You are on page 1of 3

Giving Exhortation – Galatians 6:9 - Kaya't huwag tayong mapagod sa paggawa ng mabuti sapagkat

pagdating ng takdang panahon tayo ay aani kung hindi tayo susuko.

Magandang Hapon po, Ako po si Jomar Elizon, isa po akong Certified Public Accountant at kasalukuyan
pong nagtratrabaho sa Commission on Audit bilang isang State Auditor. Ako po ay mayroon ng asawa at
tatlong mga anak. Isa po ako sa Primary 12 ni Bro Jonathan Cabote. Tulad po ng iba, kami rin po ay
dumaan sa napakaraming pagsubok lalong lalo na po nung dumating ang COVID-19 pandemic. Naging
malaking pagsubok po samin ang pandemic sa proteksyon ng aking pamilya gayon na rin sa aming
pinansyal. May mga pagkakataon na kinakailangan na naming mangutang dahil sa nag-aalanganin na ang
budget namin. Pero ganunpaman, patuloy lang naming pinanghawakan ang salita ng Diyos sa Galatians
6:9 na ang sabi ay “Kaya't huwag tayong mapagod sa paggawa ng mabuti sapagkat pagdating ng takdang
panahon tayo ay aani kung hindi tayo susuko. Patuloy kaming naging tapat sa aming tithes and offering
kahit panahon ng pandemic dahil alam namin na isa itong mabuting gawain at di kami dapat mapagod sa
paggawa nito lalo na’t itoý para sa kaharian ng Diyos. At matapos nga ang aming mga pagtatapat na ito
sa tithes and offering, hindi nagpabaya ang Lord sa aming mga prayer request at dininig Niya ang aming
mga panalangin. Dahil imbes na maubusan kami ng budget ay hindi ito nangyari. Binless kami ng Lord,
sunod-sunod ang mga natatanggap namin sa aking trabaho para sa mga empleyado na naapektuhan ng
pandemya. Naging sobra sobra pa ito at nakabili pa kami ng mga gamit sa bahay at nakapagtabi ng pera.
Naging malaking hamon talaga ang pandemya lalo na sa taong 2020-2021 ngunit kapag nandun yung
willingness, obedience and faithfulness natin sa Panginoon, walang imposible, pagtatagumpayin tayo ng
Panginoon sa lahat ng ating mga pagsubok, pati ang ating mga sisidlan ay pupunuan ng Lord ng siksik,
liglig at umaapaw at di tayo magkukulang at magiging channel of blessings pa sa iba.

