You are on page 1of 2

Kyrelle V.

Sarona BSED-BIOLOGICAL SCIENCE 1

I. Layunin: Pagkatapos ng aralin, 85% ng pananagumpay ng mga mag-aaral

ang inaasahang:

a. Nalalaman ang kahulugan ng kwentong-bayan,

b. Nakapagbibgay ng sariling pagunawa hinggil sa nabasang kwentong-bayan,at.

c. Nakagagawa ng isang sanaysay tungkol sa kwentong-bayan.

II. Paksa at kagamitan:

a. Paksa: Kwentong bayan: Kung Bakit Umuulan

b. Kagamitan: pandikit, papel, gunting at pentel pen

III. Pamamaraan: 4A’s

a. Gawain (Activity)Magpapakita ang guro ng isang video clip na may kinalaman sa kwentong-
bayang nabasa. Pagkatapos ay tatawag ng isang o ng mga mag-aaral upang sabihin sa buong
clase kung anu ang pagkakatulad ng binasang kwento at ng nakitang video.

b. Paghahalaw (Abstraction)
1. Anung uri ng asawa si Tungkung Langit?
2. Anung uri ng diyosa si Alunsina?
3. Anu ang dahilan bakit nagawang layasan ni Alunsina si Tungkung Langit?
4. Anu ang ginawa ni Tungkung Langit upang bumalik sa kanya siAlunsina?
5. Saan nagtago si Alunsina upang di siya makita ni Tungkung Langit?

c. Pagsusuri (Analysis)
1. Anu ang kahulugan ng kwentong-bayan base sa kwentong-bayang nabasa? Ipaliwanag.
2. Tama ba ang pagtrato ni Tungkung Langit sa kanyang irog?Patunayan.
3. Bakit pinamagatang “ Kung Bakit Umuulan”, ang kwentong-bayan?
d. Paggamit (Application)
1. Ipaliwanag ang mga isyo ng dalawang tauhan na nagiibigan sa nabasang kwentong-bayan at
ihambing ito sa kasalukuyang nangyayari. Isulat ito sa pamamagitan ng isang sanaysay.

IV. Ebalwasyon:

A. Panuto: Basahing mabuti ag bawat tanung. Isulat ang T kung tama ang pahayag at M naman
kung mali sa sagutang papel.
1. Ang kwentong-bayan pagsasalaysay hinggil sa mga kathang isip ng mga tao.
2. May dalawang pangunahing tauhan sa kwentong-bayang “kung bakitumuulan”.
3. Si Dawani ang iniibig ni Tungkung Langit.
4. Si Tungkung Langit ang lumikha ng isda, halaman bundok.
5. Si Tungkung Langit ay isang pangkaraniwang tao.
6. Hindi mag-asawa sina Alunsina at si Tungkung Langit.
7. Masaya si Alunsina sa kakaupo.
8. Nag away ang dalawang pangunahing tauhan sa kwento.
9. Si Alunsina ay nagtago sa kalangitan
10. Hindi na bumalik si Alunsina sa piling ni Tungkung Langit.
B. Panuto: Ipagsunod-sunod ang mga pangungusap ayon sa pangyayari naganap sa kwento.
Gamitin ang mga titik A hanggang J. Isulat ang sagot sa sagotang papel.
1. Mayroon lang dalawang Diyos, si Tungkung Langit, at angkaniyang kabiyak na si Alunsina.
2. Mula noon, upang mabisita ni Tungkung Langit ang kaniyangdating asawa, kailangan niyang
mag-anyong ulan.
3. “Huwag kang mag-alala, mahal, ito ang regalo ko sa iyo: ang mga bituin, ang mga planeta,
ang buwan, ang mga ulap, at ang hangin.”
4. “Anong ginagawa mo diyan, mahal? Matagal na kitang hinahanap!”
5. Nasaktan si Tungkung Langit. Ang kaligayahang nakita niya sa mukha ng kaniyang asawa ay
hindi dahil sa pagkakita sa kaniya.
6. Lahat ng sabihin ni Tungkung-Langit ay nagkatotoo. Kumalatang sinag ng bagong likhang
araw. Kumislap-kislap ang mga bituin.Umikot ang mga planeta at lumiwanag ang buwan.
Humangin nang pagkalakas-lakas.
7. “Mas gugustuhin kong maupo ka na lang, magpahinga, at maging maganda,” ang sabi ni
Tungkung Langit kay Alunsina.
8. Lumipas ang mahabang panahon, at nasawa rin sa paglikha siTungkung Langit. Araw-araw,
hinanap ni Tungkung Langit angkaniyang iniibig. Ngunit wala siyang nakita.
9. “Gusto kong lumikha! Diyos din ako tulad mo!” sabi ni Alunsina.
10. “Sawa na akong panoorin ka lang lumikha ng planeta at araw at bituin! Sawa na akong
naririto lang, nakaupo, walang ginagawa! Kaya kong lumikha! Isa rin akong Diyosa!”

V. Takdang Aralin:Maghanap ng mga kwentong bayan. Ipadikit ito sa isang bond paper (short).Isulat ang
dahilan kung bakit mo nasabing ito ay isang kwentong-bayan.

You might also like