You are on page 1of 1

Republic of the Philippines

Department of Education
Region V
SCHOOLS DIVISION OF SORSOGON
_____________________________________________________________________________________

“Values Ko, Proud Ako Program”


WEEKLY VALUE FOCUS

Week 11, March 11-15, 2024

PAGTITIYAGA

Sinasabi nating mapalad ang mga nagtitiyaga at nagtitiis. Narinig na ninyo ang tungkol sa
pagtitiis ni Job at ang ginawa sa kanya ng Panginoon. Talagang napakabuti at mahabagin ang
Panginoon. (Santiago 5: 11)

Sa kabila ng mga pagsubok at hamon, biniyayaan tayo ng pag-asa para sa kasiya-siyang


hinaharap. Hinihimok tayo ni San Pablo na magalak kapag tayo ay dumaranas ng pagsubok at
problema. Sapagkat tuwing tayo ay nahaharap sa ganoon, katulad ni Job, ang kanyang pag-asa sa
Diyos ay napakataas “alam niya ang aking bawat hakbang; kapag sinusubok niya, lalabas ang
kadalisayan.”

Ang pagtitiyaga ay nahuhubog sa pamamagitan ng karanasan mula sa bawat yugto ng


buhay kasabay ng mga hadlang sa mga pagpapahalagang natututunan – kasipagan,
pananampalataya, kabutihan, karunungan at pagtitimpi. Ibig sabihin, pagkatapos nating
mapagtagumpayan ang mga hamon ng buhay, yumayabong ang ating pagkatao at pagpapahalaga.

Sa ating paglalakbay, ang pagtitiyaga ay hindi isang karera; ito ay binubuo ng sunod-sunod
na maiiksing paglalakbay . Hindi sa pagsuko, kundi sa patuloy na pagsulong. Sinasabing, “Sa
paghaharap ng agos ng tubig at ng bato, ang tubig ay palagiang nananalo hindi dahil sa lakas,
kundi sa pagtitiyaga.”

Ang pagtitiyaga ang tutulong sa atin sa panahon ng pagsubok. Dito natin makikita ang mga
pamamaraan ng Panginoon na minsan ay hindi natin inaasahan. Ating matutuklasan na ang plano
ng Diyos ay ganap, kaaya-aya at mabuti. Di man natin magawa nang tama ang mga bagay sa
unang pagkakataon subalit huwag tayong sumuko. Datapuwat , kailangan nating paunlarin ang
ating asal habang tayo ay natututo sa ating mga pagkakamali. Kaya huwag tayong sumuko o mag-
isip na “malusaw na lang sa gitna ng pakikibaka”.

Ang susi upang malinang ang pagtitiyaga ay hindi ang pagsasantabi ng maliliit na hakbang
patungong tagumpay. Bumuo ng isang “puzzle” kung saan natin idinaragdag at iniuugnay bawat
bahagi hanggang sa mabuo ang isang imahe. Kailangan nating ipagpatuloy ang pagsisikap na
maisakatuparan ang layunin. Samakatuwid, ang pagtitiyaga , ang paraan upang mabuo at matapos
ng Panginoon ang kaniyang mga gawa upang ating matuklasan ang mga darating pang mga bagay
na higit na dakila.

Sorsogon Sports Complex, Balogo, Sorsogon City, Sorsogon 4700


Landline: (056) 421-5415
Email: sorsogon@deped.gov.ph
Website: depedsorsogon.com.ph

You might also like