You are on page 1of 5

PAGSUSURI NG PELIKULA: OUTLINE METRO MANILA

1. TEORYA
a. Realismo
Ang mga pangyayari sa pelikulang ito ay maaring maging totoo o maaring mangyari sa
totoong buhay. Ang mga pagsubok na kinaharap ng mga tauhan ay sya ring kinakaharap
ng ilang magsasaka sa ating bansa at gayundin ang bawat pamilyang may hindi
magandang kalagayan ng pamumuhay. Naipakita rin sa pelikula na ang buhay sa
Maynila ay hindi ganoon kadali at higit na dapat ibuwis ng tao ang kanilang buhay
upang malampasan ang kanilang mga problema at suliranin. Ang buhay sa Maynila ay
pakikipagsapalaran sa ibat’t ibang uri ng tao at sitwasyon.

b. Humanismo
Ang tao ay may kakayahan at talento na suungin ang buhay at may kakayahan na
gumawa ng paraan upang maresolba at malampasan ang hirap ng buhay na kaniyang
nararanasan. Ang bawat isa ay may sapat na kalakasan upang bumuo ng isang
magandang desisyon sa ikabubuti ng lahat. Isang halimbawa nito ay ang pagdedesisyon
ni Oscar na pumunta sa Maynila upang mas mabigyan ng magandang buhay ang
kaniyang pamilya.

c. Sikolohikal
Si Oscar ay isang matapat at mabait na tao. Ngunit sa kabila ng kaniyang mga
nararanasan sa buhay, naitulak siya nitog gumawa ng mga masasamang bagay alang-
alang sa kapakanan ng kaniyang pamilya. Isang halimbawa nito ay ang pagpayag nya sa
layunin ni Ong na magnakaw ng pera at ang kaniyang aksyon na kung saan kinuha niya
ang susi ng box sa processing center.

d. Eksistensyalismo
Bilang isang tao lahat tayo ay may karapatan na magdesisyon sa ating buhay. Kagaya ng
sa pelikula, si Oscar ay may kalayaan na piliin ang daan na kung saan sa tingin niya na
mas magpapagaan ng kanilang kalagayan.

e. Romantisismo
Ipinakita sa pelikula ang pagmamahalan nina Oscar at Mai na kahit na sa kabila ng
kahirapan na mayroon sila, nanatili pa rin sila bilang mag-asawa. At si Oscar bilang
isang mabuting ama at asawa ginawa ang lahat upang maitaguyod ang mga ito at
ibinuwis nya rin ang kaniyang buhay upang makatakas ang kaniyang pamilya sa
kahirapan.

f. Marxismo
Ang tao ay may sariling kakayahan na umangat buhat sa pagdurusang dulot ng pang-
ekononiyang kahirapan at suliraning panlipunan. Si Oscar at ang kaniyang pamilya ay
nagsumikap at nagtiis sa hirap upang maging matagumpay sila.

g. Sosyolohikal
Ipinakita dito ang ibat’t ibang suliraning panlipunan, si Oscar ay gumawa ng paraan
upang malampasan ang mga ito. Ipinakita sa pelikula kung paano niya sinuong at
nilampasan ang mga paghihirap na kanilang tinahak.

h. Moralistiko
Maraming aral ang mapupulot sa pelikulang ito. Mahalaga ang pagsasakripisyo at
pagmamahal sa pamilyang mayroon tayo. Pagiging matapat sa tungkulin bilang isang
kawani ng isang kompanya. At ang pagiging maunawain at maintindihan sa sitwasyong
mayroon ang isang tao, bagay o lipunan.

2. ELEMENTO NG PELIKULA

a. Tema

Si Oscar, isang magsasaka na tunay na nagsusumikap upang buhayin ang kaniyang


mag-iina. Sila ay nakatira sa isang pobinsya kung saan siya ay nagsasaka. Hindi sapat ang
kaniyang kinikita dito at bunga nito, sila ay nakakaranas ng kakapusan sa pera at kung minsan
ay kagutuman. Dahil sa pangyayaring ito, naisip ni Oscar na dalhin ang kaniyang pamilya sa
Maynila, makikipagsapalaran at hahanapin ang pag-asang aasenso ang kanilang buhay. Sa
kanilang paglakbay sa lungsod iba’t ibang pagsubok ang kanilang tatahakin upang
malampasan ang problemang kanilang kinakaharap at upang matamo ang kanilang pangarap
na makaahon sa hirap ng buhay. Lahat ay kanilang susubukin matupad lamang ang kanilang
mga naisin sa buhay. Si Oscar ay naging driver ng armored car, ito ay isang legal na trabaho
ngunit sa kasamaang-palad, ang kaniyang mga naging kaibigan sa naturang departamento ay
may mga illegal na gawain na siyang sisira sa buhay at pag-asa ng kanilang pamilya. Sa halip
na sila ay uunlad, mas lalo pa itong nagpahirap sa kanilang kalagayan. Ang asawa nyang si
Mai, ay pipiliting pasukin ang hanap buhay sa pagsasayaw at pagpapakita ng katawan sa isang
bar para lamang mairaos ang kanilang buhay.

b. Skriptrayter
Sina Sean Ellis, Frank E. Flowers ang skriptrayter ng pelikulang Metro manila (2013)

c. Tauhan

i. Protagonista

Jake Macapagal bilang Oscar Ramirez - isang magsasaka na may pangarap sa kaniyang
pamilya na mapaunlad ang kanilang buhay. Asawa ni mai Ramirez at may dalawang anak.
Siya ay masipag, mapagmahal at determinado na umangat ang buhay. Siya ay
nakapagtrabaho bilang Driver ng armored Car sa Maynila.

ii. Antagonista
Walang espesipikong tao na maaring maituring na antagonista. Ang bawat tauhan sa
pelikula ay naging suporta upang mapagtagumpayan ang layunin ng bida.

Iba pag mga tauhan

 Althea Vega bling Mai Ramirez - asawa ni Oscar. Isang masipag na ina at gagawin
ang lahat upang paunlarin ang kanilang pamilya sa ito ng kaniyang dignidad.
 John Arcilla bilang Ong – isa ring manggawa sa kompanya kung saan nagtatrabaho
si Oscar. Matulungin siyang tao at isang magaling na pulis.

Dayalogo

Ang lengguwaheng ginamit sa pelikulang ito ay Filipino at may iilang ingles na naisama.

Ong: Spears, Ninth Division. Anong taon?


Oscar: 1989
Ong: Dumaan ka ba talaga sa serbisyo, o kapareho ka lang ng mga loko loko dyan sa
labas na nagpapatattoo lang na akala nila hindi ko alam ang pagkakaiba? ha?
Oscar: Apat na taon po ako sa Infantry. Nakapagtrabaho naman po ako sa pagawaan ng
tela, nagsarado to kaya napilitan ang pamilya ko na umakyat sa aming probinsya sa
Banaue.
Ong: Magsasaka ka?
Oscar: Opo sir
Iba pang mga pulis: Hahahahaha
Ong: Parang comedy lang ah.

Huling dayalogo ni Oscar sa pelikula


Natatandaan mo ba yung istorya tungkol kay Alfred Santos? Minalas lang si
Alfred eh. Desperado sya kase eh. Pero, may plano sya, inutusan nya ang mga flight
attendant na kolektahin ang mga pera ng pasahero at sa loob ng punda na yon, at oras na
yon, nandon ang kalayaan na siya lamang kailangan ni Alfred at ng kaniyang pamilya.

Inorder ni Alfred ang mga piloto na bumaba sa altitude na 2000 feet, na alisin
ang pressure ng cabin. Plano ni Alfred sa pagtakas ay isang gawang bahay na parachute
at gawang tela na mula sa factory ng kaniyang tatay . Pero si Alfred Santos, hindi
kailanman uupo sa isang silyang may arm chair ng isang matandang lalake. Hindi nya
kailanman sasabihin sa kaniyang mga apo kung paano sya lumundag sa isang eroplano
na may sapat na pera upang mailigtas sila sa lugar ng mga iskwaters at sa mga taong
nagpapatakbo nito.

Problema kasi sa plano ni Alfred,eh base to sa kaniyang panaginip. Nanaginip


sya na tumalon sya sa ere at dahil pinangarap nyang iligtas ang kaniyang pamilya. Ako
rin ay may panagarap na mailigtas ang aking pamilya. Pero ang plano ko ay hindi
kailanman base sa isang panaginip, sa katotohanang wala nang ibang paraan.
d. Direktor
 Si Sean Ellis ang direktor ng pelikulang Metro Manila (2013)

F. Disenyong pamproduksyon
Masasabing napakita sa pelikula ang tunay na nangyayari sa isang pamilya, kagaya ng
pagpapakita ng mga Iugar na talagng makikita ang kahusayan ng nagdisenyo upang mas
maging kapana-panabik ang pelikula. Makikita rin ang angkop na kasuotang ginamit ng
mga gumanap sa mga karakter na ginagampanan nila. Mahusay ring naipakita ang tunay
na kalagayan ng mga karakter sa pagsasaalang alang ng mga politkal at ekonomikal na
salik sa pelikula. Sa pamamagitan rin ng pagbibigay halaga sa kabuuang disenyo, kasama
ang tagpuan, at pag iilaw sa pelikula mas naging makatotohanan ang buong kinalabasan
ng pelikula. Sa pamamagitan ng kabuuang disenyo, mas madaling naiparating sa mga
manunuod ang mensaheng nakapaloob sa pelikula.

g. Sinematograpiya
Upang mabigyan diin ang mga pangayayari, damdamin, at tagpo sa pelikula, ang kamera ay
ipinosisiyon sa iba’t-ibang anggulo, ang mga kahusayan ng humahawak ng mga kamera ay sadyang
nagibabaw dito. Sa pagpapakita rin ng mga pambihirang tagpuan ay naging makatotohanan ang
pelikula. Dagdag pa dito ang magaling at maayos na nagampanan ng mga artista ang kanilang mga
karakter at naging sakto rin ang kanilang mga galaw at pag arte na ginawa sa mga eksena sa pelikula. Sa
kabuuan, naging matagumay ang pelikula dahil sa paggamit ng iba’t ibang Teknik ng kamera at sa iba
pang mga aspeto ng pelikula na syang sumuporta sa pagbuo nito. Ito ay nagbunga ng mga eksenang
kapanapanabik at nakakakaantig na pelikula na syang mas lalong pumukaw sa paningin ng mga
manoood. Isa pa ay ang mga tauhan.

h. suliranin ng istorya
Ang unang isyu na pinag-usapan sa pelikula ay ang mga paghihirap na kinakaharap ng mga
magsasaka sa pagsasaka. Pagkatapos naman ay ang mga paghihirap na kinaharap nila habang
naninirahan sa Metro Manila. Napilitan ang pamilya ni Oscar na umalis patungo sa Maynila upang
mabuhay at magkaroon ng pagkakataon dahil sa kakulangan ng kanilang mga pananim, ngunit ang
hindi nila inaasahan ay nang makarating sila, sinalubong sila ng hindi inaasahang pangyayari at
kahirapan, umabot sa puntong wala na silang makain .

I. musikal iskoring
Ang mga musika na ginamit sa pelikula ay angkop na nailapat at nailagay sa bawat eksena. Ito
ay sumakto at umayon sa mga aksyon at galaw ng mga tauhan sa pelikula. Ang mga ito ay tunay na mas
nagpalalim sa emosyon ng mga manonood. Kung ano ang emosyon, gayundin ang madadama mo sa
musika na ipinapatugtog sa pelikula.
j. kasukdulan
Nagawa ngang maka kuha ng trabaho ni Oscar bilang isang armored-truck driver na may tulong
mula kay Ong, isang dating pulis na may kamalayan sa karanasan sa militar ni Oscar. Samantala, ang
nag-iisang trabahong mahahanap ni Mai ay ang pagsayaw sa entablado sa isang go-go bar. Ngunit si
Ong ay may iba pang mga kadahilanan para sa trabahong nakuha ni Oscar. Sa panahon nga ng isang
nauna pang armored-van hold-up ay ninakaw niya ang isa sa mga lockbox at kailangan niya ang tulong
ni Oscar sa paghawak ng isang susi na magbubukas nito sa kumpanya. At si Ong ay nagbanta kay Oscar
na madadamay nga daw ang pamilya nito kapag siya ay hindi sumunod. Dito nga ay nagpasya siya na
nagdulot ng malaking pagbabago sa takbo ng pelikula. Mabigat na desisyon para sa pamilya niya.

K. Kahalagahan- Importance ( Pampamilya, Pangkultura, Pangkapaligiran, Pampolitika ,atbp.)

3. Pagtalakay sa pantay na Karapatan ng bawat Kasarian

4. Pagpapahalaga

5. Implikasyon sa buhay

You might also like