuals nito na hinaluan pa ng

mga kantang masarap sabayan. Bukod dito ay may istorya itong papatawanin ka, may kaunting kirot sa puso, at ang

pinakamahalaga sa lahat ay may aral itong dulot sa manonood.

You might also like