You are on page 1of 15

Republic of the Philippines

DEPARTMENT OF EDUCATION
Region I
Division of Ilocos Sur

SARILING LINANGAN KIT


ESP
Edukasyon sa Pagpapakatao
9

PAMAGAT NG PAKSA:
MODYUL 10 - KAGALINGAN SA PAGGAWA
_______________________________________________________

KUWARTER: 3 MELC NO: EsP9KP-IIIb-11.3


MELC:
Naipaliliwanag na kailangan ang kagalingan sa paggawa at paglilingkod na
may wastong pamamahala sa oras upang maiangat ang sarili, mapaunlad ang
ekonomiya ng bansa at mapasalamatan ang Diyos sa mga talentong Kanyang
kaloob

Name of Teacher –Writer: MONNET ABIGAIL S. EVANGELISTA

1
School: BANTAY NATIONAL HIGH SCHOOL

KWARTER 3
SARILING LINANGAN KIT 4

PARA SA MAG-AARAL:

Ang Self Learning Kit na ito ay ginawa para ko para sa iyo. Sinikap kong gumawa ng
mga simpleng gawain upang maging kaaya-aya ang iyong pag-aaral mula simula hanggang
matapos mo ang kit na ito. Basahin mo at unawaing mabuti ang nilalaman nito. Pagkatapos,
sagutan ang mga pagsasanay. Dito mo lubos na mauunawaan na kailangan ang kagalingan
sa paggawa at paglilingkod na may wastong pamamahala sa oras upang maiangat ang
sarili, mapaunlad ang ekonomiya ng bansa at mapasalamatan ang Diyos sa mga talentong
kanyang kaloob.
Gamitin ang Learning Kit na ito nang may pag-iingat at panatiling malinis. Huwag
lalagyan ng anumang marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng sagutang
papel o notebook sa pagsagot sa mga gawain at pagsasanay na inihanda. Pakibalik ang
modyul na ito sa iyong guro o tagapagpadaloy kung tapos nang sagutin lahat ng
pagsasanay. Tayo na at maglakbay sa rurok ng karunungan. Handa ka na ba?

KASANAYAN SA PAGKATUTO:
Sa Self-learning Kit na ito, inaasahang malilinang sa iyo ang sumusunod
na kaalaman, kakayahan at pag-unawa:
1. Natutukoy ang mga katangian ng taong may kagalingan sa
paggawa
2. Naipapaliwanag na kailangan ang kagalingan sa paggawa at
paglilingkod na may wastong pamamahala sa oras upang
maiangat ang sarili, mapaunlad ang ekonomiya ng bansa at
mapasalamatan ang Diyos sa mga talentong kanyang kaloob.
3. Naisasabuhay ang mga katangian ng kagalingan sa paggawa at
paglilingkod

2
PAGTALAKAY SA ARALIN:

A. Ano ang inaasahang maipapamalas mo?

Gawain 1:
Bakit naging tanyag ang mga sumusunod na personalidad? Ano ang
kagalingan nila sa paggawa?

