You are on page 1of 10

WMSU-ISMP-GU-001.

00
Effective Date: 7-DEC-2016

Paza, Luke Rogel C.


BS CRIM 1B
EKO-
PELIKULA
EKO- PELIKULA 1

“Wall-E”
Binuod ni Sitti Aisha G. Toto

Ang Wall-E ay isang computer-animated science fiction na ipinalabas noon


2008 na ginawa ng Pixar Animation Studios para sa Walt Disney Pictures. Ito ay
sinulat at pinangasiwaan nina Andrew Stanton at Jim Morris. Ang pelikulang ito ay
tungkol sa ating mundo na inabanduna at ginawang tambakan ng basura sa loob ng
pitong daang taon.
Ang kuwento ay naganap sa dalawampu’t siyam na siglo, kung saan, dahil sa
kapabayaan at walang pagpapahalaga ng tao, ang mundo ay naging tambakan ng
basura at walang makikitang tao o hayop na naninirahan dito. Pinili ng tao na
manirahan sa kalawakan, gamit ang isang sasakyang pangkalawakan, nagawa ng taong
manirahan sa labas ng mundo sa loob ng pitong daang taon.
Ang mga tanging naiwan lamang sa mundo ay mga robot na nilikha upang linisin
ang mundo, ngunit isa lamang ang natirang robot na nagpatuloy sa kanyang tungkulin.
Ito ay si Wall-E. Ang robot na si Wall-E ay araw-araw na nangongolekta ng basura at
tinitipon ito. Nangongolekta rin siya ng mga bagay na maaari pang pakinabangan.
Kasa-kasama palagi ni Wall-E ang isang ipis na kanyang naging kaibigan. Madalas na
libangan ni Wall-E ay ang panonood sa telebisyon ng mga taong nagsasayawan at
nagmamahalan, ang bagay na gawa sa bakal ay nakakaramdam din ng kalungkutan at
pagkasabik na magkaroon kapareha.

Hanggang isang araw may isang sasakyang pangkalawakan ang lumapag sa


mundo upang ihatid ang isa pang robot na nagngangalang Eve, ang pangunahing
misyon ni Eve ang maghanap ng buhay na halaman upang malaman ng tao sa
kalawakan na maaari silang bumalik at mamuhay muli sa mundo. Sa unang tingin pa
lamang ni Wall-E ay agad na nahulog ang kanyang loob sa napakagandang si Eve,
walang araw na hindi sinusundan ng robot ang kanyang napupusuan. Naging
magkalapit ang loob ng dalawa ngunit hindi ito nagtagal sapagkat, si Eve ay
nagtagumpay sa kanyang misyon. Natagpuan niya ang bagay na kanyang hinahanap
kaya ang inang sasakyang pangkalawakan na tinatawag na Starliner Axiom ay
sinundong muli si Eve. Sa kagustuhang hindi malayo kay Eve, si Wall-E ay palihim na
sumama sa kalawakan, sa tirahan ni Eve. Sa kabilang dako naman, ang mga tao sa
kalawakan ay naging tamad at inaasa na lamang ang lahat ng gawain sa mga robot
gaya ng pagpapatakbo sa kanilang sasakyan at transportasyon sa loob ng sasakyan.

1
WMSU-ISMP-GU-001.00
Effective Date: 7-DEC-2016

Ang pagkakatagpo sa halaman ni Eve ay naging banta sa kapitan at pinuno ng


sasakyang pangkalawakan sapagkat hindi na nais pang bumalik sa mundo ni kapitan. Sa
kagustuhan ng kapitan na mawala ang banta, inutusan niya ang kanyang robot na kunin
at wasakin ang halaman. Ngunit nabigo ang kapitan sa masama nitong balak sapagkat
iniligtas ni Wall-E ang halaman at sa huli, pagkalipas ng pitong daang taon muling
nagbalik ang mga tao sa mundo upang muling buhayin ang mundong matagal ng
nahimlay. Si Wall-E at Eve ay nagdiwang sa kanilang tagumpay.
Ang mga tao at ang robot ay nagtulungan upang muling maibangon ang mundo.
Natuto ang tao at robot na mangisda, magtanim at lumikha ng bagong sibilisasyon. Ang
mundo ay muling nagbalik sa kanyang luntiang ganda.

