You are on page 1of 6

I.

Pamagat: ALOHA
II. SIMBOLISMO NG PAMAGAT:

Ang Aloha ay galing sa salitang Olelo Hawaii, isa sa


pinakamatatandang buhay na wika sa daigdig, katumbas ito ng
“kumusta” o “paalam” at ng “pag-ibig” at “pagkagiliw”.
Ikinakabit ito sa ibang salita upang maging gamit-pambati
gaya ng “aloha kakahiaka” (magandang umaga), “aloha auinala”
(magandang tanghali), at “aloha ahiahi” (magandang gabi.
Pero higit na malalim ang kahulugan ng “aloha” kaysa sa
binanggit na pagbati. Ang literal na kahulugan nito ay
“pagkakanaririyan ng hininga” o “hininga ng buhay”, at sa
Hawaii, sumasaklaw ito sa kaibuturan ng pagpapakatao at
espiritwalidad.

Ang “ALOHA” ay ginawaran ng karangalang Kwentong Ginto


noong 1932. Nagtamo rin ng medalyang ginto sa “ilaw at
Panitik” at “kalipunan ng mga Kwentista”.

Ang kwentong “ALOHA” ang pinaka obra maestra ni


Diogracias Rosario at napasama sa katipunang 50 Kwentong
Ginto ng 50 Batikang Kwentista na pinamatnugutan ni Pedro

III. May-Akda:
Si Diogracias A. Del Rosario ay ipinanganak sa Tondo,
Maynila noong ika-17 ng Oktubre 1894 at binawian naman ng
buhay noong ika-26 ng Nobyembre 1936 sa edad na 42 taong
gulang.
Siya ang kinilalang “Ama ng Maikling Kwentong
Tagalog”.Dahil ayon sa mga kritiko si Rosario ang nagbigay
ng tiyak na anyo sa maikling katha bilang isang uri ng
kathang pampanitikan.
Isa siyang makata, kwentista at peryodista. Kilala rin
siya sa bansag na D.A.R at REX at nagsulat sa Ang
Demokrasya, 1912; Buntot Pagi, 1914; Taliba 1917; Pagkakaisa
ng Bayan at Photo News (Liwayway ngayon), Sampaguita, at
Lipang Kalabaw.
Naging Presidente siya ng Ilaw at Panitik,
Katipunan ng mga Kwentista, at Katipunan ng mga Dalubhasa ng
Akademiya ng Wikang Tagalog.
Ayon naman kay Dr. Genoveva Edroza-Matute ay kadalasang
ginagamit ni Diogracias Rosario bilang pangunahing tauhan
ang mga alagad ng sining at kabilang sa mataas na lipunan;
maliban sa ilan ay iniiwasan niyang gumamit ng mga tauhang
galing sa masa at paulit-ulit na lumilitaw sa kanayang akda
ang mga tauhang galing sa ibang bansa ngunit nagbabalik sa
tinubuang lupa.
. IV. Talasalitaan/Mga pahayag
 “Kung ang langit at lupa’y maaaring paglapitin,” ang
giit niya sa akin nang mahulaan niyang ako’y may
pag-aalinlangan sa kanyang sinabi, “ay ang Kanluran
at Silangan pa kaya?”
Nais iparating ng pahayag na ito na kung ang
mayaman na itinututring na langit at mahirap na
itinuturing na lupa ay pinagtatagpo at pinagsasama
anupa’t maaring magkaroon din ng ugnayan ang
magkaibang lahi na may magkaibang pamumuhay at
kultura.

 pinanunuyuan ng laway - di makapgsalita, di


makapaniwala

 “Ang Silangan ay Silangan


Ang Kanluran ay Kanluran;
Magkapatid silang kambal, Magkalayo
habang buhay.”

Ang pahayag ay ginamitan ng tayutay na oksimoron


kung saan mahahalata nag pagkakasulungat ng mga
salita.

 “Hala, ubusin mo na ang iyong kape. Tayo na sa


bahay.
At ang asawa ko ang magsasabi sa iyong “ligaw” si
Kipling.”

Ang salitang ligaw sa pangungusap ay nangangahulgang


mali o sinungaling.

 Hindi niya malaman kung bakit ang mga matang buhay


na buhay ni Noemi ay walang iniwan sa palasong sabay
na

tumuhog sa kanyang puso

Ang pahayag ay ginamitan ng tayutay na pagtutulad


kung saan ang mata ay hinalintulad sa palaso na ibig
namang ipakahulugan na napaibig ng tunay ang kanyang
puso o nabihag ang kanyaang damdamin.

 . Kung pagmasdan niya’y tila pa nasusuklam sa kanya,


dahil sa nanghahaba ang kanilang mga labi, at
nagsisitalim ang kanilang mga mata sa pagtanaw sa
kanya.
V. Mga Elemento
 Tauhan
Dan Merton

- isang Amerikanong mamamahayag sa


Honolulo
Nabihag at umibig kay Noemi
- Lipi ng isang angkangNagtapos sa
isang sikat na Unibersidad sa Los Angeles
- Kapitan ng mapagwaging koponan sa
football sa Southern California
- Habulin ng mga kadalagahan
- Isang gentleman at magandang lalaki
- Walang kinikilingan pagdating sa
pagpili ng mamahalin

Noemi
- isang tunay na kanaka o wahini o
kayumanggi
- Dalagang may mataas na pinag-
aralan - Mahusay magsalita ng
wikang Ingles
- Pangulo ng kapisanan ng mga
Senior sa Punako School
- Malambing at magandang babae na
bumihag sa puso ni Dan Merton at
sa kalaunan ay naging kabiyak
nito.
Daniel Merton
- ama ni Dan Merton
- isang milyonaryong Amerikano
- Malaking tutol sa pag-iibigan ng
mag-asawang Dan Merton at Noemi
- namamayani sa puso at isip ang
racial discrimination at naging
mata pobre
G. Editor
- Isang matandang editor na
kaibigan ni Daniel Merton na
naging kasama ni Dan Merton
sa kanyang pananatili sa
Royal Hawain Hotel sa
Waikiki.
- Naging panauhing pandangal sa
Commencement ng Punako school ng
mga Wahini daan upang magkatagpo
at makilala ni Dan
Merton si Noemi.
 Tagpuan

 Waikiki Tavern, Honolulu, Hawaii, dakong


hapon, habang nagkakape at nanonood sa
paglubog ng araw
 Commencement ng Punaho School, Hawaii
 Bapor ng Malalo sa gitna ng Pasipiko habang
naglalayag patungong Los Angeles
 Disyembre, magpapasko, sa isang bungalow sa
Sta Monica Beach sa Los Angeles

 Banghay ng Pangyayari/Buod
Nagkaroon ng pagkakataong makapaglakbay si Dan
Merton sa Honolulu, Hawaii dahi sa gantimpalang ibinigay
ng kanyang amang si Daniel Merton. Isa ang lipi nila sa
pinakatanyag na milyonaryo sa Hollywood kung kaya’t
naging madali para kay Dan ang pananatili sa Hawaiiat
dahil na rin sa tulong ng isang matandang editor na
kaibigan ng kanyang ama na siyang umalalay sa kanya at
higit sa lahat ay naging daan upang makilala ni Dan si
Noemi, isang kanaka na bumihag sa kanyang puso at sa
huli’y nagi niyang asawa. Kahit batid ni Dan Merton na
labag sa paniniwala at prinsipyo ng kanyang ama ang
makapag-asawa ng di kalahi ay isinama pa rin niya si
Noemi sa kanyang Tahanan sa Los Angeles. Sa kanilang
pagdating ay nagsagawa ng isang pagdiriwang kung saan
dinaluhan ng mga sikat na tao sa Hollywood na isa palang
pakana ni Daniel Merton upang imulat si Noemi sa buhay ng
kanyang asawa at alukan ng malaking halaga iwanan lamang
ang kanyang anak. Di tinanggap ni Noemi ang pera bagkus
ay nagbihis ng katulad sa kanaka na kita ang hubog ng
katawan at nakipagsabayan sa mga dalagang halos hubad na.
sa ganoong paraan niya ipinakita sa biyenan na kaya
niyang makipagsabayan sa kinalakhang buhay ng asawa.
At sa huli ay wala ng nagawa si Daniel Merton kundi
ipaubaya ang kanyang anak sa piling ni Noemi at nagbigay
pa ng malaking halaga bilang panimulang pabaon.Nagbalik
sa Hawaii ang mag-asawa at doon na nanirahan kasama ng
kanilang anak na si “Aloha”.

IV. Tema/Paksa
 Pag-ibig ay makapangyarihan, gagawin ang lahat
masunod lamang ang inaasam, na kahit sino at ano man
ang ihadlang kahit magkaiba ang katangian at
kaugalian mapag-iisa kapag nagmahalan.
VI. Damdamin
Ang damdamin ng kwentong Aloha ay matagumpay sa
pakikipagsapalaran at kuntento sa tinahak na
buhay.
Ang himig ng kwentong Aloha ay masaya at
maromansa.

VII. Paningin/Pananaw
Ang paningin o pananaw ng Kwentong Aloha ay nasa
pangatlong panauhan sapagkat ang mga pangyayari
ay dumaraan sa panauhan na isa sa tauhan ng
kwento na walang mahalagang ginampanan sa
kuwento.
Nabigyan ng puna ng nagsasalaysay ang mga kilos ng
mga tauhan.
Nasasabi rin ng nagsasalaysay ang gusto niyang
sabihin at nais itago.
Patunay:
Ayaw kong ipahalata sa kausap ko ang malaking pagkamangha sa
pagpapasinungaling niya sa sumulat ng “The Ballad of East and West.” Noon ay
magkaibayo kami sa isang mesa sa verandang Waikiki Tavern sa Honolulu at
nakikipagpaalam sa “paglubog ng araw” sa bantog na pasigan ng Waikiki. Tig-isa
kaming tasa ng mainit na kapeng Haba na isinasalit namin ang paghigop sa
pagtanaw sa malalapad na dalig sa ibabaw ng malalaking alon.

VIII. Bisa ng Akdang Pampanitikan


 Bisang Pangkaisipan
- Pinalutang sa kuwento ang konsepto na maaring
magkalapit ang Silangan at Kanluran. Ibig
ipakahulugan na hindi imposible magkaroon ng
ugnayan ang magkaibang lahi.

 Bisang Pandamdamin
- Pag-ibig ang siyang pinakamatibay na sandata
sa pagkakaisa ng magkaibang lahi at kultura.

 Bisang Pangkaasalan
- Ang “racial discrimination” ay
nakapagpapababa ng dignidad ng isang tao
subalit ang paniniwalang ito ay maiwawaksi
kung ipapakita ang sariling kakayahan at
kalidad ng kaibahan upang makipagsabayan.
 Bisang Panglipunan
- Ang sariling kakayahan at pagkakakilanlan ay
bahagi at may halaga sa lipunanang
ginagalawan.
Ang pahayag ay ginamitan ng tayutay na pagmamalabis
kung saan ang nanghahaba ang labi ay tumutukoy sa
pang uuyam at ang nagsisistalim na mga mata ay
galit.

IX. Dulog
Ang kwentong Aloha ay ginamitan ng dulog
Romantisismo sapagkat piangtuunang pansin ang ma
romansang pakikipagsapalaran ng dalawang
nagmamahalan na mayroong magkaibang lahi at
kultura.
Tinalakay rin ang pagkamakototohanan ng mga
pangyayari sa lipunan lalo na ang racial
discrimination kung kaya’t ang kwento ay hinaluan
ng dulor realism.

You might also like