You are on page 1of 10

KASAYSAYAN NG

KULTURA NG NEW
ZEAL AND
BY:GROUP 4
ANG KASAYSAYAN NG NEW ZEALAND
• Ang New Zealand o Bagong Silandiya (nagmula sa salitang Olandes na Nova
Zeelandia)o Aotearoa (Māori para sa Lupain ng Mahabang Puting Ulap), ay isang
bansa ng dalawang malalaking pulo na Hilagang Pulo (Ingles: North Island, Māori:
Te Ika-a-Māui) at Timog Pulo (Ingles: South Island, Māori: Te Wai Pounamu) at
maraming mas maliliit na mga pulo sa timog-kanlurang Karagatang Pasipiko. Sa
mga bansa sa Timog Pasipiko, ang New Zealand ang may pinakamalaki at pinaka-
industrialisadong ekonomiya at pumapangalawa lamang ang populasyon nito sa
Papua New Guinea. Natatangi ang New Zealand sa kanyang pagkabukod,
nakahiwalay sa Australya sa hilaga-kanluran sa pamamagitan ng Dagat Tasman,
mga 2,000 km ang pagitan. Ang New Caledonia, Fiji at Tonga ang malalapit na
mga kapitbahay. Binubuo ng karamihan sa populasyon sa Papua New Guinea ng
mga taong nagmula sa Europa, kasama ang katutubong Māori na kabilang sa
pinakamalaking minorya. Ang mga taong hindi Māori na Polynesian at Asyano
ang mga mahahalagang minorya, lalo na sa mga lungsod.
ANG UNANG MGA TAO NA DUMATING SA NEW ZEALAND AY MGA
POLYNESIAN NA NGAYON AY TINATAWAG NA MĀORI.NOONG 1250 AT
13000. AYON SA MGA MĀORI, ANG NINUNO NIL ANG SI KUPE AY
NAGL AKBAY MULA SA HAWAIIKI HANGGANG NAKARATING SIYA SA
NEW ZEALAND. ANG UNANG EKSPEDISYON NG MGA EUROPEO NA
NAKARATING SA NEW ZEALAND AY PINANGUNAHAN NG TAGA-OL ANDA
NA SI ABEL TASMAN. PUMUNTA SIYA DOON NOONG TAONG 1642. ANG
IL AN SA MGA KASAMA NIYA AY PINATAY NG MGA MĀORI, KAYA
BUMALIK SINA TASMAN SA OLANDA . ANG SUSUNOD NA EUROPEAN NA
PUMUNTA SA NEW ZEALAND AY SI CAPITAN JAMES COOK, NA
DUMA AN DOON NOONG PAGLALAKBAY NIYA NOONG 1768-1771.
GUMAWA SI COOK NG MGA MAAYOS NA MAPA NG NEW ZEAL AND.
PAGKATAPOS NIYA , DUMAMI ANG MGA TAGA-EUROPA NA PUMUNTA
DOON. ANG KARAMIHAN SA KANILA AY MGA MANGHUHULI NG
BALYENA AT SEAL , AT MGA MANGANGALAKAL . SUSUNOD NA
DUMATING ANG MGA MISYONERO. MARAMING MGA MĀORI AY
TUMALIKOD SA KANILANG TRADISYONAL NA PANANAMPAL ATAYA AT
• Si Maui ay ang anak na lalaki nina Taranga at Makeatutara.
Maaga siyang lumabas sa sinapupnan at ibinalot sa buhok
mula sa pagkakapusod ng kanyang inang si Taranga at itinapon M I TO L O H I YA
sa dagat. Iniligtas siya ng espiritu ng karagatan at ibinigay kay NG MGA
Tama-nui-ki-te-rangi upang palakihin. Nagbalik siya sa bahay
M AO R I :
ng kanyang mga magulang upang makasama sila at ang apat na
kapatid. Hindi siya nakilala ng ina kaya’t pinalayas siya nito.
ANG
Nag-aalangang lumapit sa pinto si Maui. Bago umalis ay PA K I K I PAG S A
sinabing. “Aa;os alp. Ayon sa iyong kagustuhan. Marahil nga ay PA L A R A N N I
anak ako ng isang estranghero subalit naniniwala pa rin akong M AU I
isinilang ako malapit sa dagat at binalot mo ako sa iyong
bigkis na nagmula sa iyong buhok, at itinapon mo sa dagat.
Iniligtas at kinupkop ako ni Rangi sa kanyang tahanan sa
himpapawid. Kilala ko rin ang pangalan ng iyong mga anak.”
Matapos isa-isahin ni Maui ang pangalan ng mga kapatid, sinabi
rin niya na ang pangalan niya ay Maui-tikitika-a-Taranga na
nangangahulugang “Maui, ang pusod ni Taranga”. Sa wakas ay
kinilala siya ng ina.
• Kinuha ni Maui ang panga ng kanyang ninunong si
Muri-ranga-whenua na sumisimbolo ng karunungan.
Mula rito ay mabilis nakagagawa ng pamingwit at mga
sandata at nagsimula na sa kanyang paglalakbay.
Ginagamit din ni Maui ang kanyang karunungan sa
pamimingwit ng napakalaking isda na siyang
pinagmulan ng North Island ng New Zealand.
Tinawag itong Te Ika-a-Maui na nangangahulugan ng
“Isda ni Maui.” Samantala, ang South Island naman ay
tinawag na Te Waka-a-Mauwi na ang ibig sabihin ay
“Bangka ni Maui”.
• Sa pamamagitan din ng panga ni Muri-ranga-whenua ay kinalaban at
natalo niya ang araw. Ginawa ito ni Maui upang pabagalin ang araw
sapagkat masyado itong mabilis kumilos kaya hindi natatapos ang
mga tao sa kanilang mga gawain.
• Natuklasan niya rin ang sikreto ng apoy mula naman sa
mga daliri ng diyosa ng apoy na si Mahuika. Nang matuklasan niya
ang pagkawala ng apoy sa buong mundo, dinalaw niya si Mahuika at
hiningi nang paisa-isa ang daliri ng diyosa. Napagtanto nitong
nililinlang lamang siya ni Maui kaya’t gamit ang natitirang daliri,
hinabol niya ito ng apoy na naging sanhi ng pagkasunog ng daigdig.
Nag-anyong lawin si Maui subalit nahirapan siyang tumakas sapagkat
sinunog ni Mahuika ang lupa at dagat. Nanalangin si Maui sa mga
ninuno niyang sina Tawhrimatea at Whatirimatakataka na siya’y
tulungan. Nagpadala ang mga ito ng ulan kaya’t napawi ang apoy.
Natutong gumamit ng apoy sa pagluluto ang tribu nina Maui.
Ginamit din nila ito sa pagpapanatili ng init sa panahon ng taglamig.
• Nanirahan si Maui sa bahay ng kanyang mga magulang kasama ang
kanyang mga kapatid. Napansin niya na tuwing umaga ay nawawala
ang kanyang ina. Isang araw, nag-anyong kalapati si Maui at sinundan
si Taranga. Natagpuan niya ito kasama ang amang si Makeatutara.

