You are on page 1of 3

GOVERNMENT PROPERTY NOT FOR SALE

SUBJECT EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO

Name of Student Date Received

Section Date Accomplished

Name of Teacher Score

LEARNING ACTIVITY SHEETS


QUARTER 3 WEEK 1 SCHOOL YEAR 2020 – 2021
Modyul 9: Pasasalamat Sa Ginawang Kabutihan Ng Kapwa

Panimula (Susing Konsepto)

Ano nga ba ang “pasasalamat”?. Ang pasasalamat ay gawi ng isang taong mapagpasalamat; ang
pagiging handa sa pagpapamalas ng pagpapahalaga sa taong gumawa sa kaniya ng kabutihang loob. Ito rin
ay pagkakaroon ng magiliw na pakiramdam tungo sa taong gumawa ng kabutihan. Ang pasasalamat sa
salitang ingles ay gratitude, na nagsimula sa salitang latin na gratus (nakalulugod), gratia (pagtatangi o
kabutihan) at gratis (libre o walang bayad). Ang pasasalamat ay isang gawi o kilos na kailangan ng patuloy na
pagsasagawa hanggang ito ay maging birtud, magiging madali ito para sa iyo kung magkakaroon ng pusong
mapagpasalamat. Ayon kay Aesop “Gratitude is a sign of a noble souls”. Ayon kay Santo Tomas De Aquinas,
may tatlong anta sang pagpapasalamat:
⮚ Pagkilala sa kabutihang ginawa ng kapwa
⮚ Pagpapasalamat
⮚ Pagbabayad sa kabutihang ginawa ng kapwa sa abot ng makakaya.
Ang pagpapsalamat ay isa sa mg apagpaphalagang Pilipino. Naipapakita ito sa utang-na-loob.
Nangyayari ang utang-na-loob sa panahong ginawan ka ng kabutihan ng iyong kapwa. Ito ay ang pagtugon sa
kabutihang ginawa ng kapwa sa iyo sa oras ng matinding pangangailangan. Ayon kay Fr. Albert E. Alejo, S.J.,
ang utang na loob ay lumalalimkapag ang tumatanggap ng biyaya o pabuya mula sa sinoman ay nakadarama
ng matinding pananagutang mahirap tumbasan lalo na sa panahon ng kagipitan. Ang pagtanaw sa mabuting
kalooban ng ibang tao ay maaaring matumbasan ng pagganti rin ng mabuting kalooban sa iba pang tao bukod
sa taong pinagkakautangan ng loob.
Samakatuwid, ang pagpapakita ng pasasalamat ay hindi lamang sa taong pinagkakautangan ng loob,
maaari ding ituon ang pagpapsalamat sa pamamagitan ng pagkakaroon ng mabuting puso at paggawa ng
mabuti sa iabang tao.

Mga ilang paraan ng pagpapakita ng pasasalamat


1. Magkaroon ng ritwal ng pasasalamat
2. Magpadala ng liham ng pasasalamat sa mga taong nagpakita ng kabutihan o higit na
nangangailangan ng iyong pasasalamat.
3. Bigyan ng simleng yakap o tapik sa balikat kung kinakailangan.
4. Magpasalamat sa araw-araw.
5. Ang pangongolekta ng mga quotations ay magpapabuti sa iyong pakiramdam.
6. Gumawa ng kabutihang-loob sa kapwa nang hindi naghihintay ng kapalit.
7. Magbigay ng munti o simpleng regalo.

Kasanayang Pagkatuto at Koda


9.1 Natutukoy ang mga biyayang natatanggap mula sa kabutihang-loob ng kapwa at mga paraan ng
pagpapakita ng pasasalamat. EsP8BIIIa – 9.1
9.2 Nasusuri ang mga halimbawa o sitwasyon na nagpapakita ng pagpapasalamat o kawalan nito. .
EsP8BIIIa – 9.2
Pamamaraan
Gawain #1 Basahin ang siniping teksto
Gawain #2 Mga gawaing pagsususlit

GAWAIN 9.1
Panuto: Sa bilang hanggang sampu kung saan (1) ang pinakamahalaga, isulat ang mga pinasasalamat mo sa iyong buhay
ayon sa iyon pagpapahalaga, at ibigay ang dahilan kung bakit mo sila pinasasalamatan.

MGA TAONG IYONG PINASASALAMATAN DAHILAN KUNG BAKIT MO SILA PINASASALAMATAN


1.
2.
3.
4.
5.
6.
7.
8.
9.
10.

Pasusuri
1. Ano ang nalaman mo tungkol sa iyong sarili?
2. Sino-sino ang binibigyan mo ng pagpapalahalaga sa buhay mo?
3. Naipapakita mo ang iyong pagpapasalamat sa kanila? Paano?
4. Mahalaga ba para sa ito ang maging mapagpasalamat?

Pagpapalalim

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga tanong at bilugan ang pinaka angkop na sagot sa bawat bilang.
1. Ang ___________ ay gawi ng isang taong mapagpasalamat
a. Pagkagalit b. Pagmamahal c. Pagpapasalamat d. Presenya
2. Ang pagiging handa sa pagpapamalas ng pagpapahalaga sa taong gumawa sa kaniya ng ______________.
a. Kasanayan b. Maganda c. Mabuti d. Kabutihang-loob
3. Ito rin ay ang pagkakaroon ng masigla at magiliw na pakiramdamyungo sa taong gumawa ng _________.
a. Kabutihan b. Kagandahang asal c. Masama d. Kaligayahan
4. Ang pagpapasalamat sa salitang Ingles ay_______________.
a. Welcome b. Gratitude c. Congratulations d. Xie Xie
5. Ang gratitude ay nagmula sa salitang ___________
a. Arabic c. Banyaga c. Latin d. Mandarin
6. Ang kahuluhgan ng salitang ito ay nakalulugod
a. Gratus b. Great c. Gratis d. Gratia
7. Ang kahulugan ng salitang ito ay pagtatangi o kabutihan
a. Mahusay b. Gratus c. Ni Hao d. Gratia
8. Ang kahulan ng salitang ito ay libre o walang bayad
a. Free b. Gratis c. Gratias d. Given
9. Ang pasasalamat ay isang gawi o kilos na kailangan ng patuloy na pagsasagawa hanggang ito ay maging
___________.
a. Birtud b. Makasanayan c. Matandaan d. Bida
10. Ayon kay _________, “Gratitude is the sign of noble souls”
a. St. John b. Pope John Paul c. Aesop d. Martin Buber

Sanggunian
Kawanihan ng Edukasyong Sekondarya, Kagawaran ng Edukasyon , 2010. Gabay sa pagtuturo ng Edukasyon sa
Pagpapahalaga para sa 2010
James F. Keenan, S.J. (2011). Virtues for Ordinary Christians, Quezon City

DEPARTMENT OF EDUCATION

8 SCHOOLS DIVISION OFFICE – QUEZON CITY


DONA ROSARIO HIGH SCHOOL
SCHOOL DEVELOPMENT TEAM
AUTHOR
CONTENT EVALUATOR
LANGUAGE EVALUATOR
FORMAT
EVALUATOR/SUBJECT
LR COORDINATOR
SCHOOL LRMS
COORDINATOR

You might also like