You are on page 1of 29

1

Magandang
Umaga!
2
Link - https://im-a-
puzzle.com/#/menu?
custom=true&shareToWin=0

3
“I-Jigsaw mo ko beybe!
4
Kaligirang
Kasaysayan ng Noli
Me Tangere
Mga Layunin
Sa pagtatapos ng aralin dapat magawa ng mga mag-aaral ang;
◈ Pagtukoy sa layunin ng may-akda sa pagsulat nito;
◈ Pagtukoy sa mga kondisyon ng lipunan sa panahong isinulat ito;
◈ Nailalarawan ang mga kondisyong panlipunan sa panahong
isinulat ang akda at ang epekto nito matapos maisulat hanggang
sa kasalukuyan.

6
HOLA!
Handa na ba kayo?

7
8
Noli Me Tangere

9
Kaligirang Kasaysayan ng Noli Me Tangere
Ang Noli Me Tangere ang kauna-unahang
nobelang isinulat ni Rizal. Magdadalawampu’t
apat na taon pa lamang siya nang isulat niya ito.
Naisipan ni Rizal na sumulat ng Noli Me
Tangere dahil sa tatlong aklat na nagbigay sa
kaniya ng inspirasyon: The Wandering Jew,
Uncle Tom’s Cabin, at ang Bibliya.
10
Nang mabasa ni Rizal ang aklat na The Wandering Jew (Ang
Hudyong Lagalag) ay nabuo sa kaniyang puso na sumulat ng isang
nobelang gigising sa natutulog na damdamin ng mga Pilipino at
magsisiwalat sa kabuktutan at pagmamalupit ng mga Espanyol.
Ang The Wandering Jew ay tungkol sa isang lalaking kumutya kay
Hesus habang siya ay patungo sa Golgota. Ang lalaking ito ngayon
ay pinarusahan na maglakad sa buong mundo nang walang tigil.
Ang Uncle Tom’s Cabin ay tungkol sa pagmamalupit ng mga puting
Amerikano sa mga Negro. Tumindi ang pagnanais ni Rizal na
makabuo ng aklat na tumatalakay sa pagmamalupit ng Kastila sa
mga Pilipino.

11
Ang pamagat na “Noli Me Tangere’’ ay salitang Latin na ang
ibig sabihin sa wikang Filipino ay ‘’huwag mo akong salingin’’
na hango sa Bibliya sa Ebanghelyo ni San Juan.
Inilathala ang unang nobela ni Rizal noong dalawampu’t anim na
taong gulang siya. Makasaysayan ang aklat na ito at naging
instrumento upang makabuo ang mga Pilipino ng pambansang
pagkakakilanlan.
Sa simula, binalak ni Rizal na ang bawat bahagi ng nobela ay
ipasulat sa ilan niyang kababayan na nakababatid sa uri ng
lipunan sa Pilipinas at yaon ay pagsasama-samahin niya upang
maging nobela. Ngunit hindi ito nagkaroon ng katuparan, kaya
sa harap ng kabiguang ito, sinarili niya ang pagsulat nang
12
walang katulong.
Bago matapos ang taong 1884 ay sinimulan niya itong isulat sa Madrid
at doo’y natapos niya ang kalahati ng nobela. Ipinagpatuloy niya ang
pagsulat nito sa Paris noong 1885 at natapos ang sangkapat. Natapos
naman niyang sulatin ang huling ikaapat na bahagi ng nobela sa
Alemanya noong Pebrero 21, 1887. Natapos niya ang Noli Me Tangere,
ngunit wala siyang sapat na halaga upang maipalimbag ito. Mabuti na
lamang at dumalaw sa kaniya si Maximo Viola na nagpahiram sa kaniya
ng salapi na naging daan upang makapagpalimbag ng dalawang libong
(2,000) sipi nito sa Imprenta Lette.
Si Rizal mismo ang nagdisenyo ng pabalat ng nobela. Pinili ni Rizal ang
mga elemento na ipaloloob niya rito, hindi lamang ang aspektong
astetiko ang kaniyang naging konsiderasyon – higit sa lahat ay ang
aspekto ng simbolismo.
13
Nagalit man ang mga Espanyol kay Rizal at nangamba
ang kaniyang pamilya na baka siya’y mapahamak,
inibig pa rin niyang makabalik sa Pilipinas dahil: Una,
hangarin niyang maoperahan ang kaniyang ina dahil sa
lumalalang panlalabo ng mata. Pangalawa, upang
mabatid niya ang dahilan kung bakit hindi tinugon ni
Leonor Rivera ang kaniyang mga sulat mula taong
1884-1887. Panghuli, ibig niyang malaman kung ano
ang naging bisa ng kaniyang nobela sa kaniyang bayan
at mga kababayan.
14
Ang nobela ay tumatalakay sa mga kinagisnang kultura ng
Pilipinas sa pagiging kolonya nito ng Espanya. Binabatikos din ng
nobela ang mga kaugalian na nakasanayan ng mga Pilipino at ang
kapangyarihang taglay ng simbahang Katoliko na nahihigitan pa
ang kapangyarihan ng mga lokal na alkalde. Bumuo ng
kontrobersya ang nobelang ito, kung kaya't pagkatapos lamang ng
ilang araw na pagbalik ni Rizal sa Pilipinas, tinanggap ni
Gobernador Heneral Terrero sa Malacañang at inabisuhang puno
ng subersibong ideya ang Noli Me Tangere. Pagkatapos ng
usapan, napayapa ang liberal na Gobernador Heneral ngunit
nabanggit niya na wala siyang magagawa sa kapangyarihan ng
simbahan na gumawa ng kilos laban sa nobela ni Rizal.
15
Ayon sa liham ni Dr. Jose Rizal kay Dr. Ferdinand Blumentritt, ang mga


layunin niya ay ang sumusunod:
1. Matugunan ang paninirang puring ipinaratang ng mga Kastila sa mga
Pilipino at sa bansa.
2. Maiulat ang kalagayang panlipunan, uri ng pamumuhay, mga
karaingan at kalungkutan.
3. Maihayag ang maling paggamit ng relihiyon na ginagawang dahilan o
sangkalan sa paggawa ng masama.
4. Maipaliwanag ang pagkakaiba ng tunay sa ‘di tunay na relihiyon.
5. Mailantad ang kasamaang nakakubli sa karaingan ng pamahalaan.
6. Mailarawan ang mga kamalian, masasamang hilig, kapintasan at
kahirapan sa buhay. 16

Isinulat niya ang Noli Me Tangere upang mabuksan ang
mga mata ng Pilipino sa kanser ng lipunan na nangyayari
sa bansa. Ito ay ang pananakop ng mga Kastila sa
Pilipinas.

17
Gawain: KaalamanKo, IlalahadKo
◈ Panuto: Tukuyin ang mga layunin ng may-
akda sa pagsulat ng kaligirang kasaysayan
ng Noli Me Tangere. Kopyahin ang pormat
sa hiwalay na papel at isulat ang iyong sagot.

18
19
IlalarawanKo
◈ Panuto: Ilarawan ang mga kondisyong
panlipunan sa panahong isinulat ang akda at
ibigay ang naging epekto nito matapos
maisulat hanggang sa kasalukuyan. Isulat
ang sagot sa hiwalay na papel.

20
21
AKTIBIDAD
Panuto: Gumuhit ng isang poster o
bumuo ng islogan na nailalarawan at
napatutunayan na ang mga kondisyong
panlipunan ay umiiral sa panahong
isinulat ang Noli Me Tangere. Sumulat
ng maikling pagpapaliwanag tungkol dito
na nakapaloob ang layunin ng may-akda
at ibigay ang epekto nito matapos
maisulat hanggang sa kasalukuyan.

22
Mahusay na mahusay Mahusay 4 Mahusay- husay Paghusayan pa 2 Natamo ng
Kraytirya 5 na puntos puntos 3 puntos puntos Puntos

Pagkamalikhain Lubos na nagpamalas ng Naging malikhain sa Hindi gaanong Walang ipinamalas


pagkamalikhai n sa paghahanda. naging malikhain na pagkamalik- hain
paghahanda. sa paghahanda. sa paghahanda.

Presentasyon Lubhang naging malinaw Naging malinaw Hindi gaanong Hindi naging
ang paghahatid ng paghahatid ng malinaw ang malinaw ang
mensahe. mensahe. paghahatid ng paghahatid ng
mensahe. mensahe.

Organisasyon Buo ang kaisipan, May kaisahan at Konsistent, may Hindi ganap ang
konsistent, kumpleto ang may sapat na kaisahan, kulang sa pagkakabuo,
detalye. detalye at malinaw detalye at hindi kulang ang detalye
na intensiyon. gaanong malinaw at ‘di malinaw ang
ang intensiyon. intensiyon

Kaangkupan Angkop na angkop ang Angkop ang mga Hindi gaanong Hindi angkop ang
sa Paksa mga salitang ginamit sa salitang ginamit sa angkop ang mga mga salitang
islogan, larawan sa poster islogan, larawan sa salitang ginamit sa ginamit na sa
at paliwanag sa paksa. poster at islogan, larawan sa islogan, larawan sa
paliwanag sa poster at poster at paliwanag
paksa. paliwanag sa sa paksa.
paksa.
23
Kabuoan
Ano mga gusto
nyong itanong
tungkol sa aralin
natin?

24
Quiz
Panuto: Kopyahin sa hiwalay na papel ang grapikong pantulong sa ibaba at
punan ng mga angkop na sagot ang hinihingi ng bawat kahon.

25
26
Gusto mo
ng mas
masaya?

Magbigay ng karanasan nyo sa buhay na


pinaka hindi nyo malilimutan at ilahad ito sa
klase.

Mag-Jowa
ka! LOL
27
Takdang Aralin

Panuto: Maglahad sa
maikli ng sariling
pananaw tungkol sa
buhay ni Jose Rizal.

28
SALAM
AT!
Paalam!

You might also like