You are on page 1of 2

“Values ko, Proud ako Program”

Weekly Value Focus


Linggo 49, Disyembre 4-8, 2023

PAGKAKAISA AT PAGSASAMAHAN (UNITY AND FELLOWSHIP)

- “Napakagandang tingnan ang mga mamamayan ng Diyos na


mamuhay nang may pagkakaisa.” Salmo 133:1
-Ayon kay Alexander the Great, …“sa pag-uugali ng bawat isa ay
nakasalalay ang kapalaran ng lahat.” Ang kasabihang ito ay
nagtulak sa kanyang hukbo na sakupin ang higit sa kalahati ng
daigdig sa pinakamhalagang kampanyang militar na ginawa sa
kasaysayan ng sangkatauhan.Pinagbigkis ng iisang layunin at
walang anumang sakit o kamatayang kinakatakutan, sinakop ng
kaniyang mga kawal ang mga bansa at maging kaharian na
nagdulot ng takot sa malalakas at makapangyarihan.
-Sadyang napakagandang salaysay ng pagkakaisa at kung ano ang
naidudulot nito na siyang naging huwaran ng mga hukbo sa buong
mundo. Batid na ang pagkakaisa ay magpapanatiling buo at
maayos ng lahat, ito ay naging pamantayan ng pag-uugali maging
ng mga organisasyong sibiko. Saanman, kung saan ang disiplina at
kaayusan ang sinusunod malinaw na makikita ang isang malakas na
kalagayan ng pagkakaisang na nakatatak sa puso ng mga
namamahala.
-Ang pagkakaisa ay isang prinsipyong naaangkop sa kahit anong
uri ng pag-unawa, anuman ang gamit at layunin nito. Halimbawa,
may samahan ng mga manggagawa na gumagawa ng matinding
hakbang tulad ng pagsusunog ng mga sasakyan o gusali o
pagbabawal sa mga kapwa manggagawa na ayaw sumasama sa
kanila na huwag pumasok sa trabaho. Mayroon ding mga sindikato
na ang mga miyembro ay nagkakaisa sa pagdudulot ng pinsala at
takot sa kanilang mga biktima; at mga kulto na ang mga tagasunod
ay nagkakaisa sa paggawa ng mga anti-sosyal na gawain tulad ng
paninira at pagsira sa mga pampublikong ari-arian. Ang gayong
mapaminsalang aplikasyon ng pagkakaisa ay ang parehong dahilan
kung bakit hinati ng Diyos ang wika ng mga tao nang itayo nila ang
Tore ng Babel, at itinaas ang kanilang sarili laban sa Diyos ng
Kalangitan.
-Ang pagkakaisa, bagamat, amoral, ay maaaring gamitin upang
makamit ang mabuti o masasamang layunin. Sa ating pagsisikap na
baguhin ang bansang Pilipinas. Mahalagang malaman kung aling
panig ang ating iniisip na mas mahalaga para sa lahat. Maaari
nating piliin na makiisa sa mga taong nagnanais ng kaparehong
katarungan at katuwiran; o sa mga may pansariling interes at
layuning taliwas sa kaligtasan, seguridad at kaunlaran ng publiko.
Bilang nagkakaisang mamamayan ng bansang ito, sikapin nating
gamitin ang pagkakaisa tungo sa positibong layunin. Makiisa at
makisama sa mga taong may katulad na puso, isip at layunin,
upang guminhawa ang kalagayan ng bansa, buhayin ang pusong
nasyonalismo ng mga tao at pangalagaan at palaguin ang ating
pambansang kapakinabangan ng marami at ng mga susunod pang
henerasyon .

You might also like