Mga Personalidad Kagalingan ng Paggawa sila Kilala

1.
Manny Pacquiao

2.
Luis “Chavit”
Singson

3. Jessica Soho

4.
Vice Ganda

5.
Sarah
Geronimo

3
“Ang gagaling naman nila! Sana makaimbento rin ako ng katulad ng artipisyal na
coral reef, makagawa ng mga paso na clay at maging sikat katulad ng sikat na Chef na si
Chef Boy Logro!”
Ano-ano kaya ang taglay nilang katangian upang makabuo ng ganitong imbensyon o
ganitong serbisyo? Ano-ano ang indikasyon o katangian ng kagalingan sa paggawa?
Sa modyul 7, naunawaan mo ang tunay na kahulugan at kabuluhan ng paggawa.
Nalaman mo na ito ay daan upang makamit mo ang iyong kaganapan bilang tao. Sa modyul
na ito, inaasahang maunawaan mo na hindi sapat ang paggawa lamang. Mahalagang laging
isaalang-alang ang kalidad ng serbisyong ibinigay o produktong ginawa upang maging gawi
ng bawat kabataan ang kagalingan sa paggawa.
Muli nating balikan ang paggawa sa modyul 7 upang mas maunawaan mo ang self-
learning kit na ito. Ano nga ba ang paggawa?
Ang paggawa ay isang gawain ng tao na nangangailangan ng orihinalidad,
pagkukusa, at pagkamalikhain, at ang produkto nito, material man o hindi, ay magbubunga
ng pagbabago sa anumang bagay. Halimbawa, ang isang karpintero na gumawa ng isang
mesa ay nakapagbibigay ng ibang saysay sa kahoy na kaniyang ginamit upang maging
kapaki-pakinabang para sa tao. Kung wala ang mga ito, ang kilos ay hindi matatawag na
paggawa.
Ang paggawa ay anumang gawain-pangkaisipan man o manwal, anuman ang
kalikasan o kalagayan nito, na makatao, nararapat para sa tao bilang anak ng Diyos. May
mga bagay na inilaan na gawin ng tao dahil siya ay bukod-tanging nilikha.
Sa huli, inaasahang masasagot mo ang mahalagang tanong na: Bakit kailangang
magkaroon ng kagalingan sa paggawa at paglilingkod upang maiangat ang sarili,
kapuwa, mapaunlad ang ekonomiya ng bansa at mapasalamatan ang Diyos sa
talentong ipinagkaloob sa atin.

4
Gawain 2:
Panuto: Basahin ang sumusunod na sanaysay na nagpapakita ng
istorya ng tagumpay ni Chef Pablo “Boy” Logro. Ito ay hango sa
video ng isang segment sa programang Showbiz Central na
pinamagatang “Story of Your Life.”
https://www.youtube.com/watch?v=j_5XdHXGgHU

Si Pablo Logro na mas kilala sa pangalang Chef Boy Logro o Kusina Master ay
isa sa mga respetadong pangalan sa mundo ng culinary arts. Mula sa pagiging
isang house boy ay naging kauna-unahan siyang Executive Chef sa isang 5-star
hotel sa Pilipinas. Isang magandang halimbawa na lahat ay possible kung ikaw ay
magsusumikap at mananalig sa Diyos. Napaka-humble ni Chef Boy at maraming
nai-inspire sa kanyang buhay. Hindi niya nalilimutan ang pinagdaanang hirap ng
buhay. Nagsimula siya bilang tagahugas ng mga kaldero. Wala siyang
inaaksayang oras sa paggawa. Kung wala ang kusinero nila, siya ang nagluluto at
dahil dito unti-unti siyang natuto sa kusina. Ang kanyang kakaibang galing sa
pagluluto ay hinubog ng maraming taon na karanasan sa kusina. Elementarya
lamang ang natapos ni Chef Boy at talagang ipinagmamalaki niya iyon. Hindi ika
nya hadlang ang pagkakaroon ng mababang antas ng edukasyon basta
nagpupursige ka. Nung una siyang tumuntong sa Maynila ay nagpursige pa
siyang magsalita ng Tagalog at malimit iginuguhit ang mga gulay na gusto niyang
bilhin dahil hindi niya alam ang salitang tagalog ng mga ito.
Nang marami na siyang nalalamang lutuin, naglakas-loob na mag-apply sa ibang
bansa si Chef Boy. At dahil din sa kanyang puspusang pagluluto, nagustuhan ng
Hari ng Oman ang kanyang luto. Dahil sa angking galing at pagiging masayahin
madaling nakuha ni Chef Boy ang loob ng Sultan kung kaya’t isinama pa siya nito
sa iba’t ibang bansa at dito naexpose na siya sa iba’t ibang lutuin ng ibang bansa.
Ayon pa sa dating kasamahan niya, para mawala ang pagod habang gumagawa,
siya ay nagpapatawa. Pero sa kabila ng karangyaang tinamasa niya sa ibang
bansa, nangibabaw ang kanyang pagpapahalaga na bumalik sa bansang
sinilangan at makapaglingkod sa kababayan. Dahil sa pagtitiyaga, unti-unti niyang
naabot ang kanyang mga pangarap. Isa na siyang sikat na tv host sa GMA na
Kusina Master at nakapagtayo na rin ng paaralan para sa mga gustong mag-aral
ng culinary arts.

