You are on page 1of 3

PAG-AARI NG GOBYERNO - HINDI IPINAGBIBILI

ASIGNATURA: EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 9


Pangalan ng Mag-aaral: Petsang Sinimulan:
Baitang at Pangkat: Petsang Natapos:
Pangalan ng guro: Marka:

LEARNING ACTIVITY SHEET


IKA-LIMANG LINGGO [IKATLONG MARKAHAN] 2020-2021
Modyul 11: Kasipagan, Pagpupunyagi, Pagtitipid at Wastong Pagmamahala sa
Naimpok

I. PANIMULA (Susing Konsepto):

Paggawa ang isa sa mga pinagmumulan ng kasiyahan ng isang tao. Hindi


lamang ito nakakatulong upang makamit ang kaganapan ng isang tao ngunit daan din ito upang
makapagbahagi tayo ng ating sa ibang tao. Sa pamamagitan ng paggawa ng sama-sama, mas
mapapaigting nito ang ating pakikipagkapwa at malusog na self-image dahil sa katotohanang
tayo ay nakakapagbahagi ng makabuluhang kontribusyon sa ating lipunan.
Gayunpaman, kailangan maipamalas din natin ang ating angking galling. Hindi
sapat ang “pwede na” na kaisipan. Kailangan ng may kasipagan at pagpupunyagi sa paggawa.
Ayon sa Teorya ng Pangangailangan ni Abraham Maslow, ang mga tao ay may pangangailangan
na mabigyan ng pagpapahalaga ng iba kaya naman ibinibigay nito ang buong kakayahan, lakas,
at panahon sa gawain nang buong husay upang makamit ang respeto sa sarili at respeto ng ibang
tao.
Kasipagan ay ay palagian, walang sawa, masigasig, at masiglang pagsisikap na
gampanan ang isang gawain. Ang isang masipag na tao ay kumikilos ng epektibo at ng buong
husay. Ibinibigay niya ang kanyang buong kakayahan sa paggawa, sinisiguro niya na maayos
ang kalalabasan ng gawain. Ginagawa niya ang inaatas sakanya nang may pagmamahal,ibig
sabihin nito na siya ay may malasakit at pinagsisikapan ang magandang kalidad ng gawain. Ang
kasipagan ang isa sa mga importanteng pagpapahalaga ang dapat taglayin ng isang tao sa
kanyang paggawa. Sa pamamagitan din nito ay makakamit natin ang inaasam nating maganda
at saganang buhay. Upang mas maging epektibo sa paggawa, punan ng pansin ang mas
mahalagang bagay at iwasan ang pagsasayang ng oras.
Kaakibat ng kasipagan ang pagpupunyagi. Sa buhay natin ay maraming bagay
ang nangangailangan ng ating tapang,pagiging matiisin, at determinasyon sa pagharap sa mga
ito. Pagpupunyagi ay mahalagang katangian upang magtagumpay ang isang tao sa pagharap
sa mga problema o balakid sa buhay niya. Ito rin ay kailangan upang makamit ang isang
makabuluhang mithiin ng puso. Kinakailangan na maglaan ng sipag tungo sa iyong pangarap at
buong tapang na pagharap sa mga pagsubok na paniguradong darating sa iyong landas patungo
sa iyong pangarap.
Kailangan din natin ang pagtitipid ng mga bagay na pinaghirapan natin.Iwasan ang utang
gumamit ng badyet, tukuyin kung paano babawasan ang iyong ginagastos para sa mga hindi
kinakailangan at higit sa lahat, disiplinahin ang iyong sarili na mamuhay sa loob ng iyong plano
sa badyet.Ang pagtitipid ay madudulot sa inyong buhay ng higit na kapayapaan at kalayaan.
Walang pagsisikap ang masasayang. Magbubunga ang lahat ng iyong pinaghihirapan. Sa
oras na dumating ang iyong inaasam na bunga, kinakailangan na ipamuhay ang prinsipyo ng
pag-iimpok upang ang iyong mga pinaghirapan ay hindi masayang. Mahalaga ang pag-iimpok
para sa panghinaharap na seguridad. Mababawasan ang iyong pangamba kung sakaling ikaw
ay maharap sa mga hindi inaasahang pangyayari gaya nang nararanasan natin ngayong
pandemya. Mayroon tayong magagamit sa oras ng kagipitan – pagkakasakit, aksidente at iba pa.
II. KASANAYANG PAGKATUTO

EsP9KPIIIc-11.1. Natutukoy ang mga indikasyon ng taong masipag, nagpupunyagi sa paggawa,


nagtitipid at pinamamahalaan ang naimpok
EsP9KPIIIc-11.2. Nakagagawa ng journal ng mga gawaing natapos nang pinaghandaan, ayon
sa pamantayan at may motibasyon sa paggawa
III. PAMAMARAAN

Pangkalahatang Panuto:
1. Basahin at unawain ang bawat bahagi ng Activity Sheet na ito
2. Sagutin ang bawat gawain ng buong husay, maglaan ng sapat na oras para dito.
3. Isulat ang sagot sa iyong kwaderno. Kuhaan ng larawan pagkatapos masagutan
lahat ng gawain.
4. Makipag-ugnayan sa guro sa iba pang karagdagang mga alituntunin ng pagsagot
at pagpasa.
Gawain 1
Panuto: Maghanap o magsaliksik ng isang manggagawa na iyong hinahangaan tukuyin ang
mga kanais-nais na katangian nila sa paggawa ang iyong nais tularan. Sumulat ng 5-10 mga
pangungusap ukol dito.
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
Gawain 2
Panuto: Ibigay ang hinihingi ng talahanayan na nasa ibaba. Isulat ito sa inyong kwaderno.

Mga pagpapahalaga Mga indikasyon ng taong Mga biyaya ng pagsasabuhay


nagpapamuhay nito nito
Kasipagan Hal. Tinitiyak na magiging Hal. Mapapaunlad ang
maayos ang kalalabasan ng pagkatao
gawain
Pagpupunyagi

Pagtitipid

Pag-iimpok

DEPARTMENT OF EDUCATION

9 DIVISION OF CITY SCHOOLS QUEZON CITY


DONA ROSARIO HIGH SCHOOL

SUBJECT EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO

DEVELOPMENT TEAM

Author: Aphryl Joy M. Belarmino

Content Evaluator: Milanne M. Manaog

Language Evaluator: Imelda Banaag

Subject LR Coordinator: Milanne M. Manaog

School LDRMS Ana Marita E. Aler


Coordinator:

You might also like