You are on page 1of 11

10

FILIPINO
Unang Markahan-Modyul 25:
Pagbibigay ng mga Halimbawa
ng Pangyayari sa Tunay na Buhay
Kaugnay sa Binasa

May-akda: Marcerin C. Permejo


Tagaguhit: Paolo N. Tardecilla

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Alamin

Ang modyul na ito ay binubuo lamang ng isang aralin.


● Aralin –Pagbibigay ng mga Halimbawa ng Pangyayari
sa Tunay na Buhay Kaugnay sa Binasa

Sa pag-aaral ng modyul na ito, inaasahang maisasagawa mo ang


sumusunod:
A. nasasagot ang mga tanong kaugnay sa binasa;
B. nakapagbibigay ng mga halimbawa ng mga pangyayari sa tunay na
buhay kaugnay sa binasa; at
C. nagagamit ang mga halimbawang pangyayaring binasa bilang pag-
uugnay sa reyalidad

Subukin

Marahil ay marami ka ng natutuhan sa mga nakalipas na aralin. Sa


panimula ng pag-aaral sa bahaging ito ng modyul ay isagawa mo ang paunang
gawain. Basahin at unawain ang bahagi ng kuwento at pagkatapos ay sagutin
ang kasunod na mga tanong sa sagutang papel.

Tulong ng Diyos ng mga Hangin


(Bahagi ng “Odisea” o “Odyssey”)
Nakatagpo nina Odiseo si Aeolus, ang diyos ng mga hangin. Binigyan
si Odiseo ni Aeolus ng isang buslong naglalaman ng mga hanging
magagamit sana sa paglalayag, ngunit nagduda ang mga tauhan ni Odiseo
hinggil sa laman ng buslo. Inisip nilang kayamanan ang laman ng buslo at
nililinlang lamang sila. Kaya't binuksan nila ang buslo. Nakawala ang mga
hangin. Naantala lamang muli ang kanilang paglalakbay. Tumanggi si
Aeolus na tulungan silang muli.
Mula sa :https://www.wikiwand.com/tl/Odisea

Mga Gabay na Tanong:

1. Sino si Aeolus?
2. Paano siya tumulong kay Odiseo at kaniyang mga kasamahan?
3. Bakit nabalewala ang pagtulong niya?
4. Bakit kaya tumanggi si Aeolus na tumulong muli??
5. Anong mga pangyayari sa salaysay ang maaaring maganap sa tunay na
buhay? Magtala ng tatlong pangyayari.

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 1
Pagbibigay ng mga Halimbawa
Aralin ng Pangyayari sa Tunay na Buhay
Kaugnay sa Binasa
Sa araling ito ay pag-aaralan mo ang pagbibigay ng mga halimbawa ng
pangyayari sa tunay na buhay kaugnay sa binasa. Mahahasa ang kasanayang ito
kung maisasagawa mo nang matapat ang mga gawain.

Balikan

Bago tayo magpatuloy sa ating aralin, sariwain at pagbalik- aralan mo ang


iyong natutuhan sa nakaraang aralin. Natatandaan mo pa ba? Subukin nating
muli ang iyong kaalaman sa mga napag-aralan. Punan ng angkop na sagot ang
patlang upang mabuo ang ang diwa ng pangungusap.

Ano ang maaari mong iugnay sa mga pangyayaring iyong


nababasa mula sa mga akdang tinatalakay?
Maiuugnay ko sa _______________________________ ang mga
pangyayaring aking nababasa sa mga akda sapagkat _____________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

Tuklasin

A. Panimula
Bilang paghahanda sa pagtalakay sa aralin, basahin at suriing mabuti ang
mahahalagang impormasyong ito tungkol sa Epiko ng sinaunang Gresya
upang lalo mong maunawaan ang paksang tatalakayin. Sagutin ang tanong sa
Pag-unawa sa binasa matapos ang Pagbasa.
Ayon sa Wikipedia, Ang Odyssey ay isa sa dalawang sinaunang tulang
epiko ng sinaunang Gresya. Ito ay isinulat ni Homer. Tungkol ito kay Odiseo,
isang bayaning Griyego. Isinasalaysay rito ang kanyang paglalakbay pauwi sa
Ithaca matapos ang pagbagsak ng Troy.
Isa sa mga pakikipagsapalaran niya ay ang pagtakas kay Polifemo
(Polyphemus), isang higanteng iisa ang mata at anak ni Poseidon.