5
Sagutin ang sumusunod ng Tama o Mali:
_______1. Si Chef Boy Logro ang kauna-unahan at nag-iisang Pilipinong “executive chef” sa
isang 5 star hotel sa bansa
_______2. Ayon sa dating kasamahan ni Chef Boy, nagpapatawa ito para matanggal ang
pagod.
_______3. Nagpursige si Chef Boy na magHiligaynon upang makapagtrabaho sa Maynila.
_______4. Pinasalamatan ni Chef Boy ang sarili niya para sa mga mabubuting natamo niya.
_______5. Ang kanyang kakaibang galing sa pagluluto ay hinubog ng maraming taon na
karanasan sa kusina.
Ano-ano ang mga naging katangian niya bilang isang matagumpay na Chef? (Magbigay ng
limang katangian.)
1._________________ 2. __________________ 3.___________________
4.______________________ 5._______________________

PAGPAPALALIM

Ang pagsasagawa ng isang gawain o paglikha ng produkto ay nangangailangan ng


sapat na kasanayan at angking kahusayan. Hindi sapat ang lakas ng katawan at layunin sa
paggawa. May mga partikular na kakayahan at kasanayan na kailangan sa paggawa. Ang
pagkakaroon ng propesyon o kursong natapos ay isang salik na dapat isaalang-alang,
ngunit hindi lang ito ang kailangan upang makagawa ng isang produkto o gawaing mag-
aangat sa iyo bilang tao.

Ano-anong kasanayan ang kailangan sa paggawa ng may kalidad? Bakit


mahalaga ang kalidad o kagalingan sa paggawa?

Ayon sa Laborem Exercens, ang paggawa ay mabuti sa tao dahil sa pamamagitan


nito naisasakatuparan niya ang kaniyang tungkulin sa sarili, kapuwa at sa Diyos. Ang
kagustuhang maisabuhay ang layuning ito ang nagtutulak sa kaniya upang magkaroon ng
kagalingan sa paggawa.
Ang kagalingan sa paggawa ay naisasabuhay kung tataglayin mo ang sumusunod
na katangian:

A. NAGSASABUHAY B. PAGTATAGLAY NG C.NAGPUPURI AT


NG MGA POSITIBONG NAGPAPASALAMAT
PAGPAPAHALAGA KAKAYAHAN SA DIYOS

6
NAGSASABUHAY NG MGA PAGPAPAHALAGA. Ang mga produktong kaniyang lilikhain
ay bunga ng:
Kasipagan – ito ay tumutukoy sa pagsisikap na gawin o tapusin ang isang gawain
nang buong puso at may malinaw na layunin sa paggawa.
Tiyaga. Ito ay ang pagpapatuloy sa paggawa sa kabila ng mga hadlang sa kaniyang
paligid.
Pagiging masigasig. Ito ay ang pagkakaroon ng kasiyahan, pagkagusto at siglang
nararamdaman sa paggawa ng gawain o produkto
Pagkamalikhain. Ang produkto o gawaing lilikhain ay bunga ng mayamang pag-iisip
at hindi ng panggagaya o pangongopya sa gawa ng iba. Dapat ay orihinal, bago at
kakaiba ang produkto.
Pagkakaroon ng disiplina sa sarili. Ang taong may disiplina sa sarili ay alam ang
hangganan ng kaniyang ginagawa at mayroong paggalang sa ibang tao. Maaari
niyang isantabi ang pansariling kaligayahan para sa kapakanan ng ibang tao.

Gawain 3:
Panuto: Balikan mong muli ang sanaysay na iyong binasa. Lagyan
ng tsek ang mga bilang na nagpapakita ng mga naging katangian ni
Chef Boy upang maiangat niya ang sarili at mapaunlad ang
ekonomiya ng bansa. Lagyan naman ng ekis ang mga talata na hindi
tumutugma sa katangian ng may kagalingan sa paggawa.

