You are on page 1of 16

Ang Parabula ay Maaaring

Maganap sa sa Tunay na
Buhay
Ano ang Parabula?

– Ang parabula ay gumagamit ng pagtutulad upang


bigyan ng diin ang kahulugan. Ito ay madalas na hango
sa Banal na Kasulatan at kuwentong umaakay sa tao sa
matuwid na landas ng buhay.
Ang Parabula ng Sampung Dalaga
Isang malaking kasalan ang inihahanda. Tulad ng nakagawian ng mga Hudyo sa bayan ng Israel, maringal ang kasalan. Mahaba ang panahon ng paghahanda. Nagsimula ito sa pag-uusap at pagkakasundo ng
ama ng binata at ng dalagang ikakasal na sinundan ng pagtanggap ng dalaga sa panunuyo ng kanyang mangingibig.
Kasunod na pinag-usapan ang mga detalye ng kasalan, kung saan ito gaganapin, ano-ano ang mga paghahandang gagawin, at kung magkano ang dote o bigay-kayang ipagkaloob sa dalaga. Nang matapos ang
kasunduan ay lumayo muna ang binata upang maihanda ang kanilang magiging tahanan. Halos isang taon ang pagkakalayong ito na sumubok din sa katatagan ng pag-ibig ng binata at dalaga sa isa’t isa.
Ang kasalan ng mga Hudyo ay karaniwang ginaganap sa gabi.
Sa wakas, sumapit na ang gabing pinanabikan ng lahat. Unang
nagpunta ang lalaking ikakasal sa tahanan ng kanyang
kasintahan upang siya’y sunduin at saka sila tutuloy sa tahanan
ng binata upang doon idaos ang maringal na kasalan.
Sa labas ng tahanan ng binatang ikakasal ay sampung dalagang
may dalang ilawan ang itinalagang maghintay sa pagdating ng
lalaking ikakasal. Ang lima sa mga dalagang ito ay matatalino.
Inasahan na nilang maaaring maantala ang pagdating ng
ikakasal kaya’t nagdala sila ng sobrang langis para sa ganitong
pangyayari. Ang lima naman ay hangal sapagkat nagdala nga
sila ng ilawan ay hindi naman sila nagbaon ng karagdagang
langis. Naghintay nang naghintay ang mga dalaga subalit gabi
na’y wala pa ang ikakasal kaya’t sila‘y nakatulog sa kahihintay.
Nang maghahatinggabi na ay dumating ang isang
tagapagbalitang nagsabing paparating na ang lalaking
ikakasal. “Paparating na ang lalaking ikakasal!” Lumabas
na kayo at maghanda upang salubungin siya!” Masayang
nagsigawan ang mga tao.
Agad bumangon ang sampung dalaga at inayos
ang kani-kanilang ilawan at humilera sa magkabilang gilid
ng daan upang maging anda sa paparating na ikakasal.
Subalit
ang ilawan ng limang dalagang hangal ay aandap-andap
na. Dahil sa matagal na paghihintay ay naubos ang langis
sa kanilang ilawan. “Bigyan naman ninyo kami kahit
kaunting langis. Andap-andap na ang aming mga ilawan,”
ang pakiusap nila sa matalinong dalaga.
“Pasensya na, subalit ang dala naming langis ay sapat lamang sa aming ilawan. Hindi
ito magkakasya sa ating lahat. Mabuti pa’y pumunta muna kayo sa tindahan at bumuli
ng para sa inyo; tugon naman ng matatalino. Kaya’t dali-daling lumakad ang limang
dalaga upang bumili ng langis.
Habang bumibili sila ay siya namang pagdating ng lalaking ikakasal. Ang limang
nakahanda ay kasama agad niyang pumasok sa kasalan at saka isinara ang pinto.
Kaugalian kasi noong tanging ang mga taong nasa labas pagdating ng ikakasal ang
papasukin sa piging upang maiwasang makapasok ang mga taong hindi naman
imbitado at hindi kilala ng ikakasal.
Nang nasa loob na ang lahat ay humahangos na dumating sng limang hangal na dalaga.
“Panginoon, panginoon, papasukin po ninyo kami!” sigaw nilaa. Hindi na sila
pinapasok at sa halip ay tumugon ang binatang ikakasal na siya rin nilang panginoon
nang ganito: “Hindi ko kayo nakikilala. “Walang nagawa ang mga hangal na dalaga
kundi buong panlulumong pinagsisihan ang hindi nila paghahanda para sa
pangyayaring ito.
Ang kaharian ng langit ay maihahalintulad sa parabulang ito. Kinakailangan nating
maghanda at magbantay, sapagkat hindi natin alam ang araw o ang oras man nang
Kanyang muling pagparito.

Hango sa Mateo 25:1-13


Gawin mo ang “Tanong Ko, Ipaliwanag Mo”. Isulat ang
inyong sagot sa nakalaang kahon sa ibaba.

•Ano ang mensaheng nais ipahiwatig ng


parabula?

•Batay sa parabulang binasa magtala ng


dalawang (2) kaganapan o pangyayari.
a.
b.
Alin sa mga katangian ng dalawang uri ng mga
dalaga ang nais mong tularan? Bakit?

Magbigay ng isang pangyayari na naganap sa


kasalukuyang panahon na may kaugnayan sa mga
pangyayaring naganap sa binasang parabula.

Magbigay ng dalawang (2) aral ang makikita sa


nabasang parabula.

a.
b
Pagbuo ng Grapic Organizer:
Suriing muli ang binasang parabula. Gamit ang graphic organizer sa ibaba, isulat sa
nakalaang kahon ang mga mahahalagang pangyayari sa binasang parabula.

1. 2. 3.
Hahatiin sa limang grupo ang mga estudyante.
Mamimili ang bawat grupo ng isang parabula o
teksto mula sa biblya na batay sa isang
pangyayari sa tunay na buhay nila, maari
Rubrik para sa
silang bumase sa mga halimbawa ng mga
parabula na naibigay sa aktibidad, bibigyan
aplikasyon
nila ito ng isang magandang aral na kapit sa Kaugnayan ng teksto
iba’t ibang aspeto ng buhay. Bibigyan ang sa buhay – 30 %
bawat grupo ng 7 minuto para Pagkakapit sa aspeto
magkolaborasyon at 3 minuto para ipresenta – 30 %
ang ginawa nila.
Presentasyon – 40 %
Quiz: Pusoan Mo Ako: Iguhit ang puso kung ang pangyayari ay makikita sa
binasang parabula at may kaugnayan sa nagaganap sa kasalukuyang panahon.

Mga Pangyayari

Ang paghahanda ng lalaki para sa paparating na kasal.


Ang pagkakasundo ng ikakasal sa mahabang pahanon.
Ang kasalan ay nagaganap sa tanghali.

Limitado lamang ang imbitado sa kasal.


Nakahilera ang mga bata na susundo sa ikakasal.
Pag-uusap ng mga magulang sa ikakasal.
Paghahanda ng mga dalaga sa nalalapit na kasal.
Inaanyayahan ang lahat upang makadalo sa kasal.
Ang pagbibigay kaya sa dalagang mapapangasawa.
Ang paglipat ng mga gamit sa bahay ng babae.
Sa gabi ginanap ang kasal.
Ang mga magulang ng dalaga ang maghanda sa kasal.
Engrande ang paghahanda sa nasabing kasal.
Kailangang pumunta ang lalaki sa bahay ng babae upang ito’y sunduin.

Ang ikakasal ay susunduin ng limang (5) dalaga lamang.

You might also like