You are on page 1of 3

Ang Karunungan ni Haring Solomon

Narrator: Si Solomon ay anak ni David, hari ng Israel. Ngunit dahil sa


matandang edad ni David, ipinasa niya ang kaniyang posisyon kay
Solomon bilang hari dahil alam niyang nalalapit na ang kanyang
kamatayan.

Narrator: Isang gabi, nang nakahiga si David sa kaniyang higaan, pagod


at nahihirapan, kaniyang pinayuhan si Solomon sa kaniyang buhay at
pamumuno sa Israel.

David/: Magpakatatag ka at lakasan mo ang iyong loob. Tuparin mo ang


iyong tungkulin para sa panginoon mong Diyos at mamuhay ka ayon sa
kaniyang kalooban.

*Nagmukhang malungkot si Solomon habang hinahawakan ang kamay


ni David*

Narrator: Alam ni Solomon na hindi niya kayang mamuno sa Israel nang


mag-isa, kung kaya’t siyaý pumunta sa isang lugay at nag-alay ng libo-
libong sakripisyo para sa Diyos.

Narrator: Kinagabihan, siyaý kinausap ng Diyos sa kaniyang panaginip.

Narrator: Solomon, sabihini mo lang kung ano ang gusto mo, at ibibigay
ko sa iyo. (Sabihin sa mababang boses)

Solomon: Bata pa lamang ako at wala pa akong masyadong alam sa


pagiging isang pinuno. Pakiusap, bigyan mo ako ng karunungan at ituro
niyo po sa akin ang pagkakaiba ng tama at mali.
Narrator: Iyon ang hiling ng Haring Solomon at ipinagkaloob ng Diyos
sa kaniya ang karunungang walang kapantay at ang hindi niya hiniling
na kayamanan at karangalan buong buhay.

Narrator: Isang gabi, may dalawang babae na pinag-aagawan ang isang


sangggol at nais nilang maharap ang Haring Solomon.

Narrator: Nang dumating ang hari, agad ipinaliwanag nang unang babae
ang alam niyang katotohanan at nang matapos siyang magkuwento, agad
tumanggi ang isa pang babae.

Babae: Mahal na hari, kami po ng babaeng ito ay nakatira sa iisang


bahay. Kailan lang ay isinilang ko ang anak ko doon. Pagkalipas ng
tatlong araw ang anak naman niya ang isinilang. Wala kaming ibang
kasama doon. Isang gabi, habang natutulog kami, nadaganan niya ang
kaniyang anak at ito’y namatay. At habang natutulog po ako, tumayo
siya at kinuha ang anak ko sa higaan namin, nilagay niya ito sa higaan
niya, at tinabi sa akin ang walang buhay niyang sanggol.

Babae 2: Hindi!

Narrator: Nang makita ni Solomon ang dalawang babae na


pinapagpatuloy ang kanilang pagtatalo sa kaniyang harapan, siya’y may
hiningi sa Diyos.

Solomon: O, Diyos. Bigyan mo ako ng kaalaman.

Solomon: Pareho ninyong sinasabi na ang buhay na sanggol ay sa inyo.


Kaya ikuha ninyo ako ng espada at hatiin ang sanggol sa dalawa! Iigay
ang kalahati sa bawat isa.

Narrator: Nang maiutos iyon ni Solomon, lumuhod ang unang babae sa


kanyang harapan, nagmakawa, nakiusap, at tumangis.
Babae: Pakiusap, wag niyong patayin ang anak ko! Mahal na hari, mahal
na mahal ko ang anak ko. Ibibigay ko nalang sa kaniya, wag niyo lang
siyang papaslangin.

Narrator: Iba naman ang nagging tugon ng ikalawang babae.

Babae 2: Sige, hatiin niyo siya sa gitna para wala sa aming


makakatanggap ng bata.

Narrator: Iyon ang sabi ng ikalawang babae.

You might also like