_______1. Nagpursige si Chef Boy na magtagalog.


_______2. Naging pabaya si Chef Boy sa kanyang oras.
_______3. Hindi naging hadlang ang pinagdaanang hirap ng buhay
_______4. Nagustuhan ng hari ng Oman ang kanyang luto dahil magaling siyang mangopya
_______5. Siya ay masigasig sa kanyang paggawa.
_______6. Umuwi siya sa bansa para makapaglingkod sa mga kababayan.
_______7. Malimit na tahimik siya sa kanyang trabaho at gustong mapag-isa.
_______8. Tiniis niya na mawalay sa pamilya upang maiangat ang sarili.
_______9. Siya ay nagpatayo ng paaralan para sa mga gustong matuto ng culinary arts.
_______10. Siya ay marunong magsumikap at may pananalig sa Diyos.

PAGTATAGLAY NG POSITIBONG KAKAYAHAN. Ito’y tumutukoy sa mga kasanayan sa


pagkatuto na may tatlong yugto:
Pagkatuto bago ang paggawa
Pagkatuto habang ginagawa
Pagkatuto pagkatapos gawin ang isang gawain

7
Ang mga sumusunod din na pitong katangian ay makakatulong din upang
magkaroon ng matalinong pag-iisip na kailangan upang maisabuhay ang kagalingan sa
paggawa. Ang mga ito ay ipinamalas ni Leonardo da Vinci, ang itinuturing na pinakadakilang
henyo sa lahat ng panahon (Gelb, 1998)

1. Pagiging Palatanong (Curiosita)


2. Pagsubok ng Kaalaman gamit ang karanasan, Pagpupunyagi
3. Patuloy na pagkatuto Gamit ang Panlabas na Pandama Bilang Paraan
Upang Mabigyang-buhay ang Karanasan (Sansazione)
4. Pagiging Bukas sa Pagdududa, Kawalang Katiyakan (Sfumato)
5. Ang Paglalapat ng Balanse sa Sining, Siyensya, Lohika at
Imaginasyon (Arte/Scienza).
6. Ang pananatili ng kalusugan at Paglinang ng Grace, Poise
(Corporalita)
7. Ang Pagkilala sa Pagkakaugnay-ugnay ng Lahat ng Bagay
(Connessione)

1. Pagiging Palatanong (Curiosita). Ang taong mausisa ay may likas na inklinasyon na


alamin ang mga bagay-bagay sa kaniyang paligid.

HALIMBAWA
Sa pamamasyal ni Johnlu Koa sa ibang bansa, napansin niya na kakaiba ang
mga tindang tinapay sa isang restaurant na pinuntahan niya. Nagtanong
tanong si G. Koa kung paano ito ginawa, ano-ano ang sangkap nito, ang
paraan ng pagluluto nito at marami pang iba. Ang mga nakalap na
impormasyon ang nagbigay-daan sa kaniya upang dalhin ito sa ating bansa.
Ito ang simula ng pagkakatayo ng “French Baker”. Dahil sa mataas na kalidad
at serbisyong ibinigay ng French Baker sa mga tumangkilik sa kanila, napili ito
bilang isa sa may natatanging produkto ng Superbrands Philippines para sa
taong 2003-2004. Bukod dito, noong 2004 ay ginawaran din sila ng Philippine
Marketing Association ng Agora Award for company of the year. Patunay
ito na malayo na ang narating ng French Baker na itinatag ni G. Koa.

2. Pagsubok ng kaalaman Gamit ang Karanasan, Pagpupunyagi (Persistence) at


ang Pagiging Bukas na Matuto sa mga Pagkakamali (Dimostrazione). Ito ang
pagkatuto mula sa mga hindi malilimutang karanasan sa buhay upang maging
matagumpay at maiwasang maulit ang anumang pagkakamali.

