You are on page 1of 5

R epublic of the P hilippines

D epartment of E ducation
Region V – Bicol
SCHOOLS DIVISION OFFICE of CAMARINES NORTE
_________________________________________________________________________
_

LEARNING ACTIVITY SHEET IN EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 7


Quarter 3 – Week 6: HIRARKIYA NG PAGPAPAHALAGA
Name of Student: _________________________________________

Learning Area: ________Grade Level_____________Date: ____________

HIRARKIYA NG

ating panibagong
aralin sa araw na
umpisahan ang
Handa na ba
PAGPAPAHALAGA

kayong

ito?
I. Panimulang konsepto:

Matapos mong matukoy ang iyong mga pinahahalagahan, mahalaga na


matutunan mo rin bilang isang nagdadalaga/nagbibinata ang pagpili ng kung alin ang mas
dapat pahalagahan sa ating buhay sapagkat ito ang huhubog sa ating pagkatao.

II. Kasanayang Pampagkatuto Mula sa MELCs:

Nakagagawa ng hagdan ng sariling pagpapahalaga batay sa hirarkiya ng


mga pagpapahalaga ni Max Scheler (EsP7PB-IIIc-10.2)

III, Mga Gawain:


Gawain: Nagbago Na Nga Ba Ako?

Panuto: Isulat sa bawat hagdan ang tamang pagkakasunod-sunod ng apat na antas


sa Hirarkiya ng Pagpapahalaga ni Max Scheler. Piliin rin ang larawan na angkop sa
bawat antas. Isulat lamang ang titik ng tamang sagot.

A. B.

C. D.

Pamprosesong Tanong:
1. Ipaliwanag ang pagkakasunod-sunod na iyong ginawa. Ano ang ginamit
mong batayan o pamantayan sa pagtukoy kung anong antas ang
kinabibilangan ng bawat larawan?
2.
Gawain 2:
Panuto: A. Isulat ang sampung pinahahalagahan mo sa buhay

1. _______________
2. _______________
Antas na maraming taglay na Sinasabi nito tungkol sa aking
pagpapahalaga: pagpapahalaga:
Antas na kaunti ang taglay na
pagpapahalaga:

Paano ko masasabing nasa Gagawin upang mapataas ang


mataas na antas ang aking antas ng pagpapahalaga:
pagpapahalaga:

MGA TANONG:

1. Aling antas sa iyong hagdan ng pagpapahalaga ang


marami kang pagpapahalagang natukoy? Alin ang may
kaunti?
2. Ano ang sinasabi nito tungkol sa iyong mga pagpapahalaga?
3. Paano mo masasabing nasa mataas na antas ang iyon mga
pagpapahalaga?
4. Ano ang gagawin mo upang mapataas ang antas ng iyong
pagpapahalaga

IV. Pagpapalalim :

Ang Hirarkiya ng Pagpapahalaga ayon kay Max Scheler (Dy, M. Jr., 1994)

Banal

Ispiritwal

Pambuhay

Pandamdam

1. Pandamdam na mga Pagpapahalaga (Sensory Values).


Itinuturing na nasa pinakamababang antas ng pagpapahalaga, tumutukoy ito sa mga
pagpapahalagang nagdudulot ng kasiyahan sa pandamdam ng tao. Kasama dito ang
pagbibigay-halaga sa mga bagay na tumutugon sa pangunahing pangangailangan ng tao tulad
ng pagkain, tubig, damit,tirahan at iba pang teknikal na mga pagpapahalaga. Kasama rin sa
mga pagpapahalagang ito yaong mga bagay na maituturing lamang na rangya o luho ng isang
tao, katulad ng mamahaling alahas, magarang sasakyan o mamahaling mga bag at sapatos na
labis na hinahangad ng ilang mga tao.

4
2. Pambuhay na Pagpapahalaga (Vital Values). Ito ay mga pagpapahalagang may kinalaman
sa mabuting kalagayan ng buhay (well-being). Halimbawa, mahalaga sa tao ang
makapagpahinga kung siya ay pagod dahil ito ang makapagpapabuti sa kaniyang pakiramdam.
Ang kumain ng masustansiyang pagkain upang matiyak na siya ay malusog at hindi
magkakasakit. Mahalaga sa atin na may makausap na taong mahalaga sa atin upang
mabawasan ang ating kalungkutan. Ang lahat ng nabanggit ay mga bagay na pinahahalagahan
ng tao upang masiguro niya ang kanyang kaayusan at mabuting kalagayan.
3. Mga Ispiritwal na Pagpapahalaga (Spiritual Values). Maituturing na mas mataas ang
pagpapahalaga nito kaysa sa dalawang unang nabanggit. Ang pagpapahalagang ito ay
tumutukoy sa mga pagpapahalagang para sa kabutihan, hindi ng sarili kundi ng mas
nakararami.
1. May tatlong uri ang pagpapahalagang ito ayon sa aklat na Problems of a Sociology of
Knowledge na isinulat ni Max Scheler:
a. Mga pagpapahalagang pangkagandahan (aesthetic values)
b. Pagpapahalaga sa katarungan (value of justice)
c. Pagpapahalaga sa ganap na pagkilala sa katotohanan (value of full cognition of
truth)
4. Banal na Pagpapahalaga (Holy Values). Ito ang pinakamataas sa lahat ng antas ng mga
pagpapahalaga. Tumutukoy ito sa mgapagpapahalagang kailangan sa pagkamit ng tao ng
kaniyang kaganapan upang maging handa sa pagharap sa Diyos. Ang pagkilos tungo sa
kabanalan ang katuparan ng kaganapan hindi lamang ng materyal na kalikasan ng tao kundi
maging ng kaniyang ispiritwal na kalikasan.
V. Sanggunian:

Babasahin:

Edukasyon sa Pagpapakatao 7, Kagamitan ng Mag-aaral (Ikalawang Bahagi), Unang


Edisyon, 2012
Inihanda ni:

VERONICA L. ABANTO
Master Teacher 1/MIS

You might also like