You are on page 1of 6

Hirarkiya ng

Pagpapahalaga
ESP 7
1. Pandamdam na Pagpapahalaga (Sensory
Values)
ito ay itinuturing na pinakamababang antas sa
kadahilanang tumutukoy ito sa mga pagpapahalagang
nagdudulot ng kasiyahan ng tao katulad ng pangunahing
pangangailanagn ng tao. Halimbawa ay damit, tubig,
tirahan, pagkain at maraming pang iba. Kasama rin dito
ang mga bagay na maituturing na luho o kagustuhan ng
isang tao kagaya ng mga mamahaling alahas, sasakyan,
cellphone, sapatos at labis na hinahangad ng ilang tao.
2. Pambuhay na Pagpapahalaga (Vital Values)
ito ay ang pagpapahalagang may kinalaman sa
kung paano mapabubuti ang kalagayan ng buhay
ng isang tao (well-being). Halimbawa mahalaga sa
isang tao ang kumain ng masustansyang pagkain
upang siya ay lumakas at magkaroon ng enerhiya
sa mga pang araw-araw na gawain o di kaya’y
magpahinga o magbakasyon kapag
nakararamdam na ng pagkapagod.
3. Ispirituwal na Pagpapahalaga (Spiritual Values)
ang pagpapahalagang ito ay tumutukoy sa
pagpapahalagang pangkabutihan, hindi lamang sa
sarili kundi pati na rin sa nakararami. Halimbawa
ang pagbibigay ng katarungan sa isang tao o
pagbibigay ng kapayapaan.
4. Banal na Pagpapahalaga (Holy Values) ito ang
pinakamataas sa lahat ng antas ng pagpapahalaga sa
kadahilang dito inihahanda ang isang tao sa pagharap
sa Diyos. Ang paggawa ng mabuti ng isang tao tungo sa
kabanalan. Halimbawa, pagsunod at pagsasabuhay sa
mga utos ng Diyos.

You might also like