8
HALIMBAWA
Pinangarap ni Sandy Javier na magtayo ng tindahan ng litsong manok.
Sinimulan niya ito sa pagtitinda ng ilang pirasong manok na inutang pa niya sa
kaibigan ng kaniyang ina. Sa unang subok ni Sandy, iilan lamang ang nabenta
mula sa kaniyang inihanda. Nagsilbing hamon ito sa kaniya kaya’t pinag-aralan
niya itong mabuti at hindi sumuko. Noong 1985, nagbunga ang pagod at
sakripisyo ni G. Javier dahil nagsimula nang tangkilikin ng maraming tao ang
kaniyang tindahan ng litsong manok at liempo. Mula noon, nakilala na ito at
nagsimulang buksan para sa franchising. Sa kasalukuyan, may mahigit sa 300
na itong sangay at patuloy pang dumarami.

3. Patuloy na Pagkatuto Gamit ang Panlabas na Pandama Bilang Paraan Upang


Mabigyang-buhay ang Karanasan (Sansazione). Tumutukoy ito sa tamang paggamit
ng mga pandama sa pamamaraang kapaki-pakinabang sa tao. Anumang kakulangan
sa katawan ay hindi nagiging hadlang upang isakatuparan ang tunguhin sa buhay.

HALIMBAWA
Hindi naging hadlang ang pagiging bulag ni Maria Gennett Roselle Rodriguez
Ambubuyog upang maisakatuparan ang kaniyang pangarap sa buhay. Hindi
matatawaran ang pagpapamalas niya ng kagalingan. Bilang patunay, iba’t
ibang parangal ang kaniyang natanggap. Siya ang kauna-unahang Pilipinong
bulag na nagtapos bilang summa cum laude sa Ateneo de Manila University
noong 2001. Sa kasalukuyan, nagsisilbi si Bb. Ambubuyog bilang Product &
Support manager ng Code Factory, S.L sa Barcelona, Spain na nangungunang
tagapagtustos ng screen reading, magnification at Braille access solutions para
sa mga bulag at bahagyang nakakikita gamit ang mobile devices tulad ng
cellphones at personal digital assistants (PDA’s)

4. Pagiging Bukas sa Pagdududa, Kawalang Katiyakan (Sfumato). Ito ang pagiging


bukas sa pagdududa, kawalang katiyakan ng isang bagay, mga bagay na hindi
pamilyar, mahirap alamin o ipaliwanag, o may higit sa isang interpretasyon o
kahulugan. Ang pagiging bukas ng isip sa mga sitwasyong walang katiyakan ay
mahalaga sa pagpapalabas ng pagkamalikhain ng isang tao.

9
HALIMBAWA
Ang mga disenyo ng habing produktong bag, damit, wallet at wall hanging ng
mga katutubong tagahabi ng T’nalak (hibla ng abaca) ng Lake Sebu,
Cotabato ay mula sa kanilang panaginip. Itinuturing ng mga manghahabi na
isang espiritwal na gawain ito - kaya mahalaga ang kanilang mga sakripisyo
(tulad ng pag-aayuno) habang binubuo nila ang disenyo sa mga hibla ng
T’nalak. Si Lang Dulay, itinuring na Master Weaver ng mga dream weaver na
ito, ay nagkamit ng parangal na GAMABA (Gawad Manlilikha ng Bayan) dahil
sa mga pagsasnay na pinamunuan niya para sa mga dream weaver na
ginagawa sa itinayo niyang paaralan, Manlilikha ng Bayan Center.

5. Ang Paglalapat ng Balanse sa Sining, Siyensya, Lohika at Imaginasyon


(Arte/Scienza). Ito ang pagbibigay-halaga nang may balance, paghahanap sa
kagandahan (beauty) at katotohanan (truth) gamit ang sining (art) at siyensya
(science). Mahalaga ang paggamit ng imahinasyon sa mga gawaing ginagamitan ng
mapanuring pag-iisip.

HALIMBAWA

Ang pagsasaliksik ng mga kilalang indibidwal ay isang paraan sa agham at


sining upang makabuo o makalikha ng produkto o alinmang proyekto na
makatutulong at magiging kapaki-pakinabang sa tao.

