You are on page 1of 3

Ang Sampung Dalaga

Ang pagtatamo sa kaharian ng langit ay itinutulad sa pangyayari ukol sa sampung


dalaga na naghihintay sa kanilang mapapangasawa. At sinabi ni Jesus,
"Magbantay kayo, dahil hindi ninyo alam ang araw o oras."

Lima sa mga dalaga'y matatalino at ang lima naman ay mga hangal.

Ang matatalinong dalaga ay nagbaon ng sobrang langis para sa kanilang mga


lampara, samantalang ang mga hangal ay hindi.

Hindi agad dumating ang kanilang mapapangasawa at sa paghihintay, ang mga


dalaga'y nakatulog. Nangagising sila nang hatinggabi na at narinig nila ang
pagdating ng kanilang mga mapapangasawa. Nagsigayak sila sa pagsalubong.
Inihanda na nila ang kanilang mga lampara. Ang mga hangal ay naubusan ng
langis kaya't nanghingi sila sa matatalino. Ngunit ayon sa mga ito ay hindi sila
mabibigyan ng langis sapagkat baka hindi magkasya para sa kanilang lahat ang
kanilang baong langis.

Ang mga hangal ay nangagsialis upang bumili ng langis. Wala sila nang dumating
ang kanilang mga mapapangasawa. Ang matatalinong nangakahanda ay
sumamang magpakasal sa mga lalaki. At napinid na ang pinto pagkatapos.

Nang magsidating ang mga hangal na babae ay kinatok nila ang pinto at nakiusap,
"Panginoon, Panginoon, kami po'y pagbuksan ninyo ng pinto."

"Hindi maaari! Hindi ko kayo nakikilala," ang narinig nilang sagot sa kanila.
Ang Tatlong Alagad

Isang lalaki ang paalis upang maglakbay. Tinawag niya ang kanyang tatlong alagad.
Binigyan niya ng pera ang bawat isa ayon sa kanilang kakayahan. Ang una ay
binigyan niya ng limang libong piseta, ang ikalawa ay dalawang libo, at ang ikatlo
ay isang libo. Pagkatapos ay umalis na ang lalaki upang maglakbay.

Samantala, ang alagad na binigyan niya ng limang libo ay agad na ginamit na


puhunan ang pera at kumita siya ng limang libo. Gayundin ang ginawa ng ikalawa
at kumita rin siya ng dalawang libo. Ngunit ang ikatlo ay naghukay sa lupa at dito
itinago ang perang iniwan sa kanya.

Pagkaraan ng mahabang panahon ay nagbalik ang lalaki. Tinawag nito ang tatlong
alagad upang magsulit. Unang lumapit ang alagad na may limang libo."Panginoon,
binigyan mo ako ng limang libo at heto, limang libo rin ang kinita ko," wika nito.

"Magaling! Isa kang mahusay na alagad," sabi ng lalaki. "Napagkatiwalaan kita ng


maliit na halaga kaya ipagkakatiwala ko sa iyo ang higit na malaking halaga. Halika
at makihati sa aking kaligayahan."

Lumapit naman ang ikalawang alagad at nagwika, "Panginoon, binigyan mo ako


ng dalawang libo. Tingnan n'yo at kumita rin ako ng dalawang libo."

Sumagot ang lalaki, "Magaling! Isa kang mahusay at mapagkakatiwalaang alagad.


Napagkatiwalaan kita ng maliit na halaga kaya ipagkakatiwala ko rin sa iyo ang
higit na malaking halaga. Halika at makihati sa aking kaligayahan."

Huling lumapit ang alagad na may isang libo at nagwika, "Panginoon, ako ay
natakot kaya itinago ko ang inyong pera sa ilalim ng lupa. Heto ang inyong pera."

Nagalit ang lalaki sa kanyang alagad at sinabing, "Tamad na alagad! Sana ay


idiniposito mo man lamang ang aking pera sa bangko upang kahit papaano ay
kumita ito ng interes na makukuha ko sa aking pagbabalik. Kunin ang pera sa
kanya at ibigay sa may sampung libo. Dahil ang taong mayroon na ay higit na
bibigyan at magkakaroon siya ng labis. Ngunit iyong wala, kahit ang kaunting nasa
kanya na ay kukunin pa sa kanya. At sa walang silbing alagad na ito, itapon siya sa
kadiliman."

You might also like