You are on page 1of 1

Kagawaran ng Edukasyon

Rehiyon VII, Sentral Visayas


Sangay ng Bohol
Edukasyon sa Pagpapakatao

IKATLONG MARKAHAN
Edukasyon sa Pagpapakatao 7

Quarter 3 Week : 3 Day : 1 Activity No. : 5


Pamagat ng Gawain Hirarkiya ng mga Pagpapahalaga
Kompetensi Natutukoy ang iba’t ibang antas ng pagpapahalaga at ang mga halimbawa
ng mga ito. (EsP7PBIIIc-10.1)
Layunin Natutukoy ang iba’t ibang antas ng pagpapahalaga at ang
mga halimbawa ng mga ito.
Sanggunian Edukasyon sa Pagpapakatao 7. Manila, 2013.
Education, Department of. Edukasyon sa Pagpapakatao 7 Learners Manual. Manila: DepEd,
2010.
Copyright For classroom use only
DepEd owned material

Konsepto

Ang Hirarkiya ng Pagpapahalaga ayon kay Max Scheler (Dy, M. Jr., 1994) ay itinuturing “ordo amoris” o
order of the heart. Naniniwala siyang “ang puso ng tao ay kayang magbigay ng kanyang sariling katuwiran na
maaaring hindi mauunawaan ng isip”.

1. Pandamdam na mga Pagpapahalaga (Sensory Values)


 Itinuturing na nasa pinakamababang antas ng pagpapahalaga, tumutukoy ito sa mga
pagpapahalagang nagdudulot ng kasiyahan sa pandamdam ng tao.
 Halimbawa: pagkain, damit, tirahan, mga luho

2. Pambuhay na Pagpapahalaga (Vital Values)


 Ito ay mga pagpapahalagang may kinalaman sa mabuting kalagayan ng buhay (well-being) tulad
ng pagkain ng masustansyang pagkain.

3. Mga Ispiritwal na Pagpapahalaga (Spiritual Values)


 Tumutukoy sa mga pagpapahalagang para sa kabutihan, hindi ng sarili kundi ng mas
nakararami.

4. Banal na Pagpapahalaga (Holy Values)


 Ito ang pinakamataas sa lahat ng antas ng mga pagpapahalaga. Tumutukoy ito sa mga
pagpapahalagang kailangan sa pagkamit ng tao ng kaniyang kaganapan upang maging handa sa
pagharap sa Diyos.

Pagsasanay
A. Panuto: Basahing mabuti ang mga sumusunod na sitwasyon . Tukuyin kung anong pagpapahalaga
ang isinasaad nito.
1. Si Melissa ay nagdadalaga na at nag-aaral sa hayskol. Tuwing binibigyan siya ng baong pera,
tinitipid niya ito upang may maibili siya ng bagong estilo ng pananamit na hinahangad niya.
2. Si Sabrina ay nagbibisekleta tuwing umaga upang makapag-ehersisyo at kumakain ng pagkaing
masustansiya para dagdag resistensiya. Ito ang kanyang paraan upang hindi mahawa sa covid-
19 na nagdala ng pandemiya.
3. Hangad ng mga frontliners na gumaling ang mga pasyente nila kaya sila ay nagtitiyaga kahit
minsan ay hindi na makapiling ang pamilya nila. Ito ay ginagawa nila upang tayo lahat ay
maisalba sa pandemya at mapabuti ang kalagayan lahat ng sangkatauhan.
4. Hindi nakaligtaan ng pamilyang Marcos ang pagdadasal at pagpunta sa simbahan upang
maiparating sa dakilang ama ang laking pasasalamat sa biyayang natanggap nila.
5. Mahalaga para kay Angela ang gintong tirahan at luho nya dahil ito ang nagpapasaya sa kanya.

You might also like