Si Dr. Rafael D. Guerrero ang nagpasimula ng “Vermicomposting Science


and Technology” sa bansa sa Timog-Silangang Asya. Kinilala rin siya bilang
may natatanging kaalaman sa vermineal production sa buong mundo.

6. Ang Pananatili ng Kalusugan at Paglinang ng Grace, Poise (Corporalita). Ito ang


tamang pangangalaga sa katawan ng tao upang maging malusog at maiwasan ang
pagkakaroon ng karamdaman. Kasama dito ang pag-iwas sa anumang bisyo na
nakasasama sa katawan.

HALIMBAWA

Ang pagsasahimpapawid ng iba’t ibang programang pangkalusugan sa radio


at telebisyon ay nakakatulong sa mga taong may karamdaman o mga taong
gustong magkaroon ng malusog na pamumuhay lalo sa panahon ng
pandemia. Ilan sa mga halimbawa nito ay ang programang “Sabi ni Dok” na
nagbibigay ng karagdagang kaalaman sa mga sakit na umiiral sa ating
lipunan.

10
7. Ang pagkilala sa Pagkakaugnay-ugnay ng Lahat ng bagay (Connessione). Ito ang
pagkilala at pagbibigay-halaga na may kaugnayan lahat ng bagay at mga pangyayari
sa isa’t isa. Ayon sa Law of Ecology, “Everything is connected to everything else.”

HALIMBAWA
Ang mga halaman ang nagbibigay ng “oxygen” sa lahat ng uri ng mga hayop
kasama ang mga tao. Sa kabilang banda, tao at hayop naman ang naglalabas
ng carbon dioxide na gagamitin ng mga halaman sa paggawa ng pagkain.
Kailangan ng tao ang pagkain na nagmumula sa mga hayop, puno at halaman.
Bilang kapalit at dahil bahagi din ang mga ito ng kaniyang kapaligiran,
pinangangalagaan ng tao ang mga hayo, puno at halaman.

Ang pinakamahalaga sa lahat ng pagpapahalaga upang masabi na ang


paggawa ay kakaiba, may kalidad at kagalingan ay kung ito ay naaayon sa
kalooban ng Diyos at iniaalay bilang paraan ng papuri at pasasalamat sa
Kaniya. Ang paggawa ng mabuti at may kahusayan ay may balik na pagpapala mula sa
Diyos.
Ganito ang kuwento ni G. Fidel Go, isa sa mga hinirang na National Folk artist at may-
ari ng Ruby Factory. Ayon sa kaniya, kapag inalay mo ang iyong sarili at ang iyong gawain
sa Diyos, hindi mo kailanman mararamdaman ang pagod at kahungkagan ng loob bagkus
nag-uumapaw na kaligayahan at damdamin ang mararamdaman. Ang mga produktong
magagawa mo kapag ikaw ay pinagpala ay may kalidad na siyang magiging daan upang
tangkilikin ng mga tao.

Itinuturing mo bang paraan ng papuri at pasasalamat sa Diyos ang iyong


gawain? Sa paanong paraan mo ito isinasabuhay? Ano ang nararamdaman
mo kapag iniaalay mo sa kanya ang iyong gawain?

