You are on page 1of 1

Opening Prayer: Buwan ng Wika 2022

Marapatin po nating ilagay ang ating mga sarili sa presensiya ng ating


Diyos.
Diyos Ama na lumikha ng sanlibutan, kami po’y sumasainyo sa mga oras
na ito.
Amin pong kinikilala ang Iyong kadakilaan at ang Iyong kabutihan na
patuloy na gumagabay sa amin sa aming pamumuhay dito sa lupa.
Mangyari po na Inyong bigyang sigla ang araw na ito sa aming
pagbubukas sa isa naming bagong lingo na aming muling inaalay sa Iyong
harapan.
Loobin Niyo po na kami ay muli Mong bigyan ng lakas at gabay sa aming
buhay. Bigyan Niyo po kami ng malusog na katawan at sapat na
pangangailangan sa bawat araw na dumadaan. Gabayan Niyo po kami sa
aming mag-aaral na sila ay matuto ng lubos mula sa aming paaralan.
Gabayan Niyo po ang mga kapwa ko guro at ang aming punung guro
upang magampanan namin ng maayos ang responsibilidad na aming
tinahak sa layuning makapaglingkod sa Iyong nilikha.
Gabayan Niyo rin po ang mga magulang na naghahanap ng paraan at
tranaho upang ang mga anak ay mabuhay at mapunan ang kanilang mga
pangangailangan ito man ay pisikal, emosyonal, spiritwal, at edukasyonal.
Hinihingi po namin na patuloy po Ninyong bigyan ng biyaya ang aming
paaralan upang patuloy ito sa pagbibigay ng magandang kinabukasan sa
lahat. Sa Iyo din po namin idinudulog ang aming kagustuhan na Inyo pong
biyayaan ang aming pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa upang
aming maisagawa ang pagkakaisa bilang isang bayan sa ilalim ng Iyong
patnubay.
Bendisyonan po Ninyo ang araw na ito na kami ay malayo sa kahit
anomang kabiguan o kamalasan. Hayaan Niyo po ang inyong banal na
pagpapala na umulan sa amin para din po sa inyong kadakilaan.
Kinikikala po namin kayo bilang aming Diyos at personal na tagapagligtas.
Amen.

You might also like