You are on page 1of 15

Pokus ng

Tagaganap at
Layon
Sa araling ito, pag-aaralan natin ang pokus
tagaganap at pokus sa layon. Nasa pokus
tagaganap ang pokus ng pandiwa kung ang
paksa ng pangungusap ang siyang
gumaganap ng kilos nito. Sa pokus na ito,
magagamit sa pandiwa ang panlaping um-/-
um, mag-, ma-, mang (m/n)-, mag- an, at
magsipag- an/han. Pananda ng pokus o
paksa ang si/sina at ang, at magagamit din
bilang pokus tagaganap ang mga
nominatibong panghalip na ako, ka,kita,
siya, tayo, kami, kayo, at sila.
Pansinin ang isa sa mga pangungusap na ginamit sa
parabula:
Umibig si Samson kay Delilah na taga-
Sorek na naging dahilan ng kaniyang
pagbagsak.
Ang pandiwang ginamit sa pangungusap
ay umibig at ang tinutukoy ay si Samson.
Ito ay nasa pokus na tagaganap dahil ang
paksa o ang tinutukoy ng pandiwa ang
siyang gumanap ng kilos nito at
gumamit ng panandang si.
Iba pang halimbawa:
1. Nagbihis si Thor at kinuha
ang kaniyang maso.
2. Naglakbay sila buong araw.
3. Napagod ang higante at
ito’y nakatulog agad.
Ang pokus ay nasa pokus sa layon
kung ang pinag-uusapan ang
siyang layon ng pangungusap.
Ginagamit na panlapi sa pandiwa
ang –in/hin, -an/-han, ma, paki,
ipa, at pa at panandang ang sa
paksa o pokus. Pansinin naman
ang pangungusap na ito:
Nais nilang malaman ang
sikreto ni Samson.
Sa pangungusap sa itaas ang
ginamit na pandiwa ay malaman
na tumutukoy sa ang sikreto na
siyang paksa ng pangungusap at
makikita rin ang panandang ang.
Tunghayan ang iba pang halimbawa:
• 1. Isinakay ni Thor sa kaniyang
karuwahe ang kaniyang kambing.
• 2. Iniutos ni Thor sa magsasaka na
ihiwalay ang buto sa balat ng
kambing.
• 3. Kinuha ni Thor ang baon niyang
bag.
Pagsasanay 1: Salungguhitan ang pandiwang ginamit
at bilugan ang paksa ng pangungusap. Pagkatapos ay
isulat ang pokus ng pandiwa. Gawin sa sagutang
papel.
1. Nais nilang malaman ang sikreto ni Samson.
2. Ipinagkatiwala ni Samson ang kaniyang sikreto sa
dalaga.
3. Ang sikretong ito ay sinabi ni Delilah sa lider ng
Philistino.
4. Habang natutulog si Samson sa kandungan ni
Delilah ay ginupit ng mga kalaban ang buhok nito. 5.
Nagbalik-loob si Samson sa Panginoon at nanalangin
nang taimtim
6. Gumawa ng paraan si Utgaro-Loki upang
hindi sila madaig ng kapangyarihan ni Thor.
7. Inihampas ni Thor ang kaniyang maso sa
natutulog na higante.
8. Nilagok ni Thor nang malaki ang lalagyan
ng alak ngunit tila wala pa rin itong bawas.
9. Tumakbo nang mabilis si Thjalfi upang
mahabolang kalaban.
10. Kinain nila ang karne hanggang sa buto
na lamang ang maiwan
11.Binato ni Noli ang mga mangnanakaw sa isang
Jewellery Shop.
12.Lumabas ang pamilyang Cruz sa bayan upang
bisitahin ang kanilang malayong kamag-anak.
13.Gumuhit si Aiko ng kakaibang larawan ng isang
tao, na siyang pinagkaguluhan ng lahat.
14. Pinagsabihan ang lalaki dahil sa kanyang maling
asal.
15.Nagsipagkantahan ang lahat ng arista sa
inugurasyon ng isang kilalang kompanya.
PAGWAWASTO
Pagsasanay 1: Salungguhitan ang pandiwang ginamit at
bilugan ang paksa ng pangungusap. Pagkatapos ay isulat
ang pokus ng pandiwa. Gawin sa sagutang papel.
1. Nais nilang malaman ang sikreto ni Samson.
Layon
2. Ipinagkatiwala ni Samson ang kaniyang sikreto sa
dalaga. Tagaganap
3. Ang sikretong ito ay sinabi ni Delilah sa lider ng
Philistino. Layon
4. Habang natutulog si Samson sa kandungan ni Delilah
ay ginupit ng mga kalaban ang buhok nito. Layon
5. Nagbalik-loob si Samson sa Panginoon at nanalangin
nang taimtim. Tagaganap
6. Gumawa ng paraan si Utgaro-Loki upang
hindi sila madaig ng kapangyarihan ni Thor.
Tagaganap
7. Inihampas ni Thor ang kaniyang maso sa
natutulog na higante. Layon
8. Nilagok ni Thor nang malaki ang lalagyan ng
alak ngunit tila wala pa rin itong bawas. Layon
9. Tumakbo nang mabilis si Thjalfi upang
mahabolang kalaban. Tagaganap
10. Kinain nila ang karne hanggang sa buto na
lamang ang maiwan. Layon
11.Binato ni Noli ang mga mangnanakaw sa isang
Jewellery Shop. Layon
12.Lumabas ang pamilyang Cruz sa bayan upang
bisitahin ang kanilang malayong kamag-anak.
Tagaganap
13.Gumuhit si Aiko ng kakaibang larawan ng isang tao,
na siyang pinagkaguluhan ng lahat. Tagaganap
14. Pinagsabihan ang lalaki dahil sa kanyang maling
asal. Layon
15.Nagsipagkantahan ang lahat ng artista sa
inugurasyon ng isang kilalang kompanya.
Tagaganap

You might also like