PAGLALAGOM
Ang paggawa ay nangangailangan ng sapat na kasanayan at angking
kahusayan upang ito ay masabing may kalidad o kagalingan.
Naisasabuhay ang kagalingan sa paggawa kung ang produkto o
serbisyo ay bunga ng mga pagpapahalaga, naipapamalas ang mga
kasanayan at katangiang nabanggit at naaayon sa kalooban ng Diyos
at kung ito’y iniaalay bilang paraan ng papuri at pasasalamat sa
Kaniya.
Ang pagkakaroon ng kagalingan sa paggawa na naaayon sa
pagpapahalaga, kasanayan at talentong kalooban ng Diyos ay daan
upang maiangat ang sarili at kapwa, at makatulong na mapaunlad ang
ekonomiya ng bansa. 11
PAGTATAYA:
PAGSASANAY 1:
Panuto: Sagutin ng Tama o Mali: Tukuyin kung ang mga sumusunod na pangungusap
ay nagsasaad ng wastong diwa. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel/kwaderno.
________ 1. May mga partikular na kakayahan at kasanayan na kailangan sa paggawa.
________ 2. Ang paggawa ay mabuti sa tao sapagkat naisasakatuparan niya ang kanyang
tungkulin sa sarili lamang.
________ 3. May apat na katangian sa kagalingang paggawa
________ 4. Ang mga pagpapahalagang kasipagan, tiyaga at disiplina sa sarili ay
nagsisilbing gabay upang gumawa ng mga dekalidad na produkto o serbisyo.
________ 5. Ang isang bagay na hindi pinag- iisipan ay magbubunga ng kagalingan sa
paggawa.

PAGSASANAY 2:
Panuto: Tukuyin ang katangian na makakatulong upang magkaroon ng matalinong
pag-iisip na kailangan upang maisabuhay ang kagalingan sa paggawa sa mga
sumusunod na sitwasyon. Pumili ng sagot sa kahon at isulat ang iyong sagot sa
sagutang papel/kwaderno.

Dimostrazione Sfumato Curiosita Sansazione


Corporalita Connessione

_________________ 1. Palatanong si Jasmine sa mga bagay na bago sa kanyang


paningin.
_________________ 2. Si Andrew ay walang mga binti pero hindi ito naging hadlang para
maging isang matagumpay na doktor.
_________________ 3. Ang tagumpay ng Marsha’s Delicasies ay nagsimula sa pakailang
beses na pabago-bagong recipe ng kanilang mga kakanin hanggang sa matumbok ang lasa
na tinangkilik ng masa.
_________________ 4. Kailangan ng tao at hayop ang “oxygen” para mabuhay na siyang
ibinibigay ng mga halaman. Sa kabilang banda, kailangan din ng halaman ang carbon
dioxide na galing sa tao at hayop para gumawa ng pagkain.
_________________ 5. Sa panahon ng pandemia sa Covid-19, naging mandatory ang
pagsusuot ng face mask at social distancing sa lahat ng lugar upang maiwasan ang
pagkalat ng sakit.

12
PAGSASANAY 3:
Panuto: Basahing mabuti ang bawat pangungusap at unawain ang tanong. Piliin ang
pinakaangkop na sagot at isulat ang titik lamang sa sagutang papel.

1. Maganda ang pagkakagawa ng mga bag na yari sa tetra pack ng juice ng pamilya
nina Suzanne. Mabenta ang mga ito lalo na yung mga bag na may iba’t ibang kulay at
disenyo. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang nagsasabuhay o nagpapakita sa
kagalingan ng tao sa paggawa?
a. Nagiging malikhain ang tao sa paggamit ng kanyang mga kakayahan
b. Nakagagawa ng paraan ang tao upang iangat ang kanyang pamumuhay
c. Nagkakaroon ng pagkakataon ang tao na magsama-sama sa mithiin ng
lipunan
d. Nagkakaroon ng kadahilanan ang tao upang mabuhay
2. Bata pa lang si Juan Daniel pinangarap na niyang maging isang guro tulad ng
kanyang mga magulang. Alin sa mga sumusunod ang dapat niyang isaalang-alang
upang maging madali sa kanya na maabot ang pangrap at upang sa huli’y magkaroon
ng kagalingan sa paggawa?
a. Maging masipag, matiyaga, magpunyagi at magkaroon ng disiplina sa sarili
b. Magkaroon ng sapat na kaalaman sa paghawak ng pera at paraan ng
paggastos
c. Maging matalino, marunong magdala ng damit, magaling makipag-usap
d. Magkaroon ng kakayahang makihalubilo sa kapwa lalo na sa mga
estudyante
3. Si Danica ay ipinanganak na walang mga binti pero hindi naging hadlang ito para siya
ay magpursige na maging isang magaling na manlalangoy. Ang kanyang mga
tinatamong parangal ay bunga ng kanyang _______________.
a. masigasig
b. tiyaga
c. malikhain
d. disiplina sa sarili
4. Pinalitan ni Lesie ang nagretirong punong-guro ng kanilang paaralan. Marami ang
nagsasabing hindi niya kayang higitan ang kabutihang nagawa at tagumpay na
narating ng huli. Alin sa mga sumusunod ang dapat niyang linangin upang
mapatunayan na siya ay karapat-dapat sa posisyong ibinigay sa kanya?