GAWAIN 1.1

Suriin ang binasang buod ng eko-pelikula at ito ay susuriin sa pamamagitan ng mga


sumusunod ;

A. Paglalarawan sa mga tauhan

Sila Wall-E at Eve mga robot na inatasan ng mga tao na may kanyany-kanyang mga
mission sa mundong nakun saan inabandona na ng mga tao ang planetang earth.

B. Tagpuan

Sa planetang earth na kung saan ay sinirana ng mga tao at ginawang imbakan ng mg


abasura sa loob ng pitong daang taon.

C. Tunggalian

Ng nakipag away ang mga tauhan sa kuwento kung papaano nila maililigtas ang halaman
na gustong sirain ng kapitan ng sasakyang pangkalawakan na tinatawag na Starliner
Axiom.

D. Kasukdulan

Nailigtas ni Wall-E ang huling halaman sa kamay ng masamang kapitan.

E. Kakalasan

2
WMSU-ISMP-GU-001.00
Effective Date: 7-DEC-2016

pagkalipas ng pitong daang taon muling nagbalik ang mga tao sa mundo upang muling
buhayin ang mundong matagal ng nahimlay.

F. Mensahe

Alagaan natin ang atin mundo dahil sa huli ay tayo parin ang makikinabang at
maaapektuhan kung masisira ang mundong ating ginagalawan.

G. Kaugnayan sa ekokritisismo

Nagtuturo na dapat pangalagan ang kapaligiran kasi sa huli tayo at tayo rin ang
maaapektohan.

H. Resolusyon

Natuto ang tao at robot na mangisda, magtanim at lumikha ng bagong sibilisasyon. Ang
mundo ay muling nagbalik sa kanyang luntiang ganda.

GAWAIN 1.2

Gumuhit ng larawan ng isang tao at robot. Paghambingin ang kanilang kakayahang gumawa ng
mga bagay-bagay.

TAO ROBOT

Tao- ang mga nilalang na inutusan ng dios upang pagalagan ang mundong nilikha.
Robot- mga nilikha ng tao upang magbigay tulong sa mga tao at sa kanilang mga suliranin.