Pero di pa dito natatapos ang lahat, ika nga, kapag nasa Lord kana, gagawa ang Demonyo ng mga paraan
para madistract at mawala ka sa Panginoon. Nang pumasok ang taong 2022, pumasok rin ang ilan sa
mga pagsubok sa aming buhay. Sinubok ako sa aking kalusugan. Month ng April nang magcelebrate kami
ng asawa ko ng aming 5th wedding anniversary at ako ay naexpose sa araw nung kami ay naligo sa dagat.
Isang buwan matapos ang araw na ito ay may tumubong nunal sa aking tagiliran. Alam ko na simula
pagkabata, ay wala ako nito kaya nagtataka ako na may biglang tumubo sa aking tagiliran. Nung una,
sinawalang bahala ko lamang ito ngunit habang tumatagal ay lumalaki at kumakati ito. Dito na pumasok
yung kaba sa puso ko na baka ito ay delikado at kailangan nang ipatingin sa Doctor. Lumilipas ang mga
araw, buwan ng June at July ay nakakaramdam na ako ng mga kakaiba sa katawan ko, madalas ay
parang mainit ang mata ko, palaging pagod at yung dati ko paring nararamdaman na pagkati ng nunal sa
tagiliran ko. Pinacheckup namin ito sa isang dermatologist at nung sinuri nya ito. Sabi nya, normal lang
daw ito na nunal at walang dapat ikabahala. Lumipas pa ang mga araw at patuloy padin ang pagkati ng
nunal ko at di parin ako mapalagay sa kalusugan ko, kaya para mapanatag ay nirequest ko sa Doctor na
isailalim ito sa Biopsy upang malaman kung ito ba ay cancerous o non-cancerous. Malaki ang aming mga
nagagastos sa mga checkup at gamot pati sa mga procedures kaya isa rin ito sa naging hamon sa amin sa
taong 2022. Buwan ng August ng dumating ang resulta ng Biopsy, doon, ay kabado na ako, dahil ako ay
nirequire na ng Doctor na pumunta na sa kanilang tanggapan sa Clinic taliwas sa napag-usapan namin na
kapag may resulta na at negatibo ito for cancer ay di na ako kailangan pang pumunta sa Clinic. Pagdating
sa kanilang tanggapan ay halos magupo ako sa nalaman ko, dalawa ang lumabas na resulta, ang isa ay
Spitz Nevus, isang sakit sa balat o uri ng nunal na lumalaki ng mabilis at pito sa kada 1,000 tao lamang
ang estimated na nagkakaroon nito. At ang isa pa sa lumabas sa resulta ay Melanoma, isang uri ng
cancer sa balat dahil sa sobrang exposure sa radiation partikular sa sun rays. Nanlumo ako sa resulta
ngunit sinabi ng Doctor na di pa daw final ang resulta, kinakailangan pa ako dumaan sa confirmatory
test, ang stain testing upang maconfirm kung cancerous ba ang nunal na ito o hindi. Sa kabila ng
nalaman naming ito, patuloy kaming kumapit sa Lord, nanalangin at nagtapat padin sa aming tithes and
offering sa kabila ng mga gastusin namin sa pagpapagamot ko. Walang araw na di kami nanalangin sa
Lord para sa healing ko at ipinangako ko sa Lord, na once gumaling ako, itetestify ko ang kabutihan nya
sa buhay ko. Ibabahagi ko sa lahat ang ginawang pagrescue sakin ni Lord. Kaya nung mga panahon na
iyon, ay pinili ko munang manahimik at hindi ipagsabi sa iba liban sa asawa ko dahil wala pang final na
results at ayoko rin na mag-alala ang iba. Sinurrender ko lahat lahat kay Lord, alam kong di ko na kaya,
kaya pinaubaya ko na sa Kanya ang lahat. At dumating na nga ang araw ng resulta ng confirmatory test,
sobrang thankful ko kay Lord dahil sa pagkakataong ito ay pinakita nanaman nya na di sya nagpapabaya
sa ating mga panalangin lalo na kung makikita nya na di mo rin pinapabayaan ang kaharian nya. Negative
for cancer ang aking nunal, at ito ay narule out na spitz nevus. Ito ay matagumpay nading natanggal sa
isang surgery na isinagawa sa akin. Isang malaking miracle ang ginawa sakin ni Lord, dahil ang spitz
nevus ay di common na sakit at 7 out of 1000 lamang ang nagkakaroon nito, hindi katulad ng Melanoma
Cancer na isang common na sakit.

