You are on page 1of 1

Transcription: Rebuild Your Faith

00:58:09 – 01:03:46
How to build your family altar in the home? So unang-una po, letter “F” - Faithfulness to your commitment.
Hindi po kasi pu-pwede na sa umpisa lang, kinakailangan tuloy-tuloy po tayo. Hindi pu-pwede na putol-putol
tayo, kinakailangan ‘yong sinimulan natin ipagpatuloy natin hanggang matapos po natin. Alam niyo ang isang
tao po na hindi nakakapagpatuloy ng mabuting bagay na sinimulan niya ay isang tao po na puro drawing lang.
Pero ‘yong nagsimula ngunit nanatiling tapat hanggang sa matapos ‘yon, ‘yon po ay isang tao na nagsumikap at
commendable. Bakit po ba pinaparangalan? ‘Yong ilan po sa inyo, ‘di ba mayroon kayong mga anak na
nagsipagtapos. They had a commencement exercise. At bakit sila pinaparangalan? Kasi nakatapos po sila. So
hindi mo pu-pwedeng parangalan ‘yong mga estudyante, ‘yong mga nagsisipag-aral na hindi po nakatapos. Ang
pinararangalan lang ‘yong mga nakatapos. Bakit nanunumpa ‘yong mga nakapasa sa board exam, sa licensure
exam, sa bar exam? Kasi nakatapos sila. They were able to overcome ‘yong pong requirement na ‘yon. That’s
why they are a licensed, they are called “professionals” in their field. At kahit kami na mga pastor, mayroon
pong mga pastor na dahil sa kanilang kagustuhan na maglingkod sa Panginoon, nag-pastor sila pero hindi sila
ordained. Pero alam niyo mga kapatid? A pastor should be ordained. And I praise and thank God. Next year I
will be celebrating my 20th year as a pastor. Palakpakan naman natin ang Panginoon. Gusto ko kayong i-
encourage. ‘Yong pastor na napunta sa inyo ay hindi lang ‘yong basta tinulak na pastor. Totoong tinawag ako
ng Panginoon at totoo na mayroon po akong ordination mula sa Panginoon, mula sa isang institution. So
tingnan po natin ‘yan. Faithfulness in your commitment. Sabi po ng Deutoronomy 11:18-19, “Kaya panatilihin
ninyo ang mga salita kong ito sa inyong puso’t isipan. Itali ninyo ito sa mga braso ninyo at ilagay sa inyong noo
bilang paalala sa inyo. Ituro ito sa inyong mga anak. Pag-usapan ninyo ito kapag naroon kayo sa inyong bahay
at kapag naglalakad kayo, kapag nakahiga kayo o kapag kayo’y babangon.” Sabi pa ng verse 20-22, “Isulat
ninyo ito sa mga hamba ng inyong mga pintuan at sa pintuan ng inyong lungsod, para kayo at ang inyong mga
anak ay mabuhay nang matagal doon sa lupaing ipinangako ng Panginoon na ibibigay sa inyong mga ninuno.
Maninirahan kayo rito hangga’t may langit sa ibabaw ng mundo.” Sino nagsabi non? Walang iba kundi ang
Diyos. Pero anong una Niyang utos? “Kaya’t panatilihin ninyo”. Faithful to your commitment. If today you
would agree with me that you would start rebuilding your family altar in the home, it is not just a one-time
commitment. Tulad nung sinabi ko sa inyo kanina, having a family altar is not instant, but it is a daily
commitment in the Lord. So simulan po natin ito mga kapatid. How to be faithful? Tingnan po natin. Paano po
tayo magiging tapat sa Panginoon? 1.) Be Intentional 2.) Be Decisive 3.) Be Persistent and 4.) Be Full of Faith.
‘Be intentional’, hindi ‘yon, “Sige, busy ako ngayon kaya next Sunday na lang natin gagawin”. You don’t have
to do it everyday. Halimbawa, kami po nung hindi pa ko, wala pa kong asawa, nung binata pa po ako sinabi ko
po sa father ko, “Pa, pwede ba tayo every Sunday na magkaroon tayo ng family prayer time?” “O sige,” sabi ng
father ko. So hanggang sa mag-asawa po ako, hanggang sa mag-asawa po ‘yong mga kapatid ko po, lahat sila
nanatili sa bahay po naming, they pray together every Sunday as a family. After dinner, walang T.V. po ‘yan.
Dudulog ang bawat isa, mananalangin ng sama-sama sa Panginoon. Hindi po madali kasi syempre minsan
mayroon kang invitation sa ibang lugar, o minsan naman kailangan pagbigyan ‘yong kaibigan mo, minsan
naman mayroong, mayroon kayong family event na dapat puntahan, family outing na dapat gawin. So basta ang
mahalaga, intentional ka, na alam mo ‘pag araw ng Sunday mayroon kayong time together as a family. Be
decisive. Once you make a decision, ‘yon ‘yon kinakailangan i-implement. Be persistent kasi maraming aagaw,
maraming distructions, tutunog ‘yong cellphone mo o ‘di kaya naman habang nagpre-pray kayo biglang kukulo
‘yong sikmura mo, pupunta ka ng c.r., marami. Kasi ang kalaban ano ‘yan, ayaw niya na lumapit tayo sa
Panginoon pero be full of faith na ibig sabihin, ‘yong sinimulan natin, tutuparin natin. Kaya anong sabi ng
Salita ng Panginoon sa Filipos 1:6, “Siya na nagsimula ng mabuting bagay sa ating buhay ang magtatapos nito
hanggang sa araw ng muling pagbabalik ng ating Panginoon.” So once na sinimulan natin ‘to we can believe
that the Lord Jesus would give to us the divine enablement para maisakatuparan natin ‘to.

You might also like