3
WMSU-ISMP-GU-001.00
Effective Date: 7-DEC-2016

EKO- PELIKULA 2

“Happy Feet”
Binuod ni : Sitti Aisha G. Toto

Ang pelikulang ito ay ukol sa isang batang penguin na nagngangalang Mumble na


ipinanganak na kakaiba sa kanyang lahi. Si Mumble ay hindi biniyayaan ng talento sa pag-
awit na napakahalaga sa mga penguin. Bagkus si Mumble ay pinagkalooban ng talento sa
pagsayaw na wala pang penguin ang nagtaglay nito. Nang matuklasan ng kanyang inang si
Norma ang pagkakaiba ni Mumble ay tinanggap niya ang pagiging kakaiba ng kanyang anak
taliwas dito ang kanyang ama na si Memphis na hindi tanggap ang kanyang pagkakaiba.
Lubos na ikinalungkot ng mga magulang ni Mumble ang natuklasan sapagkat ayon sa kultura
ng mga penguin, ang sinumang penguin ang hindi marunong umawit ay hindi kailanman
makakatagpo ng tunay na pag-ibig. Kakaiba mang maituturing ang penguin na si Mumble ay
may isang penguin na tanggap ang kanyang pagkakaiba at kinagigiliwan ang kanyang
talento. Ang nag-iisa niyang kaibigan na si Gloria. Si Gloria ang kilala sa kanilang bayan na
may pinakamagandang tinig kaya siya ay kinahuhumalingan ng lahat, lalo na si Mumble na
may lihim na pagtingin sa kaibigan. Ang pagiging kakaiba ni Mumble ay kinakagalit ng
pinuno nila, ang emperador ng mga penguin na si Noah.
Sa nakalipas na taon ang mga penguin sa bayan ni Mumble ay nakaranas ng taggutom
kung saan, wala na silang halos mahuling isda sa karagatan at dahil dito sinisi ni Noah ang
kamalasan na ito sa pagiging kakaiba ni Mumble at agad siyang pinaalis sa kanilang bayan.
Napilitan si Mumble na lisanin ang kanyang tahanan kahit siya ay pinigilan ni Gloria at ng
kanyang ina, ay mas pinili na lamang niyang umalis at nangakong aalamin ang sanhi ng
pagkaubos ng isda sa karagatan. Sa kanyang paglalakbay, napadpad siya sa isang bayan kung
saan, nakilala niya ang Adelie Amigos, ang tatlong magkakaibang penguin na mahilig
umawit at sumayaw tulad niya. Ang Adelie Amigos na pinamumunuan ni Ramon ay naging
kasa-kasama niya sa kanyang paghahanap ng kasagutan sa suliranin ng kanilang bayan. Sa
kagustuhan na malaman ang totoo, si Mumble ay nagtungo kay LoveLace, ang tagapayo na
kayang sagutin ang anumang katanungan ukol sa buhay kapalit ng isang maliit na bato.
Kasama ang bagong nakilalang kaibigan at si Lovelace, sila ay nagtungo sa isang lugar kung
saan nila matatagpuan ang sagot sa kanilang tanong ukol sa pagkawala ng mga isda.
Sa haba ng kanilang paglalakbay sa wakas ay natagpuan na rin ni Mumble ang susi sa
kanilang suliranin. Nasaksihan niya ang pangingisda ng mga tao kaya naman sinundan niya
ang sasakyang pangkaragatan ng tao upang tanungin kung bakit kinukuha ng tao ang
kanilang pagkain. Iniwan ni Mumble ang mga kaibigan upang maglakbay ng mag-isa sa
malawak na karagatan upang matulungan ang kaniyang mga kalahi. Sa paglisan ni Mumble,
bumalik ang mga kaibigan niya at ikinuwento sa kanyang kalahi ang kanyang katapangan.
Matiyagang naghihintay sa kaniyang pagbabalik ang kanyang mga kaibigan at pamilya. Sa
kabilang dako naman, kinupkop ng tao si Mumble at inilagay sa isang Aquarium at dahil sa
kanyang angking talento sa pagsayaw napabilib niya ang mga tao. Sa kanyang pagbabalik ay
muli ring nagbalik ang kasaganahan sa kanilang bayan.

4
WMSU-ISMP-GU-001.00
Effective Date: 7-DEC-2016

GAWAIN 2.1

Suriin ang binasang buod ng eko-pelikula at ito ay susuriin sa pamamagitan ng mga


sumusunod ;

A. Paglalarawan sa mga tauhan


Mga penguin na may mga talent sa pag-awit, may isang penguin lamang ang naiiba at na
biyayaan ng talento sa pag-sasayaw.

B. Tagpuan
Sa isang lugar na kung asan puro yebe at yelo ang iyong makikkta.

C. Tunggalian
nakaranas ng taggutom kung saan, wala na silang halos mahuling isda sa karagatan at
dahil dito sinisi ni Noah ang kamalasan na ito sa pagiging kakaiba ni Mumble at agad siyang
pinaalis sa kanilang bayan.

D. Kasukdulan

Nasaksihan niya ang pangingisda ng mga tao kaya naman sinundan niya ang sasakyang
pangkaragatan ng tao upang tanungin kung bakit kinukuha ng tao ang kanilang pagkain.