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 2
Ano ang gagawin mo kung ikaw ang nasa kalagayan ni Odiseo?
Hihintayin mo na lang ba na maubos ang iyong mga tauhan dahil sa pagkain
ng higante? Tunghayan ang salaysay sa paghaharap nina Odiseo at Polifemo.

B. Pagbasa

“Sa Lupain ng mga May-Isang Mata”


Bahagi ng “Odyssey”

Nabihag ng isang nilalang na may iisang mata si Polifemo, isang


cyclope, at nangangahulugang "may bilog na mata." Naninirahan si Polifemo sa
isang yungib, at kinakain ang mga tauhan ni Odiseo, dalawang tao bawat isang
araw. Nilinlang nina Odiseo si Polifemo. Nilasing ni Odiseo si Polifemo at pinaso
nila ang mata nito kaya't nabulag. Noong tanungin ni Polifemo kung ano ang
pangalan ni Odiseo, sinabi ni Odiseong "Walang-Sinuman" ang tawag sa kaniya.
Kaya't nang humingi ng saklolo si Polifemo sa iba pang mga cyclope, walang
tumulong sa kaniya, sapagkat ang pangungusap na "Sinasaktan ako ni
Walang-Sinuman," ang sinasambit niya sa paghingi ng saklolo kaya naman
nagtaka lamang ang mga kauring nilalang. Nakaalis sina Odiseo sa
pamamagitan ng isa pang panlalansi kay Polifemo. May mga alagang tupa si
Polifemo. Pinagtali-tali nina Odiseo ang bawat tatlong tupa, at nakatali sa ilalim
ng panggitnang tupa ang isang kasama ni Odiseo, kaya hindi masasalat ng
bulag na si Polifemo kapag hihimasin ang dumaraang mga tupa. Bagaman
iisang tupa na lamang ang natira para kay Odiseo, isang lalaking tupa at
siyang paborito ni Polifemo, hindi rin napuna ni Polifemo si Odiseong nasa
ilalim ng paborito niyang tupa. Bagaman nakatakas sina Odiseo mula sa mga
kamay ni Polifemo, naparusahan din pagdaka si Odiseo, sapagkat anak si
Polifemo ng diyos na si Poseidon.
Mula sa: https://www.wikiwand.com/tl/Odisea

C. Pag-unawa sa Binasa

Sagutin ang sumusunod na tanong sa isang hiwalay na papel.


1. Sino si Polifemo at ilahad ang katangian niya?
2. Bakit siya nabulag?
3. Paano siya nilansi ng kanyang mga binihag?
4. Makatwiran ba ang ginawa nina Odiseong panlalansi? Bakit?
5. Anong mga pangyayari sa salaysay ang maaaring mangyari sa
totoong buhay? Magtala ng tatlo.

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 3
Suriin

Ang panitikan bagamat bunga lamang ng mayamang


guniguni ng lumikha nito ay naglalaman pa rin ng katotohanan sa
buhay ng tao.
Bilang isang mambabasa, dapat na maging mapanuri sa
pagtukoy ng mga inilahad na makatotohanan o tunay na mga
pangyayari.

Pagyamanin

Basahin ang mga bahaging ito ng mga akdang natalakay na at magbigay ng


mga makatotohanang pangyayari na maaaring iugnay sa kasalukuyang
nagaganap sa paligid. Isulat ang sagot sa loob ng kahon.