13
a. Magpakumbaba at ipagpatuloy ang mga programang nasimulan ng dating
punongguro
b. Gamitin ang ganda, angking karisma, talino at kasipagan
c. Maging masipag, masigasig at malikhain sa pagsasabuhay nang kanyang
trabaho
d. Sundin ang payo at gusto ng mga matatandang guro upang maging
maganda ang relasyon ng mga ito
5. Hindi naging madali kay G. Sandy Javier ang pagpapaunlad ng Andok’s pero sa
kabila nito napagtagumpayan pa rin niya ito. Paano kaya tinignan ni G. Javier ang
pagkabigong dinanas kaya ito nagtagumpay?
a. Itinuring niya itong hamon na kailangang malampasan
b. Pinag-aralan ang sitwasyon at pinag-isipan ang gagawing hakbang
c. Ang pagkabigo ay paraan ng pagsusulit sa kanya
d. Ang pagkadapa ay hindi senyales upang tuluyang malugmok

SANGGUNIAN:

Edukasyon sa Pagpapakato 9, Modyul para sa Mag-aaral, pahina 147-149


https://www.youtube.com/watch?v=j_5XdHXGgHU
http://techietengki.weebly.com/uploads/4/2/0/0/42007407/et2101ssy2014-
15cablingdeguzmanmanicio.pdf
https://www.slideshare.net/sirarnelPHhistory/esp-9modyul-10
https://www.gmanetwork.com/news/publicaffairs/tunaynabuhay/260684/tunay-na-
buhay-ni-chef-boy-logro/story/

https://www.philstar.com/pang-masa/punto-mo/2014/06/30/1340680/chef-boy-logro

https://www.google.com/search?
ei=Pu5EX7emG4rbhwPVs5zwBA&q=sino+si+chef+boy+logro+&oq=sino+si+chef+boy+logro
+&gs_lcp=CgZwc3ktYWIQDFDZf1iG1QFg6OIBaABwAHgDgAEAiAEAkgEAmAENoAEBqgE
HZ3dzLXdpesABAQ&sclient=psy-
ab&ved=0ahUKEwi3vcHimLbrAhWK7WEKHdUZB04Q4dUDCA0

14
SUSI SA PAGWAWASTO SA GAWAIN
Paalala: Maliban sa mga naitalang sagot, maaaring magkaroon ng iba
pang mga kasagutan depende sa pagkaunawa. Maaring magbigay ng
konsiderasyon.

Gawain 3: Gawain 2: Gawain 1:


1. / 1. Tama 1. Magaling na
2. Tama boksingero/
2. x
3. Mali pulitiko
3. / 4. Mali 2. Magaling na
4. x 5. Tama Pulitiko/
Negosyante
1-5
5. / 3. Host ng
6. /  Matiyaga KMJS/magaling
 Masigasig na host
7. x  May pananalig sa 4. Magaling na
8. / Diyos artista/komedyant
 Disiplinado e/ host ng
9. /
 Masipag showtime
10. /  May kababaang loob 5. Magaling na
 Malikhain singer/artista
 Pinapahalagahan ang
oras

SUSI SA PAGWAWASTO SA PAGSASANAY

PAGSASANAY 3: PAGSASANAY 2: PAGSASANAY 1:


1. a
1. Curiosita 1. Tama
2. a
2. Sansazione 2. Mali
3. b
3. Dimostrazione 3. Mali
4. c
4. Connessione 4. Tama
5. b
5. Corporalita 5. Mali

15

You might also like