E. Kakalasan
. Sa paglisan ni Mumble, bumalik ang mga kaibigan niya at ikinuwento sa kanyang kalahi ang
kanyang katapangan. Matiyagang naghihintay sa kaniyang pagbabalik ang kanyang mga
kaibigan at pamilya

F. Suliranin
Sila ay nakaranas ng taggutom kung saan, wala na silang halos mahuling isda sa
karagatan.

5
WMSU-ISMP-GU-001.00
Effective Date: 7-DEC-2016

G. Solusyon
Dahil sa ginawa ni Mumble ay bumalik ang kasaganahn ng karagatan, kapalit ang
kanyang kalayaan. kinupkop ng tao si Mumble at inilagay sa isang Aquarium at dahil sa kanyang
angking talento sa pagsayaw napabilib niya ang mga tao. Sa kanyang pagbabalik ay muli ring
nagbalik ang kasaganahan sa kanilang bayan.

H. Kaugnayan sa ekokritisismo
Ang pelikula ay may kaugnayan sa ekokritisismo dahil ito ay nagpapakita ng kuwento na
kung saang ang mga tao ay labis labis na ang pangigisda at nauubusan na ng pagkain ang
mga penguin.

I. Mensahe
Lahat na ating ginagawa ay may epekto sa hinahap at ang mga epekto na ito ay naka
depende kung ano at papaano nating ginawa ang isang bagay.

6
WMSU-ISMP-GU-001.00
Effective Date: 7-DEC-2016

GAWAIN 2.2

Sumulat ng isang refleksyon tungkol sa binasang eko-pelikula na may pamagat na “ Happy


Feet ”.

Ang pelikulang “Happy Feet” ay isang kuwento


tungkol sa isang maliit na penguin na nagngangalang “Mumble”. Dito sa
lipunang pinangiikutan ni “Mumble” makikita na lahat ng miyembro ng
komunidad ay nagbibigay halaga sa pagkanta, para mas maging tiyak, ang
pagkanta ng “heart song”. Ang “heart song” ay itinuturing ng lipunan
bilang “mating song” o ang kanta para sa iniibig. Kapag ang isang
miyembro ay wala nito, hindi niya mahahanap ang kanyang kasintahan.
Subalit ang pangunahing tauhan na si “Mumble” ay hindi lamang walang
“heart song” siya ay hindi rin marunong kumanta. Pero may kakaibang
talento naman siya na wala ang iba, siya ay magaling sumayaw. Ngunit
dahil sa pagkakaiba niya sa kanyang mga kasama, siya ay hindi tinanggap
ng lipunan at pinaalis sa komunidad.

Batay sa maikling buod ng pelikula, mahirap sabihin na ito ay


makokonsiderang historikal. Marahil dahil kapag sinabi na ang isang
teksto ay historikal, pumapasok kaagad sa isip ng tao ay, mahahabang
sanaysay ukol sa mga araw-araw na gawain ng mga tao sa isang partikular
na panahon ng kasaysayan. Subalit ayon sa “The History In The Text” ni
Mojares, hindi kailangang may nakasulat na kasaysayan sa teksto para
masabing historikal ito, maaring makita ang pagiging historikal nito sa
iba’t ibang aspeto ng teksto tulad ng estruktura, banghay, at tauhan. Kaya
sa mainam na pagsuri ng pelikula, aking napansin na makikita sa iba’t
ibang elemento nito ang impluwensiya ng kasaysayan. Naipakita sa
pelikulang “Happy Feet” ang bahid ng kasaysayan sa pamamagitan ng:
isyu ng pag-abuso ng tao sa kalikasan sa tema, hindi pag tanggap ng mga
tao sa pagkakaiba ng pangunahing tauhan sa problema ng pelikula.

7
WMSU-ISMP-GU-001.00
Effective Date: 7-DEC-2016

MGA BATAS
PANUTO : Pag-aralang mabuti ang bawat larawan at tukuyin ang batas pangkalikasan na
Kanilang nilalabag. At ipaliwanag ang batas.

1. 4.

System Act of 1992. Kumikilala ang Republic Act 8749. Kilala din ito sa
batas na ito sa mahigpit at istriktong tawag na Philippine Clean Air Act of
kahalagahan ng pagpapanatili sa mga 1999. Ang batas na ito ay itinataguyod ng
likas na biyolohikal at pisikal na Estado bilang isang patakaran upang
pagkakaibaiba sa kapaligiran. mapanatiling balanse ang pagitan ng
kaunlaran at pangangalaga ng kalikasan.
Kinikilala rin ng Estado ang karapatan ng
mga mamamayang makalanghap ng
malinis na hangin mula sa kalikasan at
magamit nang kasiya-siya ang ating likas
na yaman.

2. 5.

Republic Act 7942. Kilala rin ito sa tawag Presidential Decree 1067. Kilala rin sa
na Philippine Mining Act of 1995.Ang tawag na Water Code of the Philippines ang
batas na ito ay kumikilala sa lahat ng P.D 1067. Ang batas na ito ay pangunahin
yamang mineral na matatagpuan sa mga nang nakasentro sa tubig ng karagatan na
lupaing pribado at pampubliko na nasa nasa hurisdiksiyon ng Pilipinas. Ang talagang
loob ng hangganan ng isang bansa na layunin ng batas na ito ay maitatag ang
tanging sonang ekonomiko ng Pilipinas batayan sa konserbasyon ng tubig.Hangarin
din ng batas na ito na mapanatiling malinis
bilang pag-aari ng Estado.
ang ating mga karapatan at obligasyon ng
mga gumagamit ng tubig na proteksiyonan at
pangalagaan ang mga nasabing karapatan.

8
WMSU-ISMP-GU-001.00
Effective Date: 7-DEC-2016

3. 6.

Republic Act 8749. Kilala din ito sa 1. Republic Act 7586. Kilala rin ito sa
tawag na Philippine Clean Air Act of
1999. Ang batas na ito ay itinataguyod ng tawag na National Integrated Protected
Estado bilang isang patakaran upang Areas
mapanatiling balanse ang pagitan ng
kaunlaran at pangangalaga ng kalikasan.
Kinikilala rin ng Estado ang karapatan ng
mga mamamayang makalanghap ng
malinis na hangin mula sa kalikasan at
magamit nang kasiya-siya ang ating likas
na yaman.

7. 9.

Republic Act 9003. Kilala rin ito sa System Act of 1992. Kumikilala ang
tawag na Ecological Solid Waste batas na ito sa mahigpit at istriktong
Management Act of 2003. Ang kahalagahan ng pagpapanatili sa mga
pamahalaan o gobyerno ay nagtakda ng likas na biyolohikal at pisikal na
iba’t ibang mga pamamaraan para pagkakaibaiba sa kapaligiran.
makolekta at mapagbukod-bukod ang
mga solid waste na basura sa bawa’t
barangay.

8.
10.

Republic Act 9147. Kilala rin sa tawag Republic Act 9147. Kilala rin sa tawag
na Wildlife Resources Conservation and na Wildlife Resources Conservation and
Protection Act. Ang batas na ito ay Protection Act. Ang batas na ito ay

9
WMSU-ISMP-GU-001.00
Effective Date: 7-DEC-2016

naglalaan ng konserbasyon at ng naglalaan ng konserbasyon at ng


proteksiyon para sa mga maiilap na proteksiyon para sa mga maiilap na
hayop at sa kanilang mga tirahan. hayop at sa kanilang mga tirahan.

II - Magtala ng 5 pangunahing suliraning pangkalikasan sa kasalukuyan at ibigay ang iyong solusyon sa


mga naitang suliranin.

Suliraning Pangkalikasan Kaukulang solusyon

1. .Pagputol ng puno.
magtanim

2. Pagsunog ng plastic Wag magsunog ng plastic

wag magtapon ng basura sa


3. Pagtapon ng basura sa ilog. ilog at itapon ito sa tamang
taponan.
Iwasan ang pagtapon ng mga basura
4. Pagbaha sa mga daanan ng tubig.

Bawasan ang paggamit ng mga green


5. Global warming house gasses.

10

You might also like