1. “Laganap sa bansa ang iba’t ibang klaseng krimen gaya ng pagpatay


magkabila ang rallies at iba pang demonstrasyon na kinabibilangan ng
mga estudyanteng imbis na nag-aaral ay nakikipaglaban upang makamit
ang kalayaan at ito ang lubhang bumagabag kay Amanda Bartolome.”

mula sa Dekada 70

Tunay na pangyayari na maiuugnay:

2. “May mga taong naninirahan sa yungib na may lagusan patungo sa


liwanag na umaabot sa kabuuan nito. Sila’y naroroon mula pagkabata,
at ang kanilang mga binti at leeg ay nakakadena kung kaya’t hindi sila
makagalaw, hadlang ito sa pagkilos pati ng kanilang mga ulo. Sa di
kalayuan, sa taas at likod nila ay may apoy na nagliliyab, sa pagitan ng
apoy at mga bilanggo may daang papataas. Kung ang paningin mo ay
dadako sa mababang pader nito, maihahalintulad ito sa isang tabing na
pinagtatanghalan ng mga puppet.”

mula sa Alegorya ng Yungib

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 4
Tunay na pangyayari na maiuugnay:

3. “Patuloy na naglakbay si Psyche at pinipilit na makuha ang panig ng


mga diyos. Siya ay palagiang nag-aalay ng marubdob na panalangin sa
mga diyos subalit wala sa kanila ang nais maging kaaway si Venus.
Nararamdaman ni Psyche na wala siyang pag-asa sa lupa o sa langit
man. Kaya minabuti niyang magtungo sa kaharian ni Venus at ialay ang
kaniyang sarili na maging isang alipin.”
mula sa Cupid at Psyche

Tunay na pangyayari maiuugnay:

4. ‘Sampung taong naghirap ang mag-asawa sa pagbabayad ng


kanilang mga utang. Dito’y naranasan ni Matilde ang lahat ng hirap sa
pagharap sa mga gawaing-bahay.”

mula sa Ang Kuwintas

Tunay na pangyayari maiuugnay:

5. “Isang araw, habang nagbubungkal ng lupa ang magsasaka, narinig


niyang nagmamaktol ang kaniyang anak na lalaki. Narinig nitong
binabanggit ng kaniyang anak ang hirap at pagod na nararanasan sa
pagsasaka at pagbubungkal ng bukirin.”

mula sa Mensahe ng Butil ng Kape

Tunay na pangyayari maiuugnay:

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 5
Isaisip
Hindi lamang tayo naaaliw sa pagbabasa ng panitikan.
Nalilinang din ang ating kaalaman dahil nagagawa nating iugnay
ang ating binabasa sa tunay na mga pangyayari sa ating paligid
maging sa ating mga personal na karanasan.
Sa ganitong paraan, ang panitikan ay nagpapaalala sa atin
sa mga pangyayari o pagkakataong kailangan nating baguhin na o
pagbutihin pa.

Isagawa
Upang lalo pang malinang ang kaalaman sa mga paksang tinalakay,
gumupit ng tatlong balita sa pahayagan o kayay’y sumipi ng balita mula sa
internet at iugnay ito sa alinmang pangyayari sa akdang tinalakay na sa
mga aralin para sa markahang ito.

Balita Kaugnay na Pangyayari


1.

2.

3.

Tayahin

Panahon na para sukatin ang iyong kakayahan sa paksang tinalakay.


Isagawa ang mga gawain.

A. Basahin at unawain ang bahagi ng kuwentong “Si Androcles


at ang Leon”. Suriin ang pangyayaring maaaring iugnay reyalidad.
Sagutin ang mga tanong sa ibaba sa sagutang papel.

