You are on page 1of 2

Parabula ng Sampung Dalaga

Ang “Parabula ng Sampung Dalaga” ay hango sa Bibliya na matatagpuan sa aklat ng Mateo


kabanata 25 talata 1 hanggang 13 (Mateo 25:1-13).
Ang pagpasok sa kaharian ng Diyos ay maitutulad sa talinghagang ito.

Mayroong sampung dalaga na lumabas upang sumalubong sa lalaking ikakasal. Lahat sila
ay may dalang ilawan. Lima sa mga dalaga ay matatalino samantalang ang lima ay hangal.
Bagama’t may dala-dalang ilawan ang limang dalagang hangal, wala naman silang baon na
langis na reserba. Kabaligtaran naman ng limang dalagang matatalino dahil bukod sa kanilang
ilawan na dala ay mayroon pa silang baong langis. Naantala ang pagdating ng lalaking ikakasal
kaya naman ang mga dalaga ay inantok at nakatulog sa paghihintay.Nang maghatinggabi na ay
may sumigaw at sinabing, “Narito na ang lalaking ikakasal! Lumabas na kayo upang salubungin
siya!”Mabilis na bumangon ang sampung dalaga at agad na inayos ang kani-kanilang ilawan.
Napansin ng mga dalagang hangal na aandap-andap na ang kanilang ilawan kaya naman sila’y
humingi ng langis sa mga dalagang matatalino.Ngunit pinayuhan ng mga matatalino na
pumunta na lamang ang mga hangal sa tindahan upang bumili ng langis dahil baka hindi
magkasya sa kanilang lahat ang dala nilang langis.Kaya naman agad na lumakad ang limang
babaeng hangal upang bumili ng langis.Di nagtagal ay dumating ang lalaking ikakasal at ang
nasumpungan niyang limang dalaga ay kasama niyang pumasok sa kasalan saka isinara ang
pinto.Pagkaraan ay dumating ang limang dalagang hangal at nakiusap ng, “Panginoon,
panginoon, papasukin po ninyo kami!”Ngunit tumugon ang lalaking ikakasal at sinabing, “Sino
ba kayo? Hindi ko kayo kilala.”XPagkatapos nito’y sinabi ni Jesus, “Kaya magbantay kayo,
sapagkat hindi ninyo alam ang araw ni ang oras.”

Aral:
Walang nakaaalam ng araw o ng oras sa pagbabalik ng Panginoon kaya naman dapat nating
ugaliing maging handa ng lahat ng pagkakataon.
Kuwento 63: Ang Matalinong Haring si Solomon
TIN-EDYER lang si Solomon nang siya’y maghari. Mahal niya si Jehova at sinusunod niya
ang payo ng tatay niyang si David. Natuwa si Jehova kay Solomon. Isang gabi, sinabi niya sa
kaniya sa panaginip: ‘Solomon, ano ang gusto mong ibigay ko sa iyo?’Sumagot si Solomon:
‘Jehova aking Diyos, batang-bata pa ako at hindi ako marunong maghari. Kaya bigyan ninyo ako
ng talino para mapagharian ko ang inyong bayan sa tamang paraan.’Natuwa si Jehova sa hiling
ni Solomon. Kaya sinabi Niya: ‘Dahil sa humingi ka ng karunungan at hindi ng mahabang buhay
o kayamanan, gagawin kitang mas marunong kaysa sinomang tao na nabuhay. Bibigyan din kita
ng kayamanan at karangalan.’Hindi nagtagal, dalawang babae na may mabigat na problema ang
lumapit kay Solomon. Sabi ng isa: ‘Nakatira kami sa iisang bahay. Nanganak ako, at dalawang
araw makaraan nanganak din siya. Isang gabi namatay ang anak niya, pero samantalang
natutulog ako, kinuha niya ang aking anak at iniwan sa akin ang patay na sanggol.’Sinabi ng
ikalawa: ‘Hindi! Ang buhay na bata ay akin, ang patay ay kaniya!’ Nagtalo sila. Ano ang gagawin
ni Solomon? Nagpakuha siya ng espada, at sinabi: ‘Hatiin natin ang bata sa dalawa, at bigyan
ang mga babae ng tigkakalahati!’Ang tunay na ina ay sumigaw: ‘Huwag! Huwag ninyong patayin
ang bata! Ibigay na lang ninyo sa kaniya!’ Pero ang ikalawa ay nagsabi: ‘Sinoman sa amin ay
huwag ninyong bigyan; sige hatiin ninyo ang bata.’Nilulutas ni Haring Solomon ang isang
mahirap na problema. Kaya sinabi ni Solomon: ‘Huwag ninyong patayin ang bata! Ibigay siya sa
unang babae. Siya ang tunay na ina.’ Alam ito ni Solomon kasi mahal-na-mahal ng tunay na ina
ang bata kaya payag siyang ibigay ito sa ikalawang babae huwag lang itong mamatay. Nang
mabalitaan ito ng bayan, tuwang-tuwa sila sa pagkakaroon ng gayon katalinong hari. Nang si
Solomon ang hari, pinagpala ng Diyos ang bayan. Marami silang pagkain. Nagsusuot sila ng
magagandang damit at nakatira sila sa magagandang bahay. Sagana sila.

You might also like