Maliban sa katugumpayang ito na binigay sakin ni Lord, ako rin ay nagkaroon pa ng isang freelance job
aside sa regular job ko sa COA. Malaking tulong ito dahil unti unti kami nakaahon sa mga kautangan
namin simula nung nagkasakit ako. Linggo linggo na akong kumikita dahil dito kaya di na umaabot sa
punto na nag-aabang ako sa sahod dahil natutugunan narin nito ang aming mga pangangailangan. Kaya
ini-encourage ko kayo, kung kayo man ay may pagsubok, may mga problema, mga alalahanin, ilapit
natin kay Lord yan, taniman natin yan na may kasamang pagtatapat and willingness at makikita nyo ang
mga extraordinary things na gagawin ng Lord di lang sa pinansyal, kalusugan, trabaho, pamilya, kundi sa
lahat ng aspesto ng buhay nyo. Tulad ko na dumaan sa pagsubok, pagtatagumpayin din kayo ni Lord at
di nya kayo papabayaan sa mga pagsubok na kinakaharap ninyo, basta wag lang din tayo mapagod sa
paggawa ng mabuti, wag tayong mapagod sa pagseserve sa Lord lalo na sa pagtitithes at offering sa
Panginoon kasi it’s a form of serving the Lord, isa itong mabuting gawain. Sabi nga sa Galatians 6:9,
darating ang panahon at aani tayo basta’t wag lang tayo titigil o susuko. Lahat ng ating pagpapagal ay di
lang wala sa Panginoon, kaya tayo ay matiyagang tumakbo ng may pagtitiis at darating din ang time na
mararating natin ang finish line kasama si Lord sa kanyang muling pagbabalik. The harvest is coming!
Nilaan na sa atin yan ni Lord, tinubos nya na tayo sa mga kahirapan at kakapusan kaya’t magtanim tayo
sa kaharian ng Diyos! Hindi yung dumating ang harvest pero lahat kinain natin o ginamit. Dapat sa ating
mga harvest na ito, magtanim tayo para sa susunod ay mayroon tayo muling aanihin. Kung mapapansin
nyo po, kanina po may nagbigay sa inyo ng mga sobre, yung brown na sobre, yan po yung para sa ating
tithes and offering, yung 10% ng ating kinikita na binibigay natin tuwing Linggo. Simbolo po ito ng ating
pagtitiwala at pananampalataya sa Panginoon. Ito po ay ating security na sa mga darating na araw ay
poproteksyonan ng Panginoon ang ating mga sambahayan at sisidlan at di tayo magkukulang sa ating
mga pangangailangan. Yung puting sobre naman po para sa mga regular disciple, yan po yung sa ating
addullam project. Para po sa ongoing na kinokonstruct na campsite na pagdarausan ng mga church
events gaya ng youth camp. Para po ito sa mga future generation na mga kabataan na kikilala sa
Panginoon. At meron din po tayong sobre dyan para sa ating thanksgiving anniversary, ito po ay ating
special offering dahil ngayon tayo po ay nagdiriwang ng ating ikaanim na taon as a family, as a church.
Sabi nga sa 2 corinthians 9:7, iniibig ng Diyos ang nagbibigay nang may kagalakan. Kaya gawin po natin
ito ng may kasiyahan at bukal sa ating puso.
Pause 10 seconds. Kung naihanda nyo na po ang inyong mga offering at ready na po tayo ay itaas po
natin ito sa Panginoon at manalangin tayo.  Prayer

Panginoon, maraming salamat po sa araw na ito na muli ay naririto kami sa iyong harapan upang
makapagworship sayo sa pamamagitan ng aming mga tithes and offering na ito. Hinandog at itinatanim
po namin ito nang buo puso sa iyo Ama para sa aming pamilya, sa aming proteksyon, goodhealth,
trabaho at financial provision, favor and breakthrough. Ngayon palang po ay naniniwala kami na binalik
nyo na po ito sa mga nagtanim sa inyong kaharian ng siksik liglig at umaapaw. Proteksyonan nyo po Ama
ang aming sambahayan, ang aming mga sisidlan at naniniwala po kami Ama na di ito matutuyuan at
masasalanta dahil nakikita nyo po ang aming pagsunod, nakikita nyo po na masaya kaming nagbibigay at
taos-pusong ginagawa ito.

Salamat Lord, patuloy po kami nagpapasalamat sa iyo lalo na sa lahat ng mga pagsubok, kaligtasan at
katagumpayan na ipinagkakaloob mo sa amin, dahil dito lalo kaming lumalakas, tumatapang at
tumitibay, kahit minsan kami ay nadarapa ay nandyan ka para umalalay sa amin. Gawin mo po kaming
instrumento ng iyong mga mabubuting gawa nang mabago ang aming buhay gayun narin po ang aming
kapwa na mababahaginan ng inyong salita at nawaý patuloy na mamutawi samin ang endurance o
pagtitiis habang naglilingkod, dahil naniniwala kami na kapag patuloy kaming gumawa ng mabuti ay aani
kami basta di lang kami titigil at mapapagod. Salamat Panginoon, ito po ang aming samot dalangin, Sa
pangalan ni Jesus, Amen.

Lord Salamat po, Pagpalain mo po ang aming mga offering na ito at dalangin namin Ama na ibuhos mo
ang kasaganaan at pagpapala sa mga naghandog sa inyong kaharian at ito ay magagamit po Panginoon
para sa paglawak pa ng iyong gawain. Sa pangalan ni Jesus, Amen!

You might also like