You are on page 1of 5

Boung Akda

ANG PARABULA NG SAMPUNG DALAGA

Isang malaking kasalan ang inihahanda. Tulad ng nakagawian ng mga Hudyo sa


bayan ng Israel, maringal at malaki ang kasalan. Mahaba ang panahon ng paghahanda.
Nagsimula ito sa pag-uusap at pagkakasundo ng ama ng binata at ama ng dalagang ikakasal
na sinundan ng pagtanggap ng dalaga sa panunuyo ng kanyang mangingibig.

Sunod na pinag-usapan ang mga detalye ng kasalan, kung saan ito gaganapin, ano-
ano ang mga paghahandang gagawin, at kung magkano ang dote o bigay-kayang
ipagkakaloob sa dalaga. Nang matapos ang kasunduan ay lumayo muna ang binata upang
maihanda ang kanilangmagiging tahanan. Halos isang taon ang pagkakalayong ito na din sa
katatagan ng pag-ibig ng binata at dalaga sa isa't isa.

Ang kasalan ng mga Hudyo ay karaniwang ginaganap sa gabi. Sa wakas, sumapit na


ang gabing pinanabikan ng lahat. Unang nagpunta a lalaking ikakasal sa tahanan ng
kanyang kasintahan upang siya'y sunduin at saka silá tutuloy sa tahanan ng binata upang
doon idaos ang maringal na kasalan.

Sa labas ng tahanan ng binatang ikakasal ay sampung dalagang may dala- dalang


ilawan ang itinalagang maghintay sa pagdating ng lalaking ikakasal. Ang lima sa mga
dalagang ito ay matatalino. Inasahan na nilang maaaring maantala ang pagdating ng
ikakasal kaya't nagdala sila ng sobrang langis para sa ganitong pangyayari. Ang lima naman
ay mga hangal sapagkat nagdala nga sila ng ilawan ay hindi naman sila nagbaon ng
karagdagang langis. Naghintay nang naghintay ang mga dalaga subalit lumalalim na ang
gabi'y wala pa ang ikakasal kaya't sila'y nakatulog sa kahihintay.

Nang maghahatinggabi na ay dumating ang isang tagapagbalita. "Paparating na


ang lalaking ikakasal! Lumabas na kayo at maghanda upang salubungin siya!" Masayang
nagsigawan ang mga tao. Agad bumangon ang sampung dalaga at inayos ang kani-kanilang
ilawan at humilera sa magkabilang gilid ng daan upang maging handa sa paparating na
ikakasal. Subalit ang ilawan ng limang dalagang hangal ay aandap-andap. Dahil sa matagal
na paghihintay ay naubos ang langis sa kanilang ilawan "Bigyan naman ninyo kami kahit
kaunting langis. Aandap-andap aming mga ilawan," ang pakiusap nila sa matatalinong
dalaga.
"Pasensiya na. Ang dalá naming langis ay sapat lamang sa aming ilawan. Hindi ito
magkakasya sa ating lahat. Mabuti pa'y pumunta muna kayo sa tindahan at bumili ng para
sa inyo," tugon naman ng matatalino. Kaya't dali-daling lumakad ang limang hangal na
dalaga upang bumili ng langis.

Habang bumibili silá ay siya namang pagdating ng lalaking ikakasal. Ang limang
nakahanda ay kasama agad niyang pumasok sa kasalan at saka isinara ang pinto. Kaugalian
kasi noon na tanging ang mga taong ná sa labas pagdating ng ikakasal ang papapasukin sa
piging upang maiwasang makapasok ang mga taong hindi naman imbitado at hindi kilala
ng ikakasal.

Nang nasa loob na ang lahat ay humahangos na dumating ang limang hangal na dalaga.
"Panginoon, panginoon, papasukin po ninyo kami!" sigaw nila. Hindi na silá pinapasok at sa
halip ay tumugon ang binatang ikakasal na siya rin nilang panginoon nang ganito: "Hindi ko
kayo nakikilala." Walang nagawa ang mga hangal na dalaga kundi buong panlulumong
pinagsisihan ang hindi nila paghahanda para sa pangyayaring ito.
Mga Tauhan

Limang matalinong dalaga - mga dalagang nagdala o naghanda ng


reserba ng langis para sa kanilang ilawan dahil inaasahan na nilang
maaring maantala ang pagdating ng ikakasal
Limang hangal na dalaga - mga dalagang hindi nagdala o naghanda
ng reserba ng langis
Lalaking ikakasal - ang nagrepresenta sa Panginoon
Babaeng ikakasal

MGA PANGYAYARI
May sampung dalagang nasa labas sa bahay ng lalaking ikakasal upang
sumalubong. Bawat isa'y may dalang ilawan. Ang lima sa kanila'y hangal at
ang lima nama'y matatalino. Ang mga hangal ay nagdala ng kanilang mga
ilawan ngunit hindi nagbaon ng langis. Ang matatalino nama'y nagbaon ng
langis, bukod pa sa nasa kanilang mga ilawan. Naantala ang pagdating ng
lalaking ikakasal kaya't inantok at nakatulog sila sa paghihintay.
Ang ikakasal ay matagal nakarating, lumalim na ang gabi hindi pa
rin sila nakarating kaya nakatulog ang sampung dalaga.
Nang naghating gabi na, dumating ang tagapagbalita na nagsabi na
paparating na ang ikakasal kaya masayang nagsigawan ang mga tao. Agad
bumangon ang sampung dalaga at inayos ang kani-kanilang ilawan at
humilera sa magkabilang gilid ng daan. Subalit ang ilawan ng limang dalagang
hangal ay paandap-andap na. Dahil sa matagal na paghihintay ay naubos ang
langis sa kanilang ilawan. Kaya nakiusap sila sa matatalinong dalagang
nagdala ng reserba ng langis na bigyan sila ng langis.
Ngunit humingi ng pasensya ang matatalinong dalaga dahil hindi
nila sila mabibigyan sapagkat ang dala nilang reserbang langis ay sakto lang
para sa kanila kaya't sinabihan na lang ng matatalinong dalaga ang hangal na
mga dalaga na pumunta sa tindahan upang bumili. Kaya't dali-daling lumakad
ang limang hangal na dalaga upang bumili ng langis.
Habang wala sila, dumating ang ikakasal. Ang limang nakahanda
ay kasama nilang pumasok sa kasalan, at isinara ang pinto.
Pagkatapos, dumating naman ang iba pang dalaga. At nagsisigaw
na papasukin sila.
Hindi na silá pinapasok at sa halip ay tumugon ang binatang
ikakasal na siya rin nilang Panginoon na hindi sila kilala Nito. Walang nagawa
ang mga hangal na dalaga kundi buong panlulumong pinagsisihan ang hindi
nila paghahanda para sa pangyayaring ito.

ARAL
Ang pagiging handa ay isa sa mga aral na natutunan ko sa Parabula ng
Sampung Dalaga. Ang parabula ay nagpapakita ng kawalan ng oras at pag-
urong ng pagkakataon. Ipinapakita nito na hindi natin alam kung kailan
darating ang mga pagbabago o pagsubok sa buhay natin, kaya't mahalaga na
laging handa tayo.
Ang parabula ay nagbibigay-hinuha na ang buhay ay puno ng
kaganapan, at dapat tayong maging handa sa mga pagkakataon at pagsubok na
darating. Ipinapakita nito ang kahalagahan ng pagiging handa upang hindi
tayo mapag-iwanan.

You might also like