You are on page 1of 2

BUOD NG SAMPUNG DALAGA ( PARABULA)

Nakwento ni Hesus ang tungkol sa


lipon ng mga dalaga o abay na kasali
sa isang magaganap na kasalan. Sa
paghihintay sa lalaking ikakasal, ang
sampung dalaga ay -may dala-dalang
lampara. Lima sa kanila ang
matatalino sapagkat sila ay naghanda
ng ekstrang langis kung sakali sila ay
maubusan. Ang natitirang lima naman
ay masasabing hangal dahil hindi sila
naghanda ng ekstrang langis.
Pagkasapiyt ng madaling araw, narinig
nila na parating na ang lalaking
ikakasal. Inihanda nila ang kanilang
lampara ngunit naubusan ng langis
ang lampara ng mga hangal.
Sinubukan nilang humingi sa
matatalino ngunit sila'y hindi
nabigyan. Sila ay umalis upang bumili
ng langis. Nang dumating ang lalaking
ikakasal, wala sila. Pagkadating ay
nakita nila na ang pintuan ay sarado
na. Sila'y nagmaka-awa upang sila'y
pagbuksan ngunit huli na ang lahat.

You might also like