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 6
Si Androcles at ang Leon

Kabataan pa si Androcles nang ang kaniyang bayan ay sakupin ng mga


sundalong Romano. At dahil itinuturing ng mga nanalo na karapatan nilang
gawin ang anomang kagustuhan sa mga natalo, isa si Androcles sa
mgakabataang inagaaw sa mga magulang at ipinagbili bilang alipin.
Lubhang malupit ang nakabili kay Androcles.
“Hoy, gising, alipin!” Huwag mong sayangin ang salaping ipinambili ko
sa iyo! Maglinis ka ng bahay, bantayan at alagaaan mo ang aking mga
hayop!”
Kasabay ng marahas na utos ang hagupit ng latigo sa katawan ni
Androcles. Hindi na makuhang sumagot pa ng binatilyo dahil sa sakit na
naramdaman. Ganito nang ganito ang ginagawa sa kaniya ng panginoon at
pakiramdam niya’y nagkapatong-patong na ang mga latay sa kaniyang
katawan.
Mula sa: Bagong Hulagway 10 nina Ramos, Remedios R. at Resuma, Vilma
M. Si Androcles at ang leon. pah. 5.

B. Sagutin ang mga tanong. Isulat sa hiwalay na papel ang sagot.

1. Ano ang panahong tinutukoy sa salaysay?


2. Paano naging alipin si Androcles?
3. Ano-ano ang mga naging karanasan ni Androcles bilang alipin?
4. Ilahad ang reaksyon sa pagiging alipin ni Androcles.
5. Batay sa mga inilahad na mga pangyayari, alin kaya ang
maiuugnay sa tunay na mga pangyayari? Magtala ng tatlo.
a. ___________________________________________________________
b. ___________________________________________________________
c. ___________________________________________________________

Narito ang iba pang gawaing makatutulong upang mahasa pang lalo
ang iyong kasanayan sa pagbibigay ng mga halimbawa ng mga pangyayari
sa tunay na buhay kaugnay sa binasa. Maaari kang pumili ng isang
gawain. Gawing batayan ang pamantayan sa pagmamarka.

1. Pagsulat

Ikuwento ang isang pangyayari na may kahalintulad ng mga


pangyayaring nakapaloob sa akdang binasa. Maaaring ito ay sariling
karanasan o nasaksihan lamang sa iba. Huwag kalimutang ibigay ang
pamagat ng akdang may kaugnayan sa iyong isinalaysay.

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 7
2. Pagguhit

Ipakita sa pamamagitan ng isang larawan ang isang sitwasyon o


eksena ng isang pangyayari sa buhay mo o ng isang kapamilya na may
katuladna sitwasyon mula sa isa sa mga akdang tinalakay.

Pamantayan sa Pagmamarka

Mga Pamantayan Napakahusay Mahusay Katamtaman Nangangailangan


5 4 3 ng pagsasanay
2

Malinaw ang nais


ipahiwatig ng
pagsasalaysay/guhit

Nakasusunod sa
panuto o layunin

Malinaw na naiugnay
ang natutuhan sa
tunay na buhay

Kabuoang Puntos

Natutuwa ako sa iyong ipinakitang kagalingan sa pag-aaral. Binabati kita!


Sige, hanggang sa muli!

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 8
Susi ng Pagwawasto

Sanggunian

Ramos, Remedios B. at Resuma, Vilma M. 2017. Bagong Hulagway 10.


Marikina City: ICS Publishing, Inc.

Modyul para sa Mag-aaral sa Filipino 10.

https://www.wikiwand.com/tl/Odisea

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 9
Bumubuo sa Pagsulat ng Modyul

Manunulat: Mercerin C. Permejo (Guro, PHS)


Mga Editor: Ma. Grace Z. Cristi (Guro, THS)
Kimberly M. Capuno (Guro, MHS)
Tagasuri Panloob: Galcoso C. Alburo (EPS, Filipino)
Tagasuri Panlabas:
Tagaguhit: Paolo N. Tardecilla (Guro, KNHS)

Tagalapat: Jee-jay B. Canillo (Guro, NHS)

Tagapamahala:
Sheryll T. Gayola
Pangalawang Tagapamanihala
Pinunong Nanunuparan - Tanggapan ng Tagapamanihala

Elisa O. Cerveza
Hepe – Curriculum Implementation Division
Pinunong Nanunuparan - Tanggapan ng Pangalawang
Tagapamanihala

Galcoso C. Alburo
Superbisor sa Filipino

Ivy Coney A. Gamatero


Superbisor sa Learning Resource Management Section

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE

You might also like