You are on page 1of 2

IKATLONG MARKAHAN

ARALIN 3
HIRARKIYA NG PAGPAPAHALAGA

Naisasagawa ng mag-aaral ang paglalapat ng mga tiyak na hakbang upang mapataas ang antas
ng kaniyang mga pagpapahalaga.
1. Natutukoy ang iba’t ibang antas ng pagpapahalaga at ang mga halimbawa ng mga ito. EsP7PB-
IIIc-10.1
2. Nakagagawa ng hagdan ng sariling pagpapahalaga batay sa Hirarkiya ng mga Pagpapahalaga
ni Max Scheler. EsP7PB-IIIc10.2

Gusto mo bang maging tunay na mabuting tao? Halina’t alamin sa araling ito kung gaano na nga
ba kalalim ang ating pagpapahalaga.
Lahat ng tao ay may pinahahalagahan, bagay man ito o taong espesyal. Ngunit mahalagang
maunawaan kung paano husgahan kung mababa o mataas ang isang pagpapahalaga. Sumulat
si Max Scheler na tinawag nyang Hirarkiya ng Pagpapahalaga, dito ipinaliwanag niya ang iba’t-
ibang bahagdan ng pagpapahalaga.

Banal na
Pagpapah
Ispiritwal alaga
na (Holy
Pambuha Pagpapah Values)
y na alaga
Pagpapa (Spiritual
Pandamda Values)
m na halaga
Pagpapah (Vital
alaga Values)
(Sensory
Values

1. Pandamdam na Pagpapahalaga (Sensory Values) ito ay itinuturing na pinakamababang


antas sa kadahilanang tumutukoy ito sa mga pagpapahalagang nagdudulot ng kasiyahan ng tao
katulad ng pangunahing pangangailanagn ng tao. Halimbawa ay damit, tubig, tirahan, pagkain at
maraming pang iba. Kasama rin dito ang mga bagay na maituturing na luho o kagustuhan ng
isang tao kagaya ng mga mamahaling alahas, sasakyan, cellphone, sapatos at labis na
hinahangad ng ilang tao.
2. Pambuhay na Pagpapahalaga (Vital Values) ito ay ang pagpapahalagang may kinalaman
sa kung paano mapabubuti ang kalagayan ng buhay ng isang tao (well-being). Halimbawa
mahalaga sa isang tao ang kumain ng masustansyang pagkain upang siya ay lumakas at
magkaroon ng enerhiya sa mga pang araw-araw na gawain o di kaya’y magpahinga o
magbakasyon kapag nakararamdam na ng pagkapagod. Kasama rin dito ang pagkakaroon ng
makakausap kung ikaw ay nalulungkot upang mabawasan ang hirap o sakit na iyong
nararamdaman.
3. Ispiritwal na Pagpapahalaga (Spiritual Values) ang pagpapahalagang ito ay tumutukoy sa
pagpapahalagang pangkabutihan, hindi lamang sa sarili kundi pati na rin sa nakararami.
Halimbawa ang pagbibigay ng katarungan sa isang tao o pagbibigay ng kapayapaan.
4. Banal na Pagpapahalaga (Holy Values) ito ang pinakamataas sa lahat ng antas ng
pagpapahalaga sa kadahilang dito inihahanda ang isang tao sa pagharap sa Diyos. Ang paggawa
ng mabuti ng isang tao tungo sa kabanalan. Halimbawa, pagsunod at pagsasabuhay sa mga utos
ng Diyos.
TANDAAN
Ang moral na kilos ay nangyayari kung ang isang tao ay nagnanais ng isang pagpapahalaga
kapalit ng iba pang mga pagpapahalaga. Ang paghatol sa pagiging mabuti o masama ng kilos ng
tao ay nakasalalay sa pagpili ng pahahalagahan ng isang tao. Kung pinili mo ang tawag ng iyong
konsensya bilang mabuti, nakikita na mas ninanais ang mataas na pagpapahalaga kaysa sa
mababang pagpapahalaga o positibong pagpapahalaga kaysa negatibong pagpapahalaga. Sa
kabilang banda, maituturing na masama ang isang gawain kung piniling gawin ang mas mababa
kaysa sa mataas na pagpapahalaga o negatibong pagpapahalaga kaysa sa positibong
pagpapahalaga.

Sanggunian
https://pdfslide.net/education/k-to-12-grade-7-learning-module-in-edukasyon-sapagpapakatao-
q3-q4.html

You might also like