You are on page 1of 1

Ang salitang moral ay nangangahulugan ng kabutihan asal ng isang tao,ang paggawa ng mabuti

sa kanyang kapuwa,ang pagpapakita ng kabaitan, ang pagiging makadiyos,at makatao.

Ang batas ay mga utos o mga patakaran na nangangailang sundin ng mamamayan para makamit
ang kabutihang panlahat. Ito ay makatarungang prinsipyong gumagabay sa kilos ng tao sa
kanyang pakikisalamuha sa lipunang kanyang kinabibilangan.

Ang mabuti ay ang paggawa ng mga bagay ng tama at naayon para sa sarili at para sa kabutihan
ng lahat. Ang pagkakaroon ng isang maayos at payapang pamumuhay ay bunga ng pagiging
isang mabuting taong may takot sa Diyos. Isang halimbawa ng pagiging mabuti ay ang pagiging
mabait.

Ang pagiging makatao ay paggawa ng mabubuting bagay sa sarili at sa ibang tao at pagiging
mapakumbaba ano man ang estado sa buhay

Nakangkala dito ang pandaigdig na pagpapahayag ng mga karapatan ng tao o Universal


Declaration Of Human rights ng mga nagkakaisang bansa(United nations) Ang Universal
declaration of human rights ay nag sasabing,mahalagang ingatan ang dignidad ng bawat tao sa
mundo naniniwala sila na ang pag-unlad ng isang bansa at ng mundo ay nagmumula sa pantay na
mga karapatan.

You might also like