• Isinagawa ni Makeatutara ang seremonya sa pagbinyag


kay Maui. Nagkaroon ito ng pagkakmali kaya’t hindi niya pinayagan
ang anak sa susnod niton pakikipagsapalaran. Gayunpaman, sa
paniniwalang magtatagumpay siya, nagpumilit ang binata.
Pinaghandaan ni Maui ang muli niyang pakikipaglaban. Sinabi ni
Makeatutara sa anak na ang kanyang makakaharap ang diyosa ng
kamatayan na nagbabantay sa lugar ng mga patay, si Hinenui-te-po.
Ang kanyang katawan ay tulad ng sa tao subalit nag-aangkin siya ng
mga matang bato na kulay berde; ang kanyang buhok ay halamang
dagat; ang bibig ay gaya ng sa barakuda.
• Hindi natakot si Maui at ipinagpatuloy ang balak na
kalabanin si Hine-nui-te-po upang maging imortal ang
mgatao. Pinuntahan niya ang diyosa kasama ang ilan sa mga
kaibigan niyang maliliit na ibn. Nadatnan nilang natutulog
ang diyosa nang magkahiwalay ang dalawang hita. Nakita nila
ang matutulis na maliliit na batong kulay berde sa pagitan ng
mga hita nito. Dahil determinado si Maui na mapasok ang
katawan ni Hine-nui-te-po upang mabaligtad niya ang
kapanganakan nang sa gayon ay mabubuhay ang tao
magpakailanman, binilinan niya ang mga kasama na huwag
mag-iingay at huwag tatawa.
• Nang simulan na ni Maui sa kanyang balakin, ang
mababalahibong pisngi ng mga ibong kanyang kasama ay
nakiliti at hindi napigilan ang tumawa. Nang tuluyan nang
makapasok si Maui biglang nagtatawa ang isa sa mga ito.
Nagising si Hine-nui-te-po, isinara ang kanyang mga hita, at
nahati sa dalawa si Maui.

• Si Maui ang unang taong namatay at dahil nabigo


siya sa kanyang misyon, ang lahat ng tao ay ipinanganganak
na mortal.
SAL